PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL SYSTEM
PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL SYSTEM
Creating Pathways in STEM Education toward Sustainable Development
Ms. Rea Frechie C. Cuadrazal, Ms. Yvonne M. Mordeno
Si Bb. Rea Frechie C. Cuadrazal ay Special Science Teacher III - Filipino ng Philippine Science High School – Caraga Region Campus. Kasalukuyang nagtuturo ng Filipino 2 at Academic Unit Head ng Filipino Unit sa PSHS-CRC. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Surigao del Sur State University na ngayo’y kilala sa tawag na North Eastern Mindanao State University noong 2015. Sa parehong paaralan ay nakapagtapos siya ng Master of Arts in Filipino Language Teaching noong 2019. Ilan sa kanyang karanasan sa loob ng kanyang mahigit pitong taon sa larangan ng pagtuturo ay pagiging tagapayo at panel ng mga pananaliksik sa Filipino ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino 6 at ang pagpepresenta ng kanyang pananaliksik sa mga internasyunal na kumperensya.
Si Gng. Yvonne M. Mordeno ay Special Science Teacher – V na kasalukuyang nagtuturo sa Philippine Science High School – Caraga Region Campus ng asignaturang Filipino 5 at bilang SCALE Coordinator. Sa kasalukuyan ay kumukuha siya ng Doctor of Philosophy in Filipino sa University of Mindanao at nasa Disertasyon ng Pagsusulat. Naging tagapayo sa mga papel-pananaliksik ng mga iskolar at naimbitahang maging ispiker sa nasyonal at internasyonal na kumbensyon sa pananaliksik. Bilang guro ng wika, nais niyang maging kabahagi sa pagpapalaganap sa mahalagang papel ng pananaliksik sa larangan ng edukasyon.