Β Β SPORTS
Blue Eagles Nilagapak ang Black Panthers sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports Β AngGintongAni.com / Β 9:45 Oktubre 23, 2024
Β Β SPORTS
Blue Eagles Nilagapak ang Black Panthers sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports Β AngGintongAni.com / Β 9:45 Oktubre 23, 2024
Hinampas ng katotohanan ang Black Panthers dahil sa galing at masipag na laro ng Blue Eagles sa elimination round ng volleyball sa iskor na 30-20 para sa Intramurals 2024 na naganap sa gym ng Barayong National High School, kahapon, ika-24 ng Oktubre, taong 2024.
Hindi mapakali ang tagahanga ng Black Panthers na tinalo sila ng Blue Eagles sa kanilang tapatan. Matindi ang labanan ng dalawang koponan kung saan nag-ingay ng school gym kahapon. Sa mga unang minuto ng laro hindi malayo ang agwat sa kanilang iskor ngunit nagbago ito matapos umabot sa 20 ang iskor ng Eagles.
Sinimulan ang laro na pinatay ang bola gamit ang kill block ni Paguirigan ng Eagles. Simula pa lang ay magaling na ang pinakita ng Grade 10 volleyball players kung saan kinabahan agad ang mga Panthers. 3-0 run ang unang momentum na nakuha ng Blue Eagles. Dalawang beses na pinatay ni Mateo ng Grade 10 ang bola kung saan nag-ingay ang tagahanga nito.
Hindi rin nagpatalo ang Mateo ng Grade 11 kung saan tagumpay rin na na-convert ang kanyang mga powerful attacks into points. Maganda rin ang kanilang mga services kung kaya't na-ace iyo at magka-points.
Isa pang maganda sa laro ay ang mga long rally na kung saan matindi ang opensa at depensa ng dalawang team. Ngunit matapos nag-change court ay inangkin na ng Blue Eagles ang momentum, may matinding kumpyansa na sila at halatang gutom na sa pagkapanalo ang mga ito.
Nang dumatung sa dalawampu (20) ang iskor ng Panthers hindi na ito nakabawi at pinako ito hanggang sa naunang umabot ang Eagles sa 30 ang iskor.
Natapos ang laro nang sunod-sunoran ng naka-puntos ang Blue Eagles, 29-20 nang maganda at matagumpay na atake ni Mateo ng Grade 10. Isang long rally na naman ngunit naangkin ng Grade 10 Blue Eagles kaya't naging 30-20 ito, at tinaguriang panalo ang mga Asul na Agila.Β