Sa parteng ito ng ating talakayan ay mababasa ninyo ang iba't-ibang halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa maging sa buong daigdig.
CHILD SOLDIER
Ang mga child soldier ay laganap sa iba’t ibang parte ng daigdig na may rebelyon. Mababa ang pagtingin sa kakayahan ng kababaihan sa isang praktikal na lipunan. Lalaki ang sukatan ng talino, lakas, husay, at tapang dahil dito. Bunga nito, ang kababaihan ay maaaring maging biktima ng karahasan sa tahanan, prostitusyon, double standard, at iba pa.
Ang mga Igorot sa Cordillera, Ilongot sa bulubundukin ng Carballo at Sierra Madre, Aeta sa Gitnang Luzon, Mangyan sa Mindoro, Lumad at maging ilang Muslim sa Mindanao ay halimbawa ng mga katutubo na naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao, pangangamkam ng lupaing ninuno, militarisasyon, tinatawag itong marginalization.
Sila ay naging biktima ng diskriminasyon sa lipunan at ipinalaganap pa ng isang hindi makatarungang sitema ng pamahalaan, edukasyon, pamamahayag, empeyo, at iba pa. Ang kanilang buhay ay nakasalalay sa kanilang lupaing ninuno. Dito lamang sila kumukuha ng kanilang pang araw-araw at ito rin ang kanilang ginagawang tanghalan ng kanilang katutubong ritwal at tradisyon. Ang pag kamkam sa kanilang lupaing ninuno ay isang uri ng pag bura sa kanilang makasaysayang lahi. Tinatawag na ethnocide ang pag patay sa kultura, buhay, at kabuhayan ng mga katutubo. Kaliwa't kanan ang ginagawang operasyon ng pag totroso, pagmimina, at pagpapatayo ng dambuhalang dam na nag bubunga ng pagkasira ng tirahan ng mga katutubo. Bunga nito nawalan trabaho at nabubulabog ang tahimik nilang pamumuhay.
Kung saan pinapapirmahan sa manggagawa bago siya tanggapin sa trabaho. Hindi pinapahintulutan ang manggagawa na sumali sa anumang samahan o ng mga mangagawa, at kung siya ay kasapi na kailangan niyang tumiwalag dito. May mga kasong humahantong sa union busting kung nakaaapekto ito sa sariling interes ng nangangasiwa. Ang mga ito ay malinaw na pag labag sa karapatang pantao. Ito ay halimbawa ng unfair labor practice.
Mula Hulyo 2010 hanggang Oktubre 2014, naitala ng grupong Karapatan ang 222 biktima ng extra-judicial killing, 221 biktima ng frustrated killing, 691 biktima ng ilegal na pag-aresto at detensyon, 104 biktima ng torture, at iba pa. Halos kalahati ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines ay naghahasik ng lagim at malawakang paglabag ng mga karapatang pantao sa Mindanao, bagay na nagtulak sa pagsagawa ng isang lakbayan patungong Maynila upang ilantad ang tunay na kalagayan sa Mindanao. Matapos ang sampung taon ay wala pa ring hustisya para sa mga biktima ng Hacienda Luisita masaker habang patuloy pa rin ang pagkontrol ng angkan ni pangulo BS Aquino sa lupa sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ito sa mga magsasaka. Wala pa ring hustisya sa mga biktima ng Ampatuan masaker, limang taon matapos maganap ang karumaldumal na pagpatay sa 58 tao kabilang ang 32 na mamamahayag.
Sunod sunod ang naging pag huli sa mga kritiko sa pamahalaang diktatoryal. Dumaranas ng pisikal at sikolohikal na pag papahirap ang karamihan sa kanila . At umabuso naman ng seksuwal na pag aabuso ang mga kababaihang bilanggo. May mga kaso rin na hindi na natagpuan ang mga bangkay ng pinaslang. tinatawag silang desaparecidos(disappeared). Sinasadya ito ng ilang militar upang walang katibayansa kanilang ginawang krimen. Ang pag kadismaya at galit ng mamayanan ay epekto ng hindi demokratiko, hindi makatuwiran, at hindi makataong patakaran. Bunga ng mga ito ang mga mamamayan ay nakisangkot at nakibahagi sa ibat iabgn uri ng pakikibaka tulad ng demonstrasyon sa kalsada, boykot, armadong pakikidigma, at iba pa. Ang mga ganitong gawain ay tinapatan ng diktatoryal ng mas maigting na puwersa tulad ng panggigipit at pandarahas.
Ang ginawang paglabag sa karapatang pantao ng mga Jew sa panahon ng pamumuno ni Adolf Hitler ay sistematiko. Ang Etnosentriko ay isang pananaw na ang kulturang o pangkat na kinabibilangan ng isang tao ay higit na katataas kaysa sa iba. Sinasalamin ng paniniwala ng mga Nazi ang panananaw na ito. Nagsa-gawa ang mga Nazi ng isang malawakang operasyon na puksain ang mga Jew dahil sa paniniwalang ito. Tinawag na Holocaust ang operasyon na pag puksa sa mga Jew. Ang mga Jew na nahuli ay inilagay sa isang concentration camp at pinatay sa gas chamber. Ang ibang nga Jew ay namatay dahil sa sakit sa loob ng concentration camp. Si Anne Frank ay isa sa mga nakabilanggo. Bunga ng pagkatuklas ng kanyang diary na nag siwalat ng kalunos-lunos na karanasan niya at ng kanyang pamilya sa pamumuno ng mga Nazi. Ang kanyang diary ay detalyado, malaman, at madamdamin. Ang kanyang diary ay inilimbag upang gawing babasahin at mapag aralan ang malagim na kasaysayan ng holocaust.
Hindi aksidente ang paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas. Ito ay isang pang araw-araw na kaganapan sa isang lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal. Kabilang din dito ang pagkaila sa mamamayan ng trabaho, lupa, pagkain, pabahay, edukasyonat iba pang serbisyo sosyal. Humahantong sa sistematikong panunupil ng sambayanang Pilipino ang pagpapanatili at pagtanggol ng mga naghaharing burgesya komprador at panginoong maylupa sa kanilang kayamanan at kapangyarihan. Lumolobo ang bilang ng mga paglabag ng karapatang pantao sa ilalim ng Oplan Bayanihan, ang programang kontrainsurhensya ng rehimeng US-Aquino kung saan nagiging target kahit ang mga ligal na aktibista at ordinaryong mamamayan.
Kitang-kita ito sa amerika, north korea at maging sa pilipinas. ang terorismo ay sistematiko paggamit ng malaking takot, madalas marahas, lalo na bilang isang paraan ng pagpipigil. Sa internasyonal na komunidad, gayunpaman, ang terorismo ay walang ligal na nagbubuklod na, kriminal na batas kahulugan. Karaniwang kahulugan ng terorismo sumangguni lamang sa mga marahas na kilos na kung saan ay inilaan upang lumikha ng takot (takot); ay perpetrated para sa isang relihiyon, pampulitika o, ideological layunin, at sadyang target o balewalain ang kaligtasan ng mga non-combatants (populasyong sibil).
Maari itong iugnay sa nananaig na patriyarkal na kultura sa ilang sektor ng lipunan sa rehiyon. Subalit hindi rin maitatanggi ang epekto ng mga panlabas na pwersa. Ayon sa Network Overseas Opposed to U.S.Troops, may direktang kaugnay ang laganap na prostitusyon ng kababaihan tuwing may mga pagsasanay na militar ang pwersang Pilipino at Amerikano. Ganito rin daw ang realidad sa mga lugar sa South Korea at Japan kung saan may mga base militar rin ang ang pwersang Amerikano.
SANGGUNIAN
https://prezi.com/zptaj11wa_7h/mga-halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-sa-bansa-at-daigdig/