The Oxnard Police Department website has moved!
Click here to be directed to the new website.
The Oxnard Police Department website has moved!
Click here to be directed to the new website.
Kami, sa Kagawaran ng Pulis ng Oxnard ay palaging nagsusumikap na makapagbigay ng pinakamataas na kalidad ng serbisyo sa paraang magalang at propesyonal. Sa lahat ng aming pinagsisilbihan ay mahalagang pagkukunan ng impormasyon at feedback tungkol sa kalidad ng ating serbisyo. Sa kasawiang palad din naman, sa proseso ng operasyon ng pulis, mga alitan at hindi pagkakaintidihan ay kadalasan umuusbong sa pagitan ng mga empleyado ng Kagawaran ng Pulis at mga miyembro ng komunidad. Sa pagtukoy nitong mga katotohanan, nakapagbuo kami ng proseso na nagpapahintulot sa mga miyembro ng komunidad na ireport ang pag-uugali ng empleyado ng Kagawaran ng Pulis na sa kanilang tingin ay mahusay o hindi propesyonal. Kung sa tingin niyo na isang miyembro ng Kagawaran ng Pulis ng Oxnard ay umasal ng pag-uugaling hindi ka-naisnais o umasal ng hindi tama, mayroong form para sa Papuri / Reklamo.
Ang pamamaraan nga papuri/reklamo ang nagsisilbi para sa dalawang dahilan. Una, nais namin na makpagbigay sa publiko ng oportunidad na maitala ang kanilang pasasalamat para sa mga pagsisikap ng ating mga empleyado. Pangalawa, ito ay isang pamamaraan para punahin ang pag-uugali ng empleyado ng Kagawaran ng Pulis at gumawa ng aksyon para gawing tama kung binibigyang katwiran ng mga pangyayari. Ang pamamaraan ng pagreklamo ng mamayan ay hindi dapat gamitin bilang paraan sa pagbawas o paglaglag ng kaso na pang kriminal o pang trapiko. Ito ay isang pormal na administratibong pamamaraan na ginagamit ng administrasyon ng pulis para ma-tiyak na ang miyembro ng komunidad ay tratuhin ng wasto, may respeto, at tumanggap ng serbisyong may kalidad.
Hinihikayat din namin ang mga miyembro ng komunidad na kontakin ang Watch Commander o superbisor. Ang mga Watch Commanders ay handang tumulong 24 oras sa (805) 385-7778. Mga miyembro ng komunidad ay maaaring humiling na tumawag ang empleyado ng Police Department ng superbisor sa oras ng pangyayari. Ang Watch Commander o ang superbisor ay maaring makapagbigay ng impormasyon na nagpapaliwanag kung ano ang nangyari. Kung hindi nila sapat na mapaliwanag ang pag-uugali ng isang empleyado ng Kagawaran ng Pulis o sa isang patakaran nitong departamento, mga tao ay dapat magsumite ng isang form ng Papuri / Reklamo upang ma-imbestigahan ang pangyayari.
Jason Benites, Hepe ng Pulis
MGA KARANIWANG KATANUNGAN
Q: Ano ang mga pamamaraan ng pagsampa ng reklamo o pauri?
Sa Personal:
Makipag-ugnayan sa Watch Commander sa (805) 385-7746
Ang Estasyon ng Pulis ay na sa 251 South 'C' Street, Oxnard, CA 93030
Sa Telepono:
Tawagan ang Watch Commander at (805) 385-7746
Sa pamamagitan ng email sa aming Professional Standards Division:
Commander Edgar Fernandez (Professional Standards Commander) @ edgar.fernandez@oxnardpd.org
Sergeant Jaime Miranda (Internal Affairs Sergeant) @ jaime.miranda@oxnardpd.org
Sergeant Scott Aaron (Internal Affairs Sergeant) @ scott.aaron@oxnardpd.org
Magsumite sa online sa pagklik dito.
Sa Sulat:
Idownload the Commendation / Complaint (Papuri/Reklamo) na form sa pagklik dito.
Dalhin/Ipadala sa koreo: Oxnard Police Department Internal Affairs / 251 South 'C' Street, Oxnard, CA 93030
Q: Saan ako makakakuha ng form ng Papuri/Reklamo?
Idownload ang form dito: Papuri / Reklamo
Kumuha ng papel na kopya sa alin man sa mga sumusunod na lokasyon:
Oxnard Police Department Headquarters (251 South 'C' Street)
Oxnard Police Storefronts:
201 Carmelita Court (La Colonia Storefront)
2687 South 'C' Street (West side of the Centerpoint Mall)
1653 Pacific Avenue #312
5300 South 'J' Street (Club Pacifica Apartments)
2744 Seaglass Way (The Collection Shopping Center)
326 South 'B' Street
Oxnard's Public Libraries:
251 South 'A' Street (Oxnard Main Library)
1500 Camino Del Sol #26 (La Colonia Library)
4300 Saviers Road (Oxnard South Library)
Q: Kinakailangan bang imbestigahan ng Kagawaran ng Pulis ang aking reklamo?
Tinatagubilin ito ng batas. Ayon sa California Penal Code Section 832.5(a)(1), bawat kagawaran o ahensiya sa estadong ito na nag-eempleyo ng opisyal ng kapayapaan ay dapat magbuo ng pamamaraan para imbestigahan ang mga reklao ng mga miyembro ng publiko laban sa mga tauhan nitong mga departamento o mga ahensiya at dapat gumawa ng pasulat na pagsasalarawan ng pamamaraan na handa para sa publiko.
Ang aming patakaran sa pamamaraan ng pagrelamo ng mamayan ay maaaring makita sa manual ng patakaran ng kagawaran. Iklik dito para makita ito.