Β Β BALITA
Bagyong Kristine, Labis ang Pinsalang Nahatid sa Lalawigan ng LuzonΒ
Isinulat ni: Rhealyn Marshall - Manunulat ng Balita Β AngGintongAni.com / Β 1:12 Oktubre 25, 2024
Β Β BALITA
Bagyong Kristine, Labis ang Pinsalang Nahatid sa Lalawigan ng LuzonΒ
Isinulat ni: Rhealyn Marshall - Manunulat ng Balita Β AngGintongAni.com / Β 1:12 Oktubre 25, 2024
Noong Oktubre 23, 2023, patuloy na nakakaapekto ang Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami) sa mga residente ng Pilipinas, partikular sa mga lalawigan ng Northern at Central Luzon. Ayon sa PAGASA, ang bagyong ito ay kasalukuyang nasa West Philippine Sea at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes, Oktubre 27. Gayunpaman, may posibilidad na muling pumasok ito sa PAR at magbago ng direksyon patungo sa silangan sa darating na Linggo at Lunes.
Dahil sa epekto ng bagyong Kristine, maraming tao ang nakakaranas ng matinding hirap. Ang mga lugar na sinalanta ay nag-ulat ng pagbaha, pagkasira ng mga pananim, at pagkawalang-bahay ng ilan.Umakyat na rin 26 ang iniulat na mga nasawi sa Bicol region dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine noong Oktubre 25.
Mas masaklap pa dahil mahigit limang-daang barangay sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Naga City ang nalubog sa baha dahil sa malalakas na ulan dala ng bagyong. "Kami ay nahihirapan dahil sa pagbaha; halos wala na kaming makain," sabi ni Aling Maria, isang residente mula sa Pampanga. Dagdag pa niya, "Kailangan namin ng tulong mula sa gobyerno para sa aming mga pangangailangan."
Napakaraming residente sa iba't ibang lugar ng Luzon ang labis na nahihirapan dahil sa pag aalala kung saan sila kukuha ng makakain, hindi lamang ang mga biktima ganun din ang gobyerno ay nag aalala kung paano nila mabibigyang solusyon dahil sa rami ng napinsala hindi lamang mga imprastraktura pati na ang buhay ng mga tao.
Ayon kay Chris Perez, assistant weather services chief ng PAGASA, "Dapat asahan ng mga residente ang malakas na pag-ulan sa Northern at Central Luzon, na dulot ng patuloy na pagsabay ng bagyo at ang paparating na low-pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao." Ang LPA, na kasalukuyang nasa 2,295 km mula sa PAR, ay inaasahang magiging tropical depression at tatawaging βLeon.β Ang sistemang ito ay posibleng pumasok sa northeastern boundary ng PAR bago lumipat patungo sa Japan.
Dahil sa mga pag-ulan, nagbigay ng mga abiso ang mga lokal na pamahalaan para sa mga banta ng pagbaha at landslide. "Kailangan naming maging handa para sa mga susunod na sakuna," dagdag ni Perez, habang hinihimok ang publiko na sumunod sa mga abiso ng PAGASA at lokal na ahensya.
Sa kabuuan, ang mga lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno ay nagtutulungan upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa gitna ng mga banta ng bagyo, habang patuloy na nagmomonitor sa sitwasyon ng panahon ay patuloy rin ang pagbibigay ng gobyerno ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong KristineΒ