Nagsimula ang kwentong Tata Selo sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla lamang niya ito nang magkasakit ang kaniyang asawa, at ito ay naembargo lamang ng kabesa.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinapaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi
nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na inagaw sa kanya ang lahat.
Tata Selo - matandang magsasaka na pilit pinatigil sa pagsasaka, tumaga sa Kabesa.
Kabesang Tano - may-ari ng lupa kung saan nagsasaka si Tata Selo.
Presidente - kumausap kay Tata Selo tungkol sa nangyari.
Alkalde - nagpatahimik sa mga taong nakikiusyoso sa pangyayari.
Hepe - iniluklok ng Kabesa kaya't masama ang kanyang loob kay Tata Selo.
Juan - ang kasintahan ni saling.
Saling - anak ni Tata Selo na naging katulong kanila Kabesa.
Batak - anak ng magsasakang katungga ni Tata.
San. Roque
Poblacion
Sakahan
Tanggapan ng alkalde
Tanggapan ng pulis
Hindi maiiwasan ang paghihirap ng mga taong kapos sa pera