WIKA 1 CHAT BOX HIGHLIGHTS

Bahagyang kaugnay sa ating mga adbokasiya, may survey ang alyansang Tanggol Wika sa dami

ng required na kursong Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Maaari po ninyong basahin at sagutan din ang survey,

dahil isa ito sa maaaring gamiting batayan sa panukalang batas na patungo sa dagdag

na required Filipino at Panitikan courses sa kolehiyo :-)

https://tanggolwika.org/2021/04/25/national-survey-on-the-situation-of-filipino-and-panitikan-in-college-2021-data-in-aid-of-legislation-for-house-bill-223-and-senate-bill-1838/

Vladimeir Gonzales



Maganda rin po sigurong ipasok ang mental health sa intelektuwalisasyon ng wika.

Marami pa rin po kasing mga maling paniniwala at kalituhan tungkol sa mga

salitang ginagamit natin sa pagtalakay ng mental health.

Faith Buenacosa




Huwag din po nating kalimutan ang dimensyon ng usaping pangkasarian na bumabagabag sa mga tahanan lalo na sa panahon ng lockdown. halimbawa ang mga karahasan batay sa kasarian, multiple burden ng babaeng faculty, diskriminasyon sa LGBT na nakita lalo na sa pagpaparusa ng kapulisan. Sinasabi mismo ng mga estudyante na mahirap mag-aral dahil sa mga kundisyong pangtahanan.

Nak Kimuell-Gabriel




Dahil diyan, mahalaga po na ma-contextualize ang ating mga babasahin sa karanasan ng mga mag-aaral. Hindi porke iyon ang assigned reading, ay iyon na ang ipapabasa natin kahit hindi sila maka-relate. Sa karanasan ko, nagiging mas meaningful sa mga estudyante na nagpapakadalubhasa sa ibang disiplina kapag nakita nila ang integration ng WIKA1 sa kanilang major.

Felicisimo Galletes, Jr.