Basahin ang mga pahina mula sa kaliwa papuntang kanan.
Read the pages from left to right.
Marie in Candyland (Filipino text ver.)
Ito si Marie, isang limang taong gulang na kikay na mahilig sa kulay rosas.
Mahilig maglaro si Marie, lalo na kasama ang kaniyang pinsang si Ella.
Isang maaraw na umaga, dumalaw si Marie sa bahay nina Ella at ng kaniyang tiya.
“Marie, Marie! Tara, laro tayo ng mga kotse!” Salubong ni Ella kay Marie.
“Ayaw ko maglaro ng kotse!” Sigaw ni Marie kay Ella.
“Panlalaki lang naman ’yan. Lalaki ka ba, Ella?” tanong ni Marie habang yakap-yakap ang kaniyang manika.
“Babae rin ako, kagaya mo” mahinang sabi ni Ella.
“Mukha ka kasing lalaki. Panlalaki kasi ang suot mo” sabi ni Marie.
Nalungkot si Ella nang marinig ito kay Marie.
Unti-unting bumuhos ang luha ni Ella.
Nilapitan sila ni Tiya Nica, ang nanay ni Ella. “Hala! Bakit umiiyak si Ella?” tanong nito.
“Mama, mukha ba talaga akong lalaki dahil sa suot ko?” malungkot na tanong ni Ella.
“Marie, puwedeng magsuot si Ella ng kahit anong gusto niya” mahinahong sabi ni Tiya Nica.
“Pero ang mga babae ay dapat nagsusuot ng kulay rosas at naglalaro ng manika!” sagot ni Marie.
“Hindi naman lahat” paliwanag ni Tiya Nica. “Magpahinga na muna kayong dalawa.”
“Sige na nga!” dabog na sabi ni Marie bago galit na umuwi.
Ngunit, bago pa man makapasok sa bahay si Marie, may nakita siyang kumikinang sa harap ng pintuan.
“Ang ganda naman nito. Kumikinang!” manghang sabi ni Marie habang hinahawakan ang isang lampara.
Nagtungo siya sa sala habang mahigpit na yakap ang lampara.
Agad niya itong kinuskos.
Isang lilang usok ang bumalot kay Marie.
Maya-maya pa, nakaramdam si Marie ng kakaibang antok hanggang sa tuluyan siyang nakatulog nang mahimbing.
Nagising si Marie sa gitna ng isang mahiwagang gubat.
Matatayog na puno na gawa sa kendi ang nakapaligid sa kaniya.
“Ang galing!” manghang sabi ni Marie.
Naglakad siya sa makapal na gubat hanggang sa may matanaw siyang bukirin sa di kalayuan.
Sa gitna ng malawak na bukirin, may nakita si Marie na isang mahiwagang babaeng dayami.
Nakasuot ito ng lumang bestida at masayang abala sa pagsasaka.
Maingat na naglakad si Marie sa malawak na bukirin papalapit sa kakaibang babae.
“Ang ganda po ninyo” nakangiting sabi ni Marie.
“Pero bakit po kayo nagsasaka?” tanong ni Marie.
“Mahilig akong magtrabaho sa bukid,” sabi ng babaeng dayami.
“Wala po ba kayong asawa na gagawa nito?” tanong ni Marie.
Nginitian ng babaeng dayami si Marie. “Hindi ko kailangan ng asawa. Kaya kong gawin ito nang mag-isa bilang babae” sagot nito.
“Ahh, naiintindihan ko na po!” sabi ni Marie.
“Alam n’yo po ba kung paano makaalis sa lugar na ito?” sunod na tanong ni Marie.
“Mayroong tsokolateng mansiyon sa hilaga. Sundan mo lang ang daan na ito” sabi ng babaeng dayami habang itinuturo ang direksyon.
“Paalam po!” masayang sabi ni Marie habang kumakaway sa babaeng dayami.
Nang makarating si Marie sa mansiyon na gawa sa tsokolate, kumatok siya sa pinto.
Isang lalaking biskuwit ang nagbukas ng pinto para sa kaniya.
“Magandang hapon sa iyo, iha. Maligayang pagdating sa tsokolateng mansiyon!” sabi niya.
Inanyayahan si Marie na pumasok sa loob at agad siyang binigyan ng meryenda at tsaa.
“Ang sarap po nito. Sino po ang nagluto nito?” tanong ni Marie.
“Ako ang nagluto. Masaya akong nagustuhan mo ito” sagot ng lalaking biskuwit.
Pagkatapos kumain ni Marie, pinunasan ng lalaking biskuwit ang mga natapon hanggang sa nalinis nang maigi ang mesa.
“Nasaan po ang katulong ninyo?” tanong ni Marie.
“Ako lahat ang naglilinis at nagluluto sa mansiyong ito” sagot ng lalaking biskuwit.
“Wala po kayong katulong?” tanong ni Marie.
“Hindi na kailangan. Puwedeng-puwede ring magluto at maglinis ang mga lalaki,” paliwanag ng lalaking biskuwit.
“Ahh, ganun po pala,” tumango si Marie.
“Matutulungan n’yo po ba akong mahanap ang daan pauwi?” kasunod na tanong ni Marie.
“May isang mahikero na maaaring makatulong sa iyo.” sabi ng lalaking biskuwit.
“Ngunit, hindi ko nga lang alam kung saan siya nakatira. Subukan mong maglakbay papunta sa kagubatan sa likod ng mansiyon” dagdag ng lalaking biskuwit
Sinimulan ni Marie ang paglalakbay sa kagubatan. Habang lumalalim siya, palaki nang palaki ang mga punong gawa sa kendi.
Nang biglang may humarang na mga maliliit na halimaw na gawa sa kendi sa kaniyang daraanan.
“Aaaah!” sigaw ni Marie.
Nakarinig ng tunog si Marie, at pagtingin niya ay nakita niyang hiwa-hiwa na ang mga halimaw na gawa sa kendi.
“Okay ka lang, maliit na bata?” tanong ng isang malalim na boses na manlalakbay, habang hawak ang isang malaking espada.
Mahaba ang buhok ng manlalakbay at nakasuot ito ng pambabaeng kasuotan, ngunit kapansin-pansin ang kaniyang matipunong pangangatawan.
“Opo, Kuya?” sagot ni Marie.
“Ate po ako” pagwawasto ng manlalakbay habang nginitian si Marie.
“Bakit po iba ang boses ninyo at iba ang itsura ninyo kumpara sa ibang babae?” tanong ni Marie, puno ng kuryusidad.
“Iba man ang aking itsura at boses, babae pa rin ako” sagot nito.
“Ahh, alam ko na po ngayon. Salamat po sa pagligtas sa akin! Alam niyo po ba kung saan ko mahahanap ang mahikero dito sa kagubatan?” tanong ni Marie.
“Mahikero? May kilala akong mahikero na nakatira lang malapit dito. Sundan mo ang daanan na ito at kumanan ka. Makikita mo roon ang isang ilog na gatas” paliwanag ng manlalakbay.
Sinunod ni Marie ang mga sinabi ng manlalakbay.
Hanggang sa natanaw niya ang isang ilog na gatas na may bahay na malapit dito.
Isang misteryosong taong nakabalabal ang sumulpot sa harapan ni Marie.
“Magandang araw po… uhm… sir? ma’am?” tanong ni Marie, nalilito kung ano ang itatawag sa taong nasa harap niya.
“Hindi ako lalaki. Hindi rin ako babae. Ako ay ako” sagot nito.
“Hindi po kayo lalaki o babae?” litong tanong ni Marie.
“Sinusuot ko kung ano ang gusto ko. Ganoon din ang pinsan mong si Ella,” sagot ng mahikero.
“Kilala n’yo po si Ella? Tulungan n’yo po ako!” gulat na sabi ni Marie.
“Tutulungan kita kung hihingi ka ng tawad kay Ella at tatandaan mo ang mga aral na natutunan mo sa mundong ito” sabi ng mahikero.
“Opo! Hihingi po ako ng tawad kay Ella sa mga nasabi ko sa kaniya” paniniguro ni Marie.
Winasiwas ng mahikero ang kaniyang kamay, at biglang may lumitaw na maliit na keyk sa kaniyang kamay.
“Kainin mo ’yan at makakauwi ka na muli” sabi nito bago tuluyang naglaho.
Kinagatan ni Marie ang maliit na keyk. Unti-unti na naman siyang binalot ng antok hanggang sa…
Nagising muli si Marie sa sala kung saan siya nakatulog kanina.
Naalala ni Marie ang kasunduan nila ng mahikero, kaya’t dali-dali siyang tumakbo patungo sa bahay ng kaniyang pinsan na si Ella.
“Pasensya na, Ella. Naging masungit ako sa’yo. Laro na tayo ulit?” pag-aaya ni Marie.
Masayang tumango si Ella, at ang dalawang pinsan ay naglaro nang masaya gamit ang kanilang mga sariling laruan.
Marie in Candyland (English text ver.)
Meet Marie, a 5-year-old who loves pink and girly things!
Marie loves to play games, especially with her cousin, Ella.
On one sunny day, Marie visited her cousin’s house.
“Marie, Marie! Come play cars with me!” Ella shouted in excitement.
Marie shook her head. “No, no! I don’t want to play with cars!”
“That’s for boys! Are you a boy, Ella?” Marie asked, playing with her doll.
Ella is confused. “No, no! I’m a girl, just like you!”
“But you look like a boy!” Marie said, pointing at Ella’s blue clothes.
This saddened Ella. What was wrong with her clothes?
Drip, drip, drip… down the tears go as Ella began to cry.
Ella’s mother, Nica, comforts Ella. “Oh no, oh no! Ella, dear, why are you crying?”
“Mama, do I dress like a boy?” Ella sniffled.
Nica turned to Marie. “Marie, Ella can wear what she wants.”
“But girls like pink and play with dolls!” Marie frowned.
“Not all girls do,” Nica said. “Ella wants to rest now.”
“Fine!” Marie huffed.
Stomp! Stomp! Stomp! Marie went home angry.
On the way home, Marie saw a golden glow in the bushes.
“Ooh! So shiny, so pretty!” She said, picking up the lamp.
Marie sat on the couch with the lamp in her hands.
Rub, rub, rub! Goes the lamp, then- POOF!
Puffy purple smoke appeared around Marie.
Her eyes began to droop. “Mmh…”
Marie woke up. “Yaawn...!” She looks around.
Were those peppermint stalks and cotton candy trees, she sees?
“Oh, wow!” She gasps in excitement, standing up.
Then, Marie follows the dirt path leading out of the forest.
The forest turned into vast fields of colorful crops.
Marie saw a scarecrow and walked over.
“Miss! Miss! You’re very pretty!” Marie said.
“But why are you tilling the fields?” She asked curiously.
Thud! Thud! “I like doing field work.” Miss Scarecrow said proudly.
“Don’t you have a husband to do it instead?” Marie asked, looking around the field.
Miss Scarecrow smiled and shook her head. “No, and I don’t need one! Women can tend to the fields too.”
“I see!” Marie nodded. “Miss, do you know how I can leave this place?”
“There is a chocolate mansion up north. Just follow this path!” Miss Scarecrow points in a direction.
Marie waved the straw woman goodbye. “Bye bye, Miss Scarecrow!”
Marie marches on the path to the chocolate mansion.
Tok! Tok! Tok! She knocked on the door.
Creeeak! The door opened, and a Gingerbread Man greeted Marie.
“Oh! Why hello there, Miss. Welcome to the Chocolate Mansion.” The man bows.
Marie was led inside, where she was given milk and cookies.
Nom, nom, nom! The cookies were so good!
“Mister, who made these cookies? They’re so yummy!” Marie grinned.
“I did, Miss. I’m glad you liked it.” The Gingerbread Man bows his head.
Then, the Gingerbread Man wiped away the spills and crumbs until the table was squeaky clean!
“Mister! Mister! Where’s the maid?” Marie asked.
The Gingerbread Man then said, “I do all the cleaning and cooking in the mansion, Miss.”
“Don’t you have a maid to do it instead?” Marie asked, looking around the halls.
“No need, my dear. A man can do these things too.”
“I see!” Marie nodded. “Mister, could you help me find my way back home?”
The Gingerbread Man began to think. “There is a wizard who may help you.”
“But I don’t know where he lives, Miss. Maybe the woods behind the mansion.” He said.
Marie decides to explore the woodlands behind the mansion.
Step, step, step… The gumdrop trees grew taller, towering over Marie.
But then– Boing! Boing! Small jelly creatures came jumping out the bushes!
“Eek!” Marie cried, covering her eyes.
Swish, swish! Came the sound of a sword slicing through jelly!
“Are you okay, little girl?” Came a rough voice.
Marie opened her eyes and saw a swordswoman, carrying a big sword!
“Yes… Sir?” Marie squints her eyes.
The long-haired stranger smiled at Marie, “It’s Ma’am.” She said.
“Ma’am, Ma’am! Why do you look and sound different from other women?” Marie asked.
The swordswoman grinned. “I may be different, but I am still a woman.”
“I see…” Marie nodded. “Thank you for saving me, Ma’am! Do you know where I can find the wizard of the woodlands?”
“Wizard? I know a magician who lives nearby! Go straight down this path, then turn right. You’ll see a house by the milky river.”
Marie carefully followed the swordswoman’s instructions, jumping over a fallen gumdrop tree on her way.
Huff, huff! Marie kept walking before she finally spotted a house by the river– exactly like the swordswoman said!
Fwoosh! Standing in front on Marie was a cloaked stranger.
“Hello… Sir? Ma’am?” Marie asked.
“I am neither,” The magician lowered their hood. “I am who I am.”
“Neither man nor woman?” Marie asked.
“I dress however I like,” The magician said. “Your cousin is the same.”
Marie gasped, “You know my cousin? Please help me!”
The magician proposed a deal. “I will. If you say sorry to her, and remember what you learned.”
Marie quickly nodded. “Yes, yes! I will say sorry to Ella for being mean.”
A colorful mist came from the magician’s cape, before… Pop! A cupcake lands in Marie’s hands.
“Eat that, then you should be back soon.” The magician said before disappearing with a swoosh of their cape.
Marie takes a bite of the cupcake. Then she suddenly feels… very sleepy…
Snore. Snore…
When she wakes up, she’s back on her couch.
Remembering the Magician’s words, Marie runs to her cousin’s house. Pad, pad, pad!
“Ella, I’m sorry for being mean to you! Can we play together again?” Marie said.
Ella nodded her head, and the two cousins played with the toys they wanted happily!