ย ย SPORTS
Black Panthers Hindi Pinalusot ang Indomitable Jaguars sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024ย
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports ย AngGintongAni.com / ย 2:45 Oktubre 25, 2024
ย ย SPORTS
Black Panthers Hindi Pinalusot ang Indomitable Jaguars sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024ย
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports ย AngGintongAni.com / ย 2:45 Oktubre 25, 2024
Napakamangha ang pinakita ng Black Panthers kontra sa kanilang mga ate ang Indomitable Jaguars sa kanilang elimination round para sa Intramurals 2024 sa iskor na 30-19 na naganap sa gym ng Barayong National High School, ika-24 ng Oktubre, taong 2024.
Walang kalaban-laban ang mga Jaguars sa mga Panthers ito ay dahil hindi maganda ang kanilang mga first ball at dito nakuha ng mga Panthers ang kanilang lakas. Kabaliktaran rin sa grade 11 dahil ginandahan nila palagi ang pag-receive ng mga first ball sa kalaban kung saan sila ay nakapagbigay ng maayos na bola sa kanilang setter at nakapag-atake ng maganda dahilan sa pag-convert nito sa mga points.
Kinulang sa teamwork ang mga Jaguars kung saan ito ay dahilan sa mahinang depensa at opensa nila at hindi nakapag-convert ng mga points para sa team. Isa ring salik na nakaapekto sa mabagal na progreso ng mga grade 12 volleyball players ang kanilang pag-serve ng hindi maganda. Kadalasan sa kanilang mga serves ay hindi nakakamangha at lalabas sa court kung saan sila ay malayang nagbigay ng points sa kalaban.
Maganda ang simula ng mga Panthers, kung saan 3-0 agad ito ay nagdulot ng matinding kaba sa mga Jaguars, buti na lang at na-out ang serve ng Grade 11 kayaโt naka iskor ang Grade 12 ngunit nakuha ulit ng Black Panthers ang momentum kung saan 5-0 run na naman.
Hindi mapakali ang tagahanga ng Indomitable Jaguars na maka-iskor lang sila kapag ma-out ang service ng mga Black Panthers sa mga unang minuto ng laro dahil para sa mga tagahanga, sila ay mga ate ngunit hindi nila napakita ng maayos at na execute ang kanilang buong galing.
Sa mga pagkakataong maganda ang laro at may long rally, hindi na-convert sa points ng mga Jaguars dahil sa kagitnaan ng tapatan ay kadalasang lalabas ang bola sa court sa tuwing umatake sila.Sa iskor na 26-12 nakapag 3-0 run ang mga Jaguars nasundan ng isa pang 2-0 run, tapos mayroon na namang 2-0 run kung saan naging 7-0 run ang at ang iskor ay naging 26-17. Dito naangkin muli ng Jaguars ang laro ngunit dahil sa nabayaang kumpyansa nabigyan ng pagkakataon ang mga Panthers na bawiin at ipanalo ang laro. Nataposย ang tapatan sa 30-19 dahil sa serve ni Blanco ng Jaguars na lumabas sa court.
โMinghoy kaayu kay nataktak nami sa Intramuralsโ aniya Marshall ng Jaguars pagkatapos ng mapanibughong laro. Dagdag pa ng Captain Ball ng Jaguars โnakulbaan sila ug taman [ka teammate] kay among kalaban mga player diri sa Barayong [varsity players].
Makita sa mga mata ng Black Panthers ang lubos na kasiyahan sapagkat natalo nila ang kanilang mga ate. Sa kabila nito, inabangan pa ng mga mag-aaral ang mga susunod na laro.
ย ย SPORTS
Red Mustangs Masayang Nilugmok ang Green Pythons sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024ย
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports ย AngGintongAni.com / ย 2:45 Oktubre 25, 2024
Tinalo ng Red Mustangs ang Green Pythons sa iskor na 30-14 sa elimination round ng volleyball para sa Intramurals 2024 na naganap sa school gym ng Barayong National High School sa ika-24 ng Oktubre, taong 2024.
Masaya na may halong kaba ang pagkapanalo ng Red Mustangs dahil ang nakatapat nila ay hindi basta-basta base sa kanilang edad. Maganda sapagkat parehong koponan ang palaban, may magandang depensa at opensa sila, ang kanilan teamwork at pambihira ngunit may mananalo talaga pagdating sa tapatan kaya't ang nagwagi ay ang Red Mustangs.
Hindi inakalang sa murag edad ng mga Green Pythons ay makapaglaro na sila na parang hindi halatang mga bata ang mga ito. Maganda ang kanilang pinakita ngunit hindi ito sapat upang matalo ang Mustangs. Pagdating sa first ball, parehong team ang nakapagbigayย ng magandang bola upang ma-set ng maayos, kaya't hindi naiwasan ang long rally sa tapatan nila.
Sa unang minuto pa lang nagpakita na ng palaban na mga galawan ang dalawang team, long rally agad dahil sa matinding depensa ngunit nakuha ng Mustangs ang unang iskor.
Hindi malayo ang agwat ng kanilang iskor bahi ang change court. Ilang ulit nag-tie ang parehong team. Isa pang highlight nito ay 'yung dalawang service ace ni Montano kung saan lumamang ang Mustangs at nasundan ito ng long rally na naman kaso maganda ang depensa at opensa ng mga pulang kabayo kaya mapasakanila ang iskor kung saan naging 13-8.
Nasundan na naman ng ace ni Montano, dalawang beses, kung kaya't 5-0 run ang laro. Maganda ang mga services ng Mustangs kaya sila ay naka-run ng Malaki. Subalit Hindi nagapatalo ang Green Pythons dahil ang mga atake ni Suarez Mula Grade 7 ay na-convert sa points ngunit hindi talaga sapat dahil bukod sa magandang services ng Red Mustangs magaling, maganda at powerful din ang atake nila dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Natapos ang laro sa iskor na 30-14 kung saan hindi inakalang malayo ang naging agwat sa kanilang iskor. Kung babalikan sa unang minuto ng tapatan hindi malayo ang agwat ngunit nagbago nang inangkin sa Mustangs ang momentum ng hapon na iyun.ย
ย ย SPORTS
Blue Eagles Nilagapak ang Black Panthers sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports ย AngGintongAni.com / ย 9:45 Oktubre 23, 2024
Hinampas ng katotohanan ang Black Panthers dahil sa galing at masipag na laro ng Blue Eagles sa elimination round ng volleyball sa iskor na 30-20 para sa Intramurals 2024 na naganap sa gym ng Barayong National High School, kahapon, ika-24 ng Oktubre, taong 2024.
Hindi mapakali ang tagahanga ng Black Panthers na tinalo sila ng Blue Eagles sa kanilang tapatan. Matindi ang labanan ng dalawang koponan kung saan nag-ingay ng school gym kahapon. Sa mga unang minuto ng laro hindi malayo ang agwat sa kanilang iskor ngunit nagbago ito matapos umabot sa 20 ang iskor ng Eagles.
Sinimulan ang laro na pinatay ang bola gamit ang kill block ni Paguirigan ng Eagles. Simula pa lang ay magaling na ang pinakita ng Grade 10 volleyball players kung saan kinabahan agad ang mga Panthers. 3-0 run ang unang momentum na nakuha ng Blue Eagles. Dalawang beses na pinatay ni Mateo ng Grade 10 ang bola kung saan nag-ingay ang tagahanga nito.
Hindi rin nagpatalo ang Mateo ng Grade 11 kung saan tagumpay rin na na-convert ang kanyang mga powerful attacks into points. Maganda rin ang kanilang mga services kung kaya't na-ace iyo at magka-points.
Isa pang maganda sa laro ay ang mga long rally na kung saan matindi ang opensa at depensa ng dalawang team. Ngunit matapos nag-change court ay inangkin na ng Blue Eagles ang momentum, may matinding kumpyansa na sila at halatang gutom na sa pagkapanalo ang mga ito.
Nang dumatung sa dalawampu (20) ang iskor ng Panthers hindi na ito nakabawi at pinako ito hanggang sa naunang umabot ang Eagles sa 30 ang iskor.
Natapos ang laro nang sunod-sunoran ng naka-puntos ang Blue Eagles, 29-20 nang maganda at matagumpay na atake ni Mateo ng Grade 10. Isang long rally na naman ngunit naangkin ng Grade 10 Blue Eagles kaya't naging 30-20 ito, at tinaguriang panalo ang mga Asul na Agila.ย