ANG PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN JOSE
Noong taong 1967, ay nagkaroon ng sama-samang pagkilos ang mga mamamayan ng Barangay San Jose sa pamumuno nina brgy. Capt. Buenaventura San Juan, G. Telesforo M. Umali Sr., Gng. Pricila SJ. Buenaventura, Gng. Maria Milagroso Borlongan, Gng. Lucy Reydan at iba pa, na dumulog sa tanggapan ng Punong Bayan Magno Gatchalian upang tulungan silang makapagtatag ng paaralan sa kanilang lugar sapagkat kahit maraming magulang ang nagnanais nap ag-aralin ang kanilang mga anak ay nagkakaroon ng balakid bunga ng kahirapan at sapagkat medyo may kalayuan ang kanilang mga tahanan sa kabayanan, magubat na sasahanat mga pilapil lamang ang daanan patungo doon kung kaya ang ibang mga bata ay napipilitang huminto sap ag-aaral. Nakabaanaag sila ng pag-asa dahil may dating kubo na ginawang himpilan ng marine sa dulong bahagi ng Barangay San Jose sa lupang pag-aari ng mga Borlongan at ito ang naisip nilng pagsimulan ng isang munting paaralan.
Dahil sa kagandahang loob ng magkapatid na Gng. Maria Milagroso Borlongan at Gng. Lucy Reydan ay ipinagkaloob nila ang lupang kasalukuyang kinatatayuan ng paaralan upang higit itong mapakinabangan ng maraming mamamayan ng San Jose kung kaya noong taong ding iyon (1967) ay napasimulan ang pagtatayo ng unang gusali (Army Type Building) na mayroong tatlong silid-aralan sa nasabing lupa sa tulong at pamamagitan din ng Kinatawan Teodolo Natividad.
SAN JOSE ELEMENTARY NOON
Pormal na binuksan ang paaralan para sa unang baitang noong Mayo 1969 bilang Annex ng Paaralang Sentral ng Paombong at ito ay sa pamamahala ng Punongguro na si G. Andres Capili. Ang kauna-unahang gurong naglingkod sa paaralan ay si Gng. Leticia Centeno. Noong sumunod na taon 1970, ay binuksan naman ang ikalawang baitang at nag naging guro ay si Gng. Corazon Borlongan. Taong 1971, ay binubuo na ng tatlong baitang ang Paaralang Primarya ng San Jose at nadagdagan pa rin ng isa pang guro sa katauhan ni Gng. Julita Wong. Nanatiling Primary School na binubuo ng tatlong baitang ang paaralan mula 1969 hanggang Marso 1990.
Naging maruddob ang hangarin ng mga taga San Jose na madagdagan at makumpleto ang mga baitang ng paaralan kung kaya sa panahon ni Kgg. Roberto Pagdanganan (Punong Lalawigan), Kgg. Rufino B. Valencia (Punong Bayan), Kgg. Manuela T. Gonzales (Pang. Punong Bayan), G. Nicanor Suerte Felipe (Punong Barangay), Gng. Benedicta Gonzales (Tagamasid Pampurok), Bb. Purificacion S. Flores (Namamahalang Guro), G. Telesforo M. Umali Sr. (Pangulo ng PTA ay binuksan ang ika-apat na baitang (1990-1991), ikalimang baitang (1990-1992). At noong Taong Pampaaralan 1992-1993 ay nagkaroon ng kaganapan na makumpleto na ang baitang sa Paaralang Elementarya ng San Jose, noong panahong ding iyon ay si Kgg. Dominador Gonzales naming ang nanunungkulan bilang Pangalawang Punong Bayan at Gng. Gloria V. Santos naman ang ang naging Namamahalang Guro sa paraalan. Ang mga naunang nabanggit na nanunungkulan ay nanatili sa pwesto mula 1990-1993.
Noong Martes, Marso 30, 1990, ika-2 ng hapon ay ginanap ang kauna-unahang Palatuntunan sa Pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng San Jose na kung saan ay naging Panauhing Pandangal si Rev. Ventura P. Galman.
Maraming pagbabago ang naganap sa paaralan dahil sa sipag at dedikasyon ng mga nanunungkulan dito.
Noong Pebrero 28, 1998 hanggang Hunyo 28, 2007 ay nagsilbing Punongguro ng paaralan si Gng. Andrea A. Sta Rufina. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay lalong lumaki ang populasyon ng paaralan kung kaya’t pinagsikapan niyang magkaroon ng mga karagdagang mga guro ang paaralan. Ang dating anim (6) na guro ay nadagdagan ng pang lima (5), tatlo dito ay national funded at ang dalawa naman ay provincial contractual.
Maging ang mga silid-aralan ay pinagsikapan din ni Gng. Sta. Rufina na maisaayos at magkaroon pa ng karagdagan kung kaya noong taong 2000 ay naipatayo ang Special Type Building mula sa opisina ng dating kinatawan Wilhelmino M. Sy-Alvarado. Ito ang ginagamit sa ngayon na opisina ng paaralan at isang silid ay ika-anim na baitang.
Noong Hunyo 2, 2002 ay ginanap naman ang pagbabasbas at pormal na pagkakaloob ng isa pang gusali, ang Peace Building na handog naman ng Manila Movers Lion’s Club Dist. 201 – Al, Taipei Green Mountain Lion’s Club Dist. 300-C1. Ang nasabing gusali ay naipatayo sa paaralan dahil na rin sa sama-samang pagkilos ng noo’y Punong Bayan, Kgg. Dominador D. Gonzales, Pamunuan ng Soroptomist International ng Paombong na ang Pangulo ay si Gng. Amy Garrido Santos, RC Biak-na-Bato Silangan President Dr. Rene G. Santos (SLN), Gng. Manuela T. Gonzales at iba pang miyembro ng NGOs.
Ang iba pang mga gusali na naipatayo sa paaralan sa panahon ng panunungkulan ni Gng. Andrea A. Sta. Rufina ay ang Special Type Building (2005) na galling naman sa opisina nina Kgg. Josefina M. dela Cruz (Punong Lalawigan) at Kgg. Rely Plamenco (Pang. Punong Lalawigan) at ang Covered Court naman sa Rotary Club of Gosheng na nakabase sa New York na kinakatawan ni G. Virgilio Pascual at sa pamamagitan din ng Rotary Club of Paombong na pangulo ay si Engr. Crisostomo “Bogie” SF. Garrido.
Maging ang pagpapatambak ng lupa at pagbabakod sa gawing likuran ng paarlan ay pinagsikapan din ng punongguro at mga guro na maisakatuparan upang hindi na masyadong maapektuhan ng pagbaha ang
paaralan sa tuwing magkakaroon ng high tide.
Mula Hunyo 28, 2007 hanggang Hunyo 16, 2008 ay nanungkulan bilang punongguro ng paaralan si Gng. Petronila B. Gonzales bilang kapalit ni Gng. Andrea A. Sta. Rufina na nalipat sa Kapitangan Elementary School.
Mula naman Hunyo 17, 2008 hanggang Nobyembre 2013 ay si Gng. Benilda B. Agustin ang nanungkulan bilang punongguro ng paaralan. Ang naging layunin naman ni Gng. Agustin ay maging mataas ang kalidad ng pagtuturo at lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa Taong Pampaaralan 2008-2009 at 2009-2010, ang San Jose Elementary School ang nakakuha ng unang pwesto sa District Ranking Test Result. Kabalikat din ni Gng. Agustin ang mga guro na sina Gng. Amalia L. Galman, Gng. Guillerma V. Tuazon, Gng. Pacita T. Espinoza, Gng. Marilou C. Nunag, Gng. Perlita C. Gualberto, Gng. Maribel S. Agustin, G. Antonio S. dela Cruz, Gng. Lolita G. Santos, Gng. Ma. Racquel P. Roxas, Gng. Silvina N. Teodoro at Gng. Suzette L. Capili. Dahil sa pagsisikap ng bawat isa ay naitaas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng San Jose ES na pinatutunayan ng resulta ng National Achievement Test mula Taong Pampaaralan 2008 – 2013.
Noong Nobyembre 18, 2013 ay nagsimulang magsilbing punongguro ng paaralan si Gng. Susana T. Gabriel. Tatlong taon na sa pagiging punongguro ng paaralan ay masasabi na malaki ang naging pagbabago ng paaralan. Naging prayoridad din ni Gng. Gabriel ang panatilihin ang kaayusan at kagandahan ng paaralan kung kaya lalo niyang pinagsikapang mapasigla ang Samahan ng mga Magulang at Guro at ang pakikipag-ugnayan din sa Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni Barangay Captain Danilo C. de Leon. Pinasimulan nila ang konstruksyon sa kapaligiran ng paaralan. Kinilala ang paaralan bilang Division Outstanding Implementer of Solid Waste Management (Sustainability Award), Division Winner for EPP Model Laboratory in ICT – 1st Runner-up, EDDIS I Outstanding Implementer of Solid Waste Management, EDDIS I Division Winner for EPP Model Laboratory in ICT sa loob ng dalawang taon.
Inayos niya ang bawat sulok ng paaralan. Umpisa sa maliit tulad ng pagpapalit ng door knobs ng ilang pintuan ng silid-aralan, water faucet at pipe lines, mga plant boxes, bagong school directory Feeding Area, school landmark, trellis at pagsasayos ng flagpole. Pati na rin ang simpleng pagbibihis ng kulay ng mga muwebles ng opisina. Sa pamamagitan ng samahan ay napapinturahan nilang muli ang mga gusali ng paaralan, plant boxes at mga fences. Nagkaroon din ng bagong canteen ang paaralan na naggaling sa LSB.
Isa rin sa kanyang prayoridad ang mataas na kalidad ng edukasyon. Kaya naman ang paaralan ay nakakuha ng 90.17% noong taong 2013-2014 . Taon-taon ay kinikilala ang paaralan sa iba’t ibang larangan tulad ng Press Conference, MTAP, AP Olympics at iba pa.
Isa ding patunay na naging makabulkuhan ang pananatili ni Gng. Gabriel sa paaralan sa pagkahirang sa kaniya bilang Bulacan Outstanding Administrator and Teacher noong 2015.
Sa kabila ng hindi niya pagiging taal na taga Paombong ang puso at dedikasyon naman niya bilang punongguro ng paaralan ay hindi matatawaran. Si Gng. Sandra A. Dario ay nanungkulan na punongguro ng paaralan mula Enero 2019 hanggang Enero 2020. Hindi naging balakid ang maikli niyang pamamalagi upang mabigyan ang mga mag-aaral, paaralan at ang buong komunidad ng serbisyo na talaga namang tumatak sa puso at isipan ng bawat Josean.
Mapalad ang Paaralang Elementarya ng San Jose sapagkat dumating dito ang isang punongguro na buong pusong naglilingkod at tunay namang nag-aalab ang pagnanais na maibigay ang de-kalidad na edukasyon at ligtas na paaralan para sa mga batang Joseans, mga magulang maging sa buong komunidad. Si Dr. Vilma S. Cabigao ang kasalukuyan punongguro ng paaralan. Sa kanyang panunungkulan hindi nagging hadlang ang pandemya upang maisakatuparan niya ang kanyang mga mithiin para sa paaralan. Sa kaniyang panahon nagkaroon ang paaralan ng kauna-unahang Two-Storey Four-Classroom School Building.
Sabi nga po blessing after blessing. Muli po ang paaralan ay napagkalooban ng panibagong Two-Storey Four-Classroom School Building and Hand Washing Facility at Covered Court (Dome Type). Ang lahat po ng nasabing proyekto ay sa ilalim ng panunungkulan ni Igg. Gob. Daniel R. Fernando.
Ang Paaralang Elementarya ng San Jose mula noon hanggang ngayon ay isang institusyon na nagsusulong ng mataas at de-kalidad na edukasyon at humuhubog sa mga mag-aaral na magkaroon ng mataas na pagpapahalaga sa kagandahang asal. Tinitiyak namin na ang aming mga mag-aaral ay magkaroon ng maayos na paaralan na makatutulong sa kanilang pagkatuto at sa matatag na pundasyon para sa kanilang magandang kinabukasan.