Talakayan sa Wika, Kultura, at Lipunan
Ano ang halaga ng wikang Filipino at mga lokal na wika sa Pilipinas sa loob at labas ng Unibersidad?
Kat. Prop. Analyn B. Muñoz
Departamento ng Kasaysayan at Pilosopiya, UP Baguio
Assistant Professor sa Unibersidad ng Pilipinas, Baguio. Nagtapos ng BA History, Cum laude, at MA History sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nagpapatuloy ng kanyang araling doktorado sa UPD.
Ang pag-aaral niya ay nakatuon sa kasaysayan ng mga ilog sa Pilipinas. Nagsasaliksik sa Ilog Pasig at Ilog Cagayan, ang katuturan nito sa mga Pilipino sa panahong prekolonyal at kolonyal. Ilan sa mga pag-aaral niya ay ang mga sumusunod: “Ang Ilog Cagayan sa mga Mapang Kolonyal ng mga Espanyol Noong mga Dantaon 17 at 18” (Ilaya-Ilawod: Ang Bayan sa Harap ng Hamon ng Kolonisasyon ng ADHIKA ng Pilipinas, Inc. and National Commission for Culture and the Arts (NCCA), 2024); Ang Ilog Pasig bilang Daluyan ng Sakit sa Kasaysayan at Panitikang Pilipino, (Araling Pasig monograph, 2021) at “Pangayawan sa Ilog Pasig ng mga Bisaya sa Panahon nina Salcedo at de Goiti,” (Pangangayaw: Ang Pangingibang Bayan at Paghahanap ng Ginhawa sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino ng ADHIKA ng Pilipinas, Inc. and National Commission for Culture and the Arts (NCCA), 2021).
Isa pang interes ay ang pag-aaral sa mga panlipunan at institusyonal na aspeto ng pakikidigma ng mga Pilipino noong Digmaang-Pilipino Amerikano at noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sangkot din sa popularisasyon ng Kasaysayan bilang organizer ng mga kumperensyang pangkasaysayan ng UP Diliman, UP Baguio at ADHIKA ng Pilipinas at pagiging bahagi ng mga kumperensya sa pagpapalakas ng kursong kasaysayan sa General Education Program ng Unibersidad ng Pilipinas.
Kasalukuyang opisyal ng Board of Trustees ng Asosasyon ng mga Dalubhasa, mayHilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA) ng Pilipinas, Inc., pambansang samahang pangkasaysayan na wikang Filipino ang gamit sa mga pambansang kumperensiya at taunang publikasyon nito.
Bb. Luchie Maranan
Manunulat | Vice-Chairperson, Dap-ayan ti Kultura iti Kordilyera
Baguio-born and bred, Luchie B. Maranan graduated from UP Baguio in 1981, with a degree in AB Humanities (Major in Comparative Literature). From I989, she has worked in various people-oriented institutions and organizations such as Philippine News and Features, Center for Nationalist Studies of Northern Luzon, Northern Luzon Educational Media Program, Center for Women’s Education, Action and Research Center, Innabuyog-Cordillera, Tongtongan ti Umili-Cordillera Peoples Alliance, and the community newspaper Northern Dispatch or NORDIS Weekly. These are all dedicated to raising awareness on social justice, Indigenous and human rights through campaigns, publications and conducting workshops on culture and related fields in the region. She is also a member and past president of the Baguio Writers Group. She has worked as editorial consultant of the Asia Indigenous Peoples Pact Foundation, (AIPP) which contributes to advancing human and collective rights of indigenous peoples in Asia. She is presently the Vice-Chairperson of the Dap-ayan ti Kultura iti Kordilyera, the alliance of cultural workers and organizations and artists in the region, and Program Officer for Asia of PAWANKA Fund, an international non-profit supporting initiatives on indigenous ways of knowing and learning and indigenous peoples’ rights .
She writes poetry, short stories for children, scripts for theater and documentaries, and does translation. She is also a book editor. Her works have been anthologized.
G. Marren Araña Adan
Maritime Security Research Analyst, Coast Guard Strategic Studies and International Affairs Center
Si Marren Araña Adan ay isang manunulat, editor, at mananaliksik na nakabase sa Lungsod ng Valenzuela. Siya ay dating konsultant sa pananaliksik sa Higher Education Research and Policy Reform Program ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at isang research fellow ng French research centre IRASEC. Naging student fellow rin siya sa SOSC Research Postgraduate Students Research Forum and Publication Workshop ng Hong Kong Baptist University kung saan siya nagwagi ng Best Paper Award. Kasalukuyan siyang fellow para sa 2024 Leaders for Free and Open Indo-Pacific: Sea and Human Security ng United Nations Institute for Training and Research.
Nagawaran siya ng writing fellowships para sa pagsulat ng eksperimental na akda mula sa Ateneo de Manila University; katha mula sa University of Santo Tomas at De La Salle University-Iyas; kuwentong pambata mula sa Lampara Publishing; at kritisismo (urban design at cultural studies) mula sa DLSU-Kritika.
Ipinresenta niya ang kanyang mga pananaliksik sa mga internasyonal na kumperensya tungkol sa geographical studies, philosophy of education, folklore, educational anthropology, Jacques Derrida’s Signature Event Context, at elitism sa kultura at sining. Kasalukuyan siyang nakikipagtulungan sa isang iskolar mula sa Chulalongkorn University para sa pananaliksik tungkol sa speculative anthropology sa konteksto ng mga lungsod sa Timog-silangang Asya.
Mababasa ang kanyang mga akda sa Eurasia Review, OSSM Digest, UST Tomás Journal, forthcoming UP Center for Integrative and Development Studies, at sa iba pang mga antolohiya ng panitikan. Siya ang sumulat ng koleksyon ng fiction para sa collaborative work na Ortigas Excursions, na nagwagi ng 2019 Komura; Creators’ Grant, at ang may-akda ng Pagkakatha ang nasa Gitna ng mga Alternatibong Pagtakas at Tangkang Pagbabalik, na nagwagi ng grand prize sa Rebo Press Publishing Grant.
Kasalukuyan niyang tinatapos ang PhD Anthropology sa UP Diliman. Siya ay nagtatrabaho bilang research analyst sa Coast Guard Strategic Studies and International Affairs Center at bilang isang foreign konsultant.
Bb. Rosalinda Suyam-Gallawen
Networking and Advocacy Coordinator, CHESTCORE (Community Health Education, Services and Training in the Cordillera Region)