Kinaray-a: Bangon sa Pagkilala
Isang pagkakakilanlan mula sa kasaysayan, tunay nga ba? Ang Kinaray-a ay isang sangay ng Hesperonesian at wikang Austranesyo na pangunahing gamit sa lalawigan ng Antique at interior ng Rehiyon VI. Nagmula ang salitang Kinaray-a sa salitang “iraya” o “ilaya” na tumutukoy sa mga bulubunduking bahagi ng lalawigan (upstream), “ka” na tumutukoy sa kasama (companion) at “-in” na tumutukoy sa pandiwang panlapi (to have undergone something).
Samakatuwid, ang Kinaray-a ay tumutukoy sa paraan ng pagsasalita o wika ng mga naninirahan sa bulubunduking bahagi ng lalawigan. (Hossilos, 1992)
Ayon kay Dr. Leoncio Deriada (1991-1994), ang Kinaray-a ay ina ng “melifluos”, mabini at pinong Lingua Franca ng Kanlurang Bisayas, Hiligaynon (Ilongo) at ang di masyadong palasak na Akeanon. Naipalagay din na ang Ilongo, ayon sa kasaysayan, ay wikang ginagamit ng mga nasa proletariat tulad ng mga “hacienderos”. Samantala, sa gawing Guimaras at sa mga tsinong mag-compradores mula sa Molo Parian, ang Kinaray-a ay tatak wika ng mga sakada at mga muchaho kaya’t sa panahon ng mga Kastila ay wala ni isang idinebelop na aklat balarila at katesismo sa wikang Kinaray-a. (Ani 19-12) Inilalahad na naibaba ang kalagayan ng wikang ito sa pagbigay tatak sakada. Bigyan man ng angkop na pag-unawa ang mga pangyayari kinaangkupan ng wika, maging susi kaya ito ng kalugmukan o pagyabong ng wikang taglay ng lupain ng Antique?
Sa matahum na wika ni Mulato (1991): “Nanatiling dalisay ang Kinaray-a dahil tulad ng napunong banga, hindi na ito mababawasan pa ng kahit isang patak.” (sentrofilipino.upd.edu.ph)
Ano bang pagkilala ng isang Antiqueňo sa wikang Kinaray-a?
Kinaray-a, isulong! Iangat!
Joy Mercy L.