Β Β SPORTS
Red Mustangs Masayang Nilugmok ang Green Pythons sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024Β
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports Β AngGintongAni.com / Β 2:45 Oktubre 25, 2024
Β Β SPORTS
Red Mustangs Masayang Nilugmok ang Green Pythons sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024Β
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports Β AngGintongAni.com / Β 2:45 Oktubre 25, 2024
Tinalo ng Red Mustangs ang Green Pythons sa iskor na 30-14 sa elimination round ng volleyball para sa Intramurals 2024 na naganap sa school gym ng Barayong National High School sa ika-24 ng Oktubre, taong 2024.
Masaya na may halong kaba ang pagkapanalo ng Red Mustangs dahil ang nakatapat nila ay hindi basta-basta base sa kanilang edad. Maganda sapagkat parehong koponan ang palaban, may magandang depensa at opensa sila, ang kanilan teamwork at pambihira ngunit may mananalo talaga pagdating sa tapatan kaya't ang nagwagi ay ang Red Mustangs.
Hindi inakalang sa murag edad ng mga Green Pythons ay makapaglaro na sila na parang hindi halatang mga bata ang mga ito. Maganda ang kanilang pinakita ngunit hindi ito sapat upang matalo ang Mustangs. Pagdating sa first ball, parehong team ang nakapagbigayΒ ng magandang bola upang ma-set ng maayos, kaya't hindi naiwasan ang long rally sa tapatan nila.
Sa unang minuto pa lang nagpakita na ng palaban na mga galawan ang dalawang team, long rally agad dahil sa matinding depensa ngunit nakuha ng Mustangs ang unang iskor.
Hindi malayo ang agwat ng kanilang iskor bahi ang change court. Ilang ulit nag-tie ang parehong team. Isa pang highlight nito ay 'yung dalawang service ace ni Montano kung saan lumamang ang Mustangs at nasundan ito ng long rally na naman kaso maganda ang depensa at opensa ng mga pulang kabayo kaya mapasakanila ang iskor kung saan naging 13-8.
Nasundan na naman ng ace ni Montano, dalawang beses, kung kaya't 5-0 run ang laro. Maganda ang mga services ng Mustangs kaya sila ay naka-run ng Malaki. Subalit Hindi nagapatalo ang Green Pythons dahil ang mga atake ni Suarez Mula Grade 7 ay na-convert sa points ngunit hindi talaga sapat dahil bukod sa magandang services ng Red Mustangs magaling, maganda at powerful din ang atake nila dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Natapos ang laro sa iskor na 30-14 kung saan hindi inakalang malayo ang naging agwat sa kanilang iskor. Kung babalikan sa unang minuto ng tapatan hindi malayo ang agwat ngunit nagbago nang inangkin sa Mustangs ang momentum ng hapon na iyun.Β