Hello, mga momshie at nakshie!


Kami (Danie, Kyla, Gina, Elaine, at Ange) ay mga undergraduate students mula sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman na kasalukuyang kumukuha ng Psych 103 (Critical LGBTQIA+ Psychology) ngayong 2nd Semester, A.Y. 2025–2026. Ang aming final project, Ina Mo, Ina Ko, Ina Nating Lahat, ay nagpapasyang i-unpack ang konsepto at kwento ng Filipino queer motherhood sa pamamagitan ng isang digital zine. 


Nais naming laliman ang kaalaman natin sa salitang "mothering" mula sa pagiging isang social media trend o nakasanayang term at ibalik ito sa kaniyang pinagmulan. Gusto naming bigyang-pugay ang mahalagang papel ng mga lokal na mentor natin sa LGBTQIA+ community, mula sa drag mothers hanggang sa community leaders, bilang mga suporta at torchbearers ng ating kasaysayan.


Ang aming proyekto ay crafted especially para sa mga young LGBTQIA+ Gen Z Filipinos na ipinanganak noong 2005–2012. Sa aming pagtalakay, gumamit kami ng conversational Taglish upang gawin mas accessible at nakakaengganyo ang learning experience—na para bang nagchichikahan at nagbabaklaan lang tayo! Mainly Filipino ang language rito, pero may mga academic terms (e.g., “queer motherhood”) that will be retained in their original English forms upang siguraduhin na malinaw at tumpak pa rin ang aming ipinaparating sa inyo. Still, kahit ano pa man ang iyong identidad o edad, you are more than welcome na makibahagi sa pagkalinga at pagdiwang ng ating Filipino queer mothers!