PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL SYSTEM
PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL SYSTEM
Creating Pathways in STEM Education toward Sustainable Development
Ms. Lovely Ann A. Ungab
Ms. Justine Aubry F. Galan
Ms. Maria Ines D. Lingaton
Mr. Johnel T. Lumacao
Ms.Janena R. Pajulas
Si Bb. Lovely Ann A. Ungab, isang Special Science Teacher I, ay nagtuturo ng sabjek na Filipino 5, Filipino sa Agham, Matematika at Teknolohiya, sa mga mag-aaral na nasa ika-11 na baitang ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus. Kasalukuyan din niyang tinatapos ang kanyang tesis sa programang Master of Arts in Filipino sa MSU-Iligan Institute of Technology, Lungsod ng Iligan.
Si Bb. Justine Aubry F. Galan, isang Special Science Teacher II, ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino 1: Komunikasyon sa Wika at Panitikan sa mga mag-aaral na nasa ika-7 na baitang ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus. Natapos niya ang lahat ng mga pang-akademikong kinakailangan sa kursong Master of Arts in Education major in Teaching Filipino sa Holy Cross of Davao College, Lungsod ng Davao.
Si Gng. Maria Ines D. Lingatong, isang Special Science Teacher III, kasalukuyang nagtuturo ng sa sa ika-9 na baitang ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus. Siya rin ang kasalukuyang tagapangulo ng yunit ng Filipino sa nasabing campus.
Si G. Johnel T. Lumacao, isang Special Science Teacher IV, ay nagtuturo ng Pananaliksik sa Filipino sa mga mag-aaral na nasa ika-12 na baitang ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus. Siya rin ang miyembro ng Research Ethics Committee at kasalukuyang tinatapos ang kaniyang PhD Filipino sa University of Mindanao, Lungsod ng Davao.
Si Bb. Karen A. Bantayan, isang Special Science Teacher I, ay kasalukuyang nagtuturo ng Kasaysayan at Pag-unlad ng Panitikang Filipino sa mga mag-aaral na nasa ika-10 baitang ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus. Siya ay nakapagtapos ng Master of Arts in Education major in Teaching Filipino sa Holy Cross of Davao College, Lungsod ng Davao.
Si Bb. Janena R. Pajulas, isang Special Science Teacher II, ay nagtuturo ng Komunikasyon sa Wika at Panitikan, at Pagpapahalaga sa Noli Me Tangere sa mga mag-aaral na nasa ika-8 baitang ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kursong Master of Arts in Education Major in Filipino sa University of Mindanao, Lungsod ng Davao.