katakam-takam!

Craving? Hanap mo rin ba iyong mapapa “OH WOW!” ka sa sarap at nanunuot na panlasang Pinoy? Kung gayon, ito ang tamang blog na para sa’yo! Sa Tiki-Tikim siguradong hindi ka lang basta titikim, kundi mapapaKAIN ka sa sarap at sustansya ng mga putaheng ito. Hali na at samahan mo kami sa busog-lusog journey na ito!

PANIMULA

Ang Pilipinas ay mayroong iba’t ibang uri ng ari-arian na maipagmamalaki ng bansa. Tulad na lamang ng mga naggagandahang pook pasyalan na kung saan nagtataglay ng mga yamang lupa at yamang dagat na ating tinatangkilik at kinakalakal. Lingid sa kaalaman ng iba na hindi lamang dito natatapos ang mga produkto na maipagmamalaki ng bansa, kundi, kilala rin ang Pilipinas sa iba’t ibang klase ng putahe at pagkain. Sikat ito hindi lamang sa mga lokal, kundi pati na rin sa mga banyaga, sapagkat, ito ay nagtataglay ng kakaibang lasa na nagbibigay ng makabagong karanasan para sa mga tumatangkilik. Hindi lamang ito nalilimita sa isang uri ng lasa, kundi ito ay may iba’t ibang klase na magugustuhan ng iba’t ibang uri ng panlasa.


Kaya sa pamamagitan ng blog na ito, nais na ibahagi ng Tiki-Tikim ang ilan sa mga pagkain ng Pilipinas na nagsisilbing mukha sa bawat rehiyon ng bansa, na kung saan nagtataglay ng lasa na ubod ng sarap at talaga namang out of this world na siguradong hindi ka lang makakaisa, mapapaulit ka!

Mga Sangkap sa Pagluto:

  • 1 buong talong na hiniwa sa ilang piraso

  • 10 piraso ng okra

  • 2 luya na kasing laki ng hinlalaki

  • 1 piraso ng kamatis

  • 1 1/2 cups ng alugbati leaves

  • 1 1/2 cups ng tanglad

  • 1 1/2 cups ng cube kalabasa

  • 1 cup ng malunggay

  • 2 piraso ng green pepper

  • 1-2 cups ng string beans

  • 1 cup ng patola

  • Asin

  • 2 cups ng tubig

Nutrisyon:

Serving: 4g | Calories: 130kcal Carbohydrates: 25g | Protein: 7g| Fat: 1g | Saturated Fat: 1g Cholesterol: 1mg | Sodium: 26mg Potassium: 846mg | Fiber: 6g Sugar: 7g | Vitamin A: 7275IU Vitamin C: 158mg | Calcium: 337mg | Iron: 2mg

Benipisyo at Karagdagang Kaalaman:

Utan Bisaya the fountain the fountain of youth - The Freeman (philstar.com)

Utan Bisaya

Vegetarian ka ba? O kaya'y sawa na sa karne? Alin man sa dalawa, ito ang putaheng para sa’yo at tiyak na hahanap-hanapin mo, Ang Utan Bisaya ng Cebu!

Ang Utan Bisaya ay isang sikat na sinabawang gulay ng mga Pilipino na nagmula sa isla ng Visayas. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng mga pinakuluang gulay, kabilang na doon ang talong, okra, luya, kamatis, at iba pa. Bukod pa rito, mayroon ding mga pagkakataon na nilalagyan ito ng isda. Ang Utan Bisaya ay mayroong pagkakahalintulad sa mga putahe mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas, tulad ng dinengdeng ng rehiyon ng Ilocos, bulanglang ng CALABARZON, at laswa ng kanlurang kabisayaan. Ang putaheng ito ay mukha mang simple lamang, nagbibigay naman ito ng mga bitamina at nutrisyon na maaaring magpalakas sa ating kalusugan.

WASTONG PARAAN SA PAGLUTO NG UTAN BISAYA:

Ang pagluto ng Utan Bisaya ay simple lamang at hindi komplikado. Gayunpaman, ito ay mayroon pa ring tama at sunod-sunod na hakbang upang makamit ang malinamnam na lasa ng putaheng ito.

Ang mga hakbang sa pagluto nito ay ang sumusunod:

  1. Lagyan ng tubig ang kawali at pakuluan ito. Siguraduhing sapat lamang ang sukat ng iyong tubig sa mga sangkap na mayroon ka.

  2. Hiwain ang mga kasangkapan sa marapat nitong hugis at sukat.

  3. Ibuhos ang luya at kalabasa sa kawali at takpan ang kawali. Hayaan itong kumulo pa sa loob ng 8 minuto.

  4. Pagkatapos ng 8 minuto, ihalo naman ang okra, patola, at string beans. Hayaan itong kumulo ulit at saka ihalo ang talong at green pepper.

  5. Kapag nakakasigurong malambot na ang mga gulay, ihalo naman ang dahon ng alugbati at tanglad upang magbigay ng halimuyak sa pagkain.

  6. Kapag ang dahon ng alugbati at tanglad ay malambot na, ilagay ang malunggay at ang mga kamatis. Takpan at iluto sa loob ng 3 hanggang 5 minuto.

  7. Lagyan ng asin para sa karagdagang lasa.

  8. Pagkatapos ng mga naunang hakbang, maaari mo na itong ilipat sa mangkok at ihanda sa hapag-kainan.

Chicken inasal

Hilig mo ba iyong juicy-licious, meaty-licious, at smack-a-licious na inihaw na manok? Pwes, inihahandog mula sa City of Smiles, ang ipinagmamalaki ng Bacolod City na Chicken Inasal!


Ang Chicken Inasal ay isa sa mga pagkaing kinikilala at tinatangkilik sa probinsya ng Bacolod. Ang “Inasal” ay mula sa salitang Ilonggo na kung saan ang ibig sabihin nito ay chargilled o roasted meat. Naiiba ito sa mga karaniwang barbecue na ang gamit ay soy sauce sa pag marinate, ang Chicken Inasal ay ginagamitan ng mga kasangkapang hindi pangkaraniwang ginagamit sa mga inihaw na manok o karne na nagbibigay ng kakaibang lasa sa putahe. Ito ay dinarayo ng mga turista—hindi lamang ng mga banyaga kundi pati na rin ang ating kapwa Pilipino na mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ang Chicken Inasal ay inihahanda sa maraming okasyon, tulad nalang sa mga kaarawan, pista, binyag, reunion, o ‘di naman kaya kahit sa simpleng mga handaan, pagtitipon, o hapagkainan ng pamilya.


Sa paghahanda ng Chicken Inasal ay kinakailangan ng mga kasangkapan, materyales, at taglay na sipag at pasensya sa mahabang proseso na paggawa nito. Ang pagsunod sa mga hakbang nang tama at may wastong sukat ang bawat sangkap, makakamit mo ang manamis-namis at malinamnam na Chicken Inasal ng Bacolod!

Naririto ang mga sangkap para sa putaheng ito at mga hakbang sa pagluluto:

Mga hakbang sa pagluto:

  1. Sa loob ng isang freezing bag, paghaluin ang manok, tanglad, asin, pamintang durog, luya, bawang, brown sugar, suka, lemon-lime soda, at lemon juice.

  2. Haluin ang mga ito hanggang ang bawat sangkap ay naihalo na nang maayos.

  3. I-marinate ito nang isa hanggang tatlong oras.

  4. Sa isang mangkok o lalagyan, paghaluin ang margarine, annatto oil, asin, at lemon juice.

  5. Haluin ito nang maigi at isantabi.

  6. Ihawin ang manok habang hinahaguran ng tamang dami ng margarine mixture.

  7. Ilipat ang inihaw na manok sa isang lalagyan o serving plate.

  8. I-serve ito at mag-enjoy sa ginawang Chicken Inasal ng Bacolod City!

Mga Sangkap:

  • 2 lbs ng manok na hinawa sa ilang piraso

  • 2 tablespoon ng tinadtad na luya

  • 2 tablespoon ng tinadtad na bawang

  • 3/4 cup ng hiniwang tanglad o lemongrass

  • 1 cup ng coconut vinegar

  • 1/2 cup lemon or calamansi juice

  • 1 tablespoon ng asin

  • 1/4 cup ng brown sugar

  • 1 cup ng lemon soda soft drink

  • 1/2 tablespoon ng pamintang durog

Basting Sauce:

  • 3 tablespoon ng annatto oil at atsuete oil

  • 1/2 cup ng softened margarine

  • 1/4 teaspoon ng asin

  • 1 teaspoon ng lemon o calamansi juice

Best-est la curacha sa Zamboanga

halabos Curacha

Pagod ka na ba kalalakad kung saan saan at nais mo na lang magpalangoy-langoy o magpaalon-alon sa tubig? Tiyak, magugustuhan mo ang putaheng ito. Biruin mo sa likod ng matatalas nitong sipit, sarap naman ang kapalit. Ang Zamboanga ay sagana sa mga pagkaing galing sa laman ng dagat, kung kaya't marapat lamang na matikman mo ito kung ikaw ay dadayo dito. Ang Curacha ay ang isa sa pinaka ipinagmamalaking putahe ng mga taga-zamboanga. Ito ay isang putaheng hango sa Espanya na binago nang kaunti upang sumwak sa lasa ng pinoy. Ang Curacha ay binubuo ng isang laman-dagat na kung tawagin ay alimangong palaka; ito ay crossbreed sa pagitan ng lobster at alimango na nagpalaki at mas nagpalasa dito. Ito ay pinapakuluan sa mainit na tubig at maaaring isasangkutsa sa tinatawag nilang Alavar Sauce. Sa Curacha, hindi mo maiiwasang mapadagdag ng takal ng kanin.

Ingredients

  • 1 kilo curacha

  • 2 Tbsp. butter

  • 1 Tbsp. sea salt or rock salt

  • 1 cup sprite or 7-Up

Instructions

How to cook Halabos na Curacha:

  1. Hugasan ang curacha sa umaagos na tubig at linisin, gumamit ng toothbrush kung kinakailangan. Patuyuin.

  2. Ilagay ang curacha sa kaldera, budburan ng asin, lagyan ng sprite o 7-up, at butter.

  3. Buksan ang apoy sa katamtamang lakas, at hintayin ito kumulo hanggang sa maluto ito.

  4. Transfer to a serving dish and serve.

Ang Alavar Seafood Restaurant ay isa sa mga dapat bisitahin ng mga turista sa Zamboanga. Hindi lamang para matikman ang pinakatampok na Curacha sa sarsa ng Alavar, ito rin ay kundi upang maranasan at tangkilikin din ang pinagmamalaking kultura ng mga taga-zamboanga.

Kung nais mo namang gumawa ng sarili mong bersyon sa inyong bahay:

Curacha

Prep Time: 5 mins

Cook Time: 20 mins

Servings: 4 Servings

bopis

Pulutan ba ang hanap mo? Kung oo, ito na ang putahe na hinahanap mo! Ang Bopis, ito ay isang maanghang na pagkaing Pilipino na sinasabing nanggaling sa mga Espanyol, bagaman walang nagpapatunay dito. Ang mga recipe para sa Bopis ay maaaring magkakaiba sa bawat rehiyon at pamilya sa pamilya, patungkol sa mga sangkap, at pampalasa. Marami na ang bersyon ng Bopis ang nagkalat sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, katulad ng Kandingga o Kanding-ga, isang paraan ng pagluluto ng Bopis ng mga Bicolano. Ngunit, wala pa ring tatalo sa istilo ng pagluluto ng Bopis ng Batangas. Ang Batangas ay kilala sa kasaganaan ng sariwang pagkaing-dagat at isda sa tubig-tabang, gayundin sa produksyon ng de-kalidad na baka at baboy.

Ang Bopis ay maanghang na pagkaing gawa sa tinadtad na baga, puso at atay ng baboy o baka. Maari itong ihain bilang pampagana para sa serbesa at inuming may alkohol; itinuturing din itong pangunahing ulam at pinakamainam na ihain kasama ng mainit na kanin. Ang baga, puso at atay ng baboy o baka ay ginigisa sa sili, sibuyas at kung minsan ay kamatis at pinipirito hanggang malutong, na nagbibigay sa iyo ng dagdag na iba’t ibang texture sa bawat kagat.

mga sangkap at hakbang sa pagluto

  1. Hugasan ng maigi ang mga laman loob at alisan ng tubig.

  2. Ilagay ang mga laman loob sa isang malaking kaserola at lagyan ng sapat na tubig para matakpan, pakuluan at pakuluan ng 20-25 minuto.

  3. Alisin mula sa kaserola at alisan ng tubig, hayaan itong lumamig.

  4. Hiwain ng diced ang mga laman loob at itabi.

  5. igisa ang bawang at sibuyas sa isang malaking kawali.

  6. Idagdag ang diced bopis at haluing lutuin ng 3-5 minuto o hanggang sa magsimula itong kumulo.

  7. Ilagay ang suka at lutuin ng 2-3 minuto, ngayon idagdag ang annatto oil, Patis, at itim na paminta, pukawin ang pagluluto para sa isa pang 2-3 minuto.

  8. Magdagdag ng 3 tasa ng tubig at kumulo ng 3-5 minuto ngayon idagdag ang carrots, labanos, mushroom at siling labuyo, kumulo ng isa pang 3-5 minuto o hanggang ang karamihan sa likido ay sumingaw.

  9. Tamang asin kung kinakailangan.

  10. Idagdag ang bell pepper at lutuin ng isang minuto o dalawa.

  11. Maaari nang ihanda.

Mga Sangkap:

  • 1/2 laman loob ng baboy o baka (baga, atay, at puso)

  • 1 katamtamang laki ng Labanos, hiniwa ng pino

  • 1 katamtamang laki ng Carrots, hiniwa ng pino

  • 1 pulang bell pepper, hiniwa ng pino

  • 1 malaking lata ng button Mushroom, hiniwa ng pino

  • 2 kutsarang itim na paminta

  • 1/2 bawang, durog, tinadtad

  • 1 katamtamang laki ng sibuyas, tinadtad

  • 1/4 atsuete / annatto sa mantika

  • 2–3 piraso siling labuyo, tinadtad

  • 3/4 tasa ng suka

  • Mantika

  • Asin

Ayon sa mga nakasubok na ng putaheng ito, ito raw ay masarap kapag hinaluan ng kamias o kalamansi upang magkaroon ng kaunting asim at kapag ito ay kinain ng mainit-init pa. Ang putaheng ito rin ay mabili sa iba’t ibang parte ng Cagayan Valley na kung saan ito ay madaling nauubos.

papaitan

Isa ka rin ba sa mga taong bitter sa buhay? Pwes ito ang putaheng match para sayo! Ang rehiyon ng Cagayan Valley ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa bahagi ng hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukan ng Cordilleras at ng Sierra Madre. Isa sa mga kilalang pagkain sa rehiyon na ito ay ang Papaitan na karaniwang ginagamitan ng lamang loob ng kambing o baka at ito ay kilala sa mapait nitong lasa. Ang salitang “Papaitan” ay galing sa salitang “Pait” na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay bitter sapagkat ang pagkain na ito ay hinahaluan ng bile juice na galing sa gallbladder. Ito rin ay nakilala noong 1800s kung saan tayo ay sinakop ng mga hapones. Kahit na kilala ang putaheng ito ay marami paring may ayaw dito sapagkat ito ay nagtataglay nitong lasa ngunit kapag ito ay ating tinimplahan ng ayon sa ating panlasa, ito ay iyo ring magugustuhan. Higit sa lahat hindi lamang ito inuulam ngunit ito rin ay ginagawang pulutan tuwing may okasyon sa kanilang lugar.

Sa paghahanda ng putaheng ito tayo ay nangangailangan ng sapat na oras at nararapat na tayo ay magbigay ng sapat na pagsisikap sa paghahanda ng mga kailangang sangkap at sa paghuhugas ng mga ito mas lalo na ang mga lamang loob na parte ng ating putahe upang tayo ay magkaroon ng magandang resulta. Sa paghuhugas ng lamang loob nararapat na ito ay kuskusin at pisilin ito gamit ang dahon ng saging para mawala ang hindi kaaya ayang amoy nito. Pwede ring gumamit ng pinakuluang luya at laurel. Pagkatapos ito hugasan ay hatiin ito ng maliliit na cubes ganoon din ang iba pang sangkap. Pagkatapos nito gisahin sa mainit na mantika ang lamang loob kasama ang luya, bawang at sibuyas at ito ay lagyan ng paminta at asin para magkalasa ito. Lagyan ito ng katamtamang tubig at ilagay ang laman ng baka o kambing. Hintayin ito kumulo at maluto bago ilagay ang pulang sili. Ang huli ay ilagay ang bile juice paunti-unti upang makontrol ang pait nito base sa iyong panlasa.

hakbang sa pagluto

  • Hugasan at masahin ang tuwalya gamit ang asin para mawala ang masangsang na amoy.

  • Pakuluan ang tuwalya sa malaking kaldero hanggang sa lumambot, tapos alisin sa tubig at hiwain nang kwadrado na may sukat na ½ pulgada. Itabi.

  • Igisa ang luya, bawang at sibuyas hanggang sa maluto at idagdag ang tuwalya. Lagyan ng asin at paminta, ayon sa panlasa.

  • Igisa pa ng ilang minuto tapos dagdagan ng tubig, sapat lamang para matakpan lahat ng sangkap.

  • Pakuluan at idagdag ang laman ng baka hanggang sa maluto.

  • Ilaglag ang siling labuyo at unti-unting ibuhos ang apdo para hindi masobrahan sa pait ang putahe. (Pwede mong i-adjust ang dami ng ilalagay mong apdo ayon sa iyong panlasa.)

  • Timplahan ng patis, ayon sa panlasa.

  • Ito ay ihanda ng mainit at palamutihan ng tinadtad na mga dahon ng sibuyas.

Calories: 478kcal | Carbohydrates: 5g | Protein: 48g | Fat: 29g | Saturated Fat: 8g | Cholesterol: 562mg | Sodium: 306mg |

MGA SANGKAP

  • ½ kilo ng lamang loob ng baka (atay, tuwalya, kidney, puso, pancreas, intestines)

  • ¼ kilo ng karne ng baka na hiniwa sa ½ cubes

  • ¼ cup ng beef bile or apdo

  • 1 pc medium size ng sibuyas (nahiwa)

  • 1 ulo ng bawang (tinadtad)1 pc luya na nasa isang pulgada (nahiwa)

  • ¼ cup ng nahiwang dahon ng sibuyas

  • 2 pcs pulang sili o siling labuyo

  • 3 ½ tbsp. asin

  • ½ tsp paminta

  • 1 tbsp patis

Sa pagkain ng putaheng ito tayo ay makakakuha ilang mga nutrisyon na maaaring makatulong sa ating pangangatawan. Ito ay naglalaman ng

Potassium: 789mg | Fiber: 1g | Sugar: 1g | Vitamin A: 7443IU | Vitamin C: 11mg | Calcium: 49mg | Iron: 10mg

chibogan na!

Tunay ngang mapapalingon ka agad kapag tinawag ka ni Inay kung ang mga putaheng ito ang mga nakahanda sa inyong lapag. Sa bawat higop ng sabaw, bawat subo ng kanin, tiyak na manunumbalik ka iyong pagkabata. YOLO nga sabi ng mga millennials. You Only Live Once. Hindi ka kailanman mananatiling bente anyos, o hindi kaya trenta anyos, kung kaya't enjoy mo lang ang life! Dumayo, kumain, dumayo at kumain. Paulit ulit lang, para kung pumanaw ka man bukas, atleast masasabi mong nagawa at nakain mo ang lahat ng nais mong kainin.


Foodtrip is a must kada-lakwatsa mo! I-save ang blog na ito at i-share sa barkada, kapamilya at kapuso upang may pamantayan kayo sa susunod na kainan— este gala ninyo.


May nakaligtaan ba kami? Maaari ninyo kaming i-email, xmarizy@gmail.com, o hindi kaya pindutin ang button sa ibaba.

About us

Mag-aaral galing sa baitang 12, seksyon 07-STEM ng University of Makati. Ang mga sumusunod ay pawang para midterm-written work #3, paggawa ng blog, sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik.

Cedilla

Eazhana Mira

Del Castillo

Ma. Louise

galvan

Emelane Rose

gargolez

Pearl Jasmine Faith

lim

Adrian

Tiki-tikim

Bitaminang Lakas Makakanin

Pamantayan sa Paggawa ng BLOG

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Blog

  1. Dapat malinaw at madaling maintindihan.

  2. Magkaroon ng sapat na kaalaman at gumamit ng mga angkop na salita. Isaalang-alang ang wastong gamit ng pangungusap, tamang baybay at siguraduhing nasa pormal na anyo upang hindi malito ang mambabasa.

  3. Maaaring maglagay ng video o larawan na angkop sa paksa o temang ipinahihiwatig.

  4. Iwasan ang mga impormasyong walang kabuluhan, walang katotohanan at mga di kanais-nais na salita o larawan.

  5. Dapat magsilbi itong gabay o reperensya sa mga mananaliksik.

  6. Maaari din itong sumagot sa mga katanungan ng mga mambabasang nangangalap

  7. May layuning magbigay ng mabuting aral at inspirasyon sa mga mambabasa.