Upang mas maintindihan ang iyong mga gawain, narito ang mga detalye!  Maaari mong pindutin ang button na makikita sa bawat task upang masimulan ang iyong paglalakbay.

Task #1

Bisitahin ang headquarters (website) ng United Nations Human Rights; mag explore, panoorin ang kanilang campaign video, at suriin ang Universal Declaration of Human Rights. Tukuyin ang mga articles na sa tingin mo ay nalabag ng mga krimen tulad ng genocide, torturecomfort women, at war crimes. Sa isa hanggang dalawang pangungusap, ipaliwanag kung bakit.

Ipunin o ilagay ang iyong mga sagot sa Jamboard link

Handa ka na ba, Advocate?

Task #2

Imbestigahan ang human rights situation sa ibang bansa, rehiyon, o lugar na nakaranas o kasalukuyang kinakaharap ang mga halimbawa sa paglabag sa karapatang pantao.

Sa 200 na salita, gumawa ng Reflection Essay at maikling ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapakalat ng kamalayan sa buong mundo tungkol sa mga isyu ng paglabag na iyong nadiskubrehan sa mga binisitang bansa.

I-upload ang iyong essay sa Google Drive link.

Go advocate!

Task #3

Gamit ang kahit anong search engine, maghanap ng dalawang human rights organizations na nagtatrabaho upang itaguyod at protektahan ang mga karapatang pantao, lalong lalo na mula sa apat na halimbawa ng human rights violations (genocide, torture, comfort women, at war crime).

Gumawa ng Venn Diagram sa Canva. Ihalintulad  ang misyon ng dalawang organisasyon. Isali ang kanilang mga aktibidad at tagumpay.

I-upload ang iyong diagram sa Google Drive link.

Go, Advocate!