Nagsimula magtinda si Nana Linda ng Balut, Penoy at Chicharon sa edad na 45. Tinangkilik ng marami ang kanyang home made suka na kung saan humihirit pa ang customer ng pabaon o dagdag kapag sila ay bumibili.
Nang dahil sa pagsusumikap ni Nana Linda sa pagtitinda gabi gabi ay kanyang napagtapos ang 3 nyang anak sa kolehiyo. Ngunit hindi dito natatapos ito, nagpatuloy si Nana Linda sa kanyang pagtitinda kahit na may pamilya na ang kanyang mga anak, bagkus nanatili sya sumuporta sa mga anak nya maging sa mga apo nya.
Dahil sa makabagong teknolohiya sa panahon natin ngayon at nauuso ang Online Selling sinubukan ni Nana Linda na ihanay o ipabilang ang kanyang Balut, Penoy at Chicharon with special home made suka sa social media. Sa una ay nahirapan at nag aadjust ngunit habang tumatagal ay nakikilala ito at kahit paano ay dumadami ang bumibili nito.