Β Β SPORTS
Black Panthers Hindi Pinalusot ang Indomitable Jaguars sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024Β
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports Β AngGintongAni.com / Β 2:45 Oktubre 25, 2024
Β Β SPORTS
Black Panthers Hindi Pinalusot ang Indomitable Jaguars sa Elimination Round ng Volleyball Para sa Intramurals 2024Β
Isinulat ni: May Kyla Alpuerto - Manunulat ng Sports Β AngGintongAni.com / Β 2:45 Oktubre 25, 2024
Napakamangha ang pinakita ng Black Panthers kontra sa kanilang mga ate ang Indomitable Jaguars sa kanilang elimination round para sa Intramurals 2024 sa iskor na 30-19 na naganap sa gym ng Barayong National High School, ika-24 ng Oktubre, taong 2024.
Walang kalaban-laban ang mga Jaguars sa mga Panthers ito ay dahil hindi maganda ang kanilang mga first ball at dito nakuha ng mga Panthers ang kanilang lakas. Kabaliktaran rin sa grade 11 dahil ginandahan nila palagi ang pag-receive ng mga first ball sa kalaban kung saan sila ay nakapagbigay ng maayos na bola sa kanilang setter at nakapag-atake ng maganda dahilan sa pag-convert nito sa mga points.
Kinulang sa teamwork ang mga Jaguars kung saan ito ay dahilan sa mahinang depensa at opensa nila at hindi nakapag-convert ng mga points para sa team. Isa ring salik na nakaapekto sa mabagal na progreso ng mga grade 12 volleyball players ang kanilang pag-serve ng hindi maganda. Kadalasan sa kanilang mga serves ay hindi nakakamangha at lalabas sa court kung saan sila ay malayang nagbigay ng points sa kalaban.
Maganda ang simula ng mga Panthers, kung saan 3-0 agad ito ay nagdulot ng matinding kaba sa mga Jaguars, buti na lang at na-out ang serve ng Grade 11 kayaβt naka iskor ang Grade 12 ngunit nakuha ulit ng Black Panthers ang momentum kung saan 5-0 run na naman.
Hindi mapakali ang tagahanga ng Indomitable Jaguars na maka-iskor lang sila kapag ma-out ang service ng mga Black Panthers sa mga unang minuto ng laro dahil para sa mga tagahanga, sila ay mga ate ngunit hindi nila napakita ng maayos at na execute ang kanilang buong galing.
Sa mga pagkakataong maganda ang laro at may long rally, hindi na-convert sa points ng mga Jaguars dahil sa kagitnaan ng tapatan ay kadalasang lalabas ang bola sa court sa tuwing umatake sila.Sa iskor na 26-12 nakapag 3-0 run ang mga Jaguars nasundan ng isa pang 2-0 run, tapos mayroon na namang 2-0 run kung saan naging 7-0 run ang at ang iskor ay naging 26-17. Dito naangkin muli ng Jaguars ang laro ngunit dahil sa nabayaang kumpyansa nabigyan ng pagkakataon ang mga Panthers na bawiin at ipanalo ang laro. NataposΒ ang tapatan sa 30-19 dahil sa serve ni Blanco ng Jaguars na lumabas sa court.
βMinghoy kaayu kay nataktak nami sa Intramuralsβ aniya Marshall ng Jaguars pagkatapos ng mapanibughong laro. Dagdag pa ng Captain Ball ng Jaguars βnakulbaan sila ug taman [ka teammate] kay among kalaban mga player diri sa Barayong [varsity players].
Makita sa mga mata ng Black Panthers ang lubos na kasiyahan sapagkat natalo nila ang kanilang mga ate. Sa kabila nito, inabangan pa ng mga mag-aaral ang mga susunod na laro.