Forthwith? Federalism? Cha-cha? Populism? Nosebleed ba? Same tayo! Kaya sali na sa PULITICLASS: Politics in a byte Vlog contest! Pumili ng topic at gumawa ng bite-sized videos that explain one political concept.
Here's what we did: We analyzed hundreds of academic articles from Web of Science para malaman which political concepts matter most sa bansa natin. Pero dapat maipalaganap ang mga konseptong ito. Kaya inaanyayahan namin kayong gumawa ng short videos (3-5 minutes lang!) about sa mga complex ideas na ito and turn them into simple, relatable content.
Walang jargon. Walang boring lectures. Just real talk about politics na naka-affect sa daily life mo.
Whether you're a high school student na nag-ccram for exams, or undergrad students trying to understand the news better, sumali na para mas maging informed ang lahat.
Let's make politics less confusing and more accessible, one video at a time!
Kasi understanding politics shouldn't be a privilege—it should be para sa lahat. 💪
Pili na ng isang topic mula sa listahan! Gamitin ang talino at creativity—at ikonek ang pulitika sa totoong buhay ng mga Pilipino!
The Populism Puzzle
People Power Now
When Storms Hit Politics
Gov 101 & You
Defending Rights
The Trust Thermometer
Global Ripples, Local Waves
Media & The Message
Dynasty Dynamic
COVID-19 Leadership Lessons
11. Brains & The Ballot Box
12. War, Peace & Resilience
13. Digital Justice Warriors
14. Growth vs. Grassroots
15. Why the West Philippine Sea Matters
16. Echoes of Conflict
17. Uniforms in Office?
18. The Corruption Conundrum
19. Decoding Disinformation
20. Tech in Governance & Security
Gumawa ng short videos na parang Tiktok or Vlog-style tungkol sa napili mong topic, 3 to 5 minutes lang!
Ang goal ay gawing simple ang mga paglatag sa mga isyung pulitikal, ikonek sa araw-araw na buhay ng mga Pinoy, at hikayatin ang makabuluhang pakikilahok ng kabataan, gobyerno, at publiko.
MGA ILANG HALIMBAWA NG VLOG-TYPE VIDEOS NA PWEDENG GAWIN INSPIRASYON:
Individual college/ university students, or kahit senior high students, basta active and enrolled sa alinmang kolehiyo o unibersidad sa Pilipinas. Mas mainam na recognized ang organisasyon ng kanilang institusyon, ngunit hindi ito mahigpit na kinakailangan basta’t may pahintulot o suporta ng guro o faculty adviser.
Kung maaari, kasama sa submission ang isang maikling summary tungkol sa napiling topic na hindi lalampas sa 1,000 hanggang 2,000 words. Hindi kasama sa judging o pagbibigay ng score sa video ang write-up.
Runtime: 3–5 minutes.
Technical Requirements:
File Format: MP4 or MOV format.
Resolution: Minimum resolution of 720p (1280x720) ay nirerequire, pero kung kaya ay 1080p (1920x1080).
File Size: Maximum file size ay hindi dapat humitgit ng 500MB.
Pwede gumamit ng kahit anong editing software, siguraduhin laman na walang watermark ang output.
Language: Filipino, English, or combination. Dapat engaging at masayang pakinggan ang pananalita na gagamitin, pero iwasan ang sobrang slang na pananalita. Mas okay gumamit ng malinaw na Filipino o English na swak sa educational content. Hindi kailangan sobrang pormal, basta madaling maintindihan. Puwede ang conversational Taglish, basta klaro pa rin ang mensahe. Mas maganda rin kung may subtitles para mas maraming makapanood at makaintindi.
Style: Puwedeng storytelling, explainer, docu-style, animation, skit— pwede ring Tiktok style!.
Target Viewership: Pampubliko
Isumite ang entry electronically bago o sa araw mismo ng September 15, 2025.
Puntahan ang link na ito https://bit.ly/PSPCVlog2025 at iupload ang iyong files sa form. May mga mga guide na sa portal na tutulungan ka iupload ang video, ang write-up, ang katibayan ng iyong affiliation, at mga social media links.
Maari rin ipadala ang iyong entry sa opisyal na email ng PSPC: pspc.cids@up.edu.ph. Gamitin lamang ang ganitong Subject Line: [Puliticlass Video Entry] - Org Name - Video Title.
Attachments:Â
Video
Hindi required pero kung kaya, mag attach din ng maikling write-up/political insight ng napiling topic. 1,000 to 1,500 words only. Maari itong isulat katulong ng inyong faculty adviser.
Ang mga mapipiling video ay dadaan sa isang review at judging process.
Ang mga shortlisted videos ay pipipliin at kokontakin ng CIDS-PSPC. Iaanunsyo ang mga ito sa pamamagitan ng UPCIDS social media accounts at sa website na ito.
Ipiprisenta sa isang symposium na gaganapin sa UP Diliman ang mga napiling videos. Dito maibabahagi kung paano ninyo naunawaan at binuo ang konsepto ng video.
May modest honorarium (cash prize) na ibibigay para sa mga chosen entries.
Ang mga magsisilbing hurado ay mga faculty members mula sa mga piling unibersidad, kolehiyo, mananaliksik mula sa UP CIDS, at mga media/communication practitioners.
Ang paggamit ng AI sa pagpapahusay habang ine-edit ang mga video ay pinahihintulutan, ngunit hindi ito dapat gamitin upang buuin ang buong nilalaman ng video. Ang paggamit ng anumang AI app at/o software ay dapat ideklara.
Para sa kahit ano mang katanungan tungkol Puliticlass Vlog Challenge, maari lamang makipagugnayan sa Program on Social and Political Change gamit ang pspc.cids@up.edu.ph.Â