Si Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin ay ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay katipan ni Maria Clara. Isa siyang mestisong Espanyol at may pangarap na pag-unlad para sa bansa.
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiyago ay ang kinilalang ama ni Maria Clara at tanyag sa pagiging bukas-palad. Madalas siyang magpahanda ng salo-salo at isang mangangalakal na taga-Binondo.
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo. Tagapagligtas ni Ibarra mula sa mga tangkang kapahamakan.
Prayleng Pransiskano at nagparatang kay Don Rafael na erehe at pilibustero. Masalita at lubhang magaspang kumilos. Paring nangungutya kay Ibarra sa isang salo-salo. Ang tunay na ama ni Maria Clara. Siya ay dating kura sa San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga hindi binyagan.
Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra at tanyag sa San Diego bilang isang maganda at mayuming dalaga. Tinangkang ipakasal sa isang Kastilang si Linares na pamangkin ni Don Tiburcio. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso.
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Ang tingin ng mga ‘di nakapag-aral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga may alam ay isa siyang pilosopo. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at maagang nabalo kaya ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.
Dating mayaman ngunit naghirap dahil nakapangasawa ng isang sugarol, pabaya’t malupit sa kanya. Siya ay nabaliw dahil nawala ang dalawang anak na lalaki na sina Basilio at Crispin. Isang mapagmahal na ina.
Magkapatid na anak ni Sisa. Mga napagbintangang magnanakaw. Pareho silang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si Crispin. Nakatakas si Basilio sa simbahan kaya walang nagawa habang naririnig ang palahaw ng kapatid hanggang sa mamatay si Crispin.
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya-sibil na nagsalaysay kay Ibarra tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Siya ang puno ng mga gwardya-sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego. Asawa niya si Donya Consolacion.
Asawa ng Alperes at katawa-tawa kung manamit at ikinahihiyang isama ng alperes. Nagpapalagay na siya’y higit na maganda kaysa kay Maria Clara. Siya ay dating labandera na may malaswang pananalita at pag-uugali.
Siya ang kabiyak ni Don Tiburcio de Espadaῆa at tiyahin ni Paulita Gomez. Ginagampanan niya ang papel bilang isang Pilipinang mapagpanggap bilang Kastila kaya’t nagsisikap siyang lagyan ng kolorete ang mukha at magsalita ng Espanyol kahit mali-mali ito.
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara.
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang lumakad upang maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin.
Namamahala sa mga gawain sa pagpapatayo ng mga paaralan.
Taong madilaw na gumagawa ng kalong ginagamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na maisilang ang anak.
Anak ni Kapitan Basilio at masayahing kaibigan ni Maria Clara.
Mahusay magluto na kinakapatid ni Maria Clara.
Tahimik na kaibigan ni Maria Clara na kasintahan ni Albino.
Ama ni Crisostomo Ibarra. Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil mayaman ito. Tinawag din siyang erehe.
Lolo ni Crisostomo Ibarra. Siya ang naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias.
Matandang pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Ang nag-iisang babaeng makabayan na pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. Siya ang kasintahan ni Victoria.