Β Β BALITA
Matagumpay na Naipagdiriwang ng Barayong NHS ang Selebrasyon ng UN 2024Β
Isinulat ni: Rhealyn Marshall - Manunulat ng Balita Β AngGintongAni.com / Β 1:12 Oktubre 25, 2024
Β Β BALITA
Matagumpay na Naipagdiriwang ng Barayong NHS ang Selebrasyon ng UN 2024Β
Isinulat ni: Rhealyn Marshall - Manunulat ng Balita Β AngGintongAni.com / Β 1:12 Oktubre 25, 2024
Kahapon ika-14 ng Oktubre 2024 ipinagdiriwanf ng Barayong NHS ang selebrasyon ng United Nation 2024 sa pamumuno ng kanilang punong guro na si Romualdo Pajigal Jr., ipinadiwang nila ito sa kanilang school gymnasium.
Lahat ng guro at karamihan sa mga mag-aaral ay isinuot ang iba't ibang kasuotan sa mga bansa na kasali sa UN, ang kanilang kasuotan at pagkakaisa at tugma o kaaya-aya sa tema na " Cultivating a Culture of Peace ". Sa pagdiriwang ay matagumpay nilang naipakita na ang United Nation ay nagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.
Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hiniang bilang paggalang sa ating bansa sinundan naman ng opening prayer at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas. Ang mensahe ng pagtanggap naman ay ibinigay ni Sir Joammy Cabais. Pagkatapos ng mensahr ng pagtanggap ay nabigyan ng oportunidad ang lahat ng guro at mag-aaral na ipakita ang kani-kanilang mga kasuotan sinundan naman ng pag anunsiyo ng mechanics para sa pageant ng Mr. & Ms. UN.
Inirepresenta ng Mr & Ms UN ang bansang India, Philippines, Dominican Republic, Japan, UK at South Korea. Simula palang ng pageant ay napakasigla na ng mga nanunood, maririnig ang hiyawan at nakikita ang saya. Mas pinasaya pa dahil sa intermission number ng mga magagaling na studyante na may iba't ibang talento mula sa JHS vocal arts students, Grade 10 SPFL, at mga radio broadcaster sa Filipino.
Bago inanunsiyo ang panalo sa Mr & Ms UN ay inuna ang awarding sa Quiz Bee, Poster and Slogan Making, at Collage Making Contest. Makikita sa mga nanalo ang saya sa kanilang mga mukha , ayon pa sa 2nd Placer sa Quiz Bee na si Bernard Gilvez, "happy kaayo ko kay unexpected jud kaayo nga modaog kay wako kastudy og tarong."
Sa huli ay nagwagi ang representative ng G10 na inirepresenta ang bansang India, ang nanalo sa Ms.UN ay si Nathania Belle Buhawi at sa Mr.UN naman ay si Raily Sarita. Sobrang pinagmamalaki ng kanilang guro, magulang at pati narin ang kanilang mga kaklase. Pagkatapos ng pagdiriwang ay ibinigay ngΒ punong guro ang mensahe sa crossing remarks, sobrang saya niya dahil matagumpay nilang naipagdiriwang ang UN 2024 sa kaniyang pamumuno.Β