Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa
iba't ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa.
Ang mababang pasahod ay isa sa mga pangunahing suliranin na kinahaharap ng bansa sa mahabang panahon. Iba't ibang hakbang at programa na ang ipinatupad ng pamahalaan upang masugpo ito.
Ang kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya ay isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga manggagawa. Isa itong suliraning dapat mabigyang pansin ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga manggagawa sa kanilang pinapasukang kompanya.
Ang job mismatch ay ginagamit na terminolohiya sa isang manggagawa na hindi tumutugma sa kaniyang kwalipikasyon o kakayahan ang kanyang trabaho na pinasukan.
Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng benepisyo, at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa. Atake rin ang kontraktwalisasyon sa karapatang mag-organisa at mag-unyon.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang bahay pagawaan na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na umaayon sa global standard ng mga manggagawa.
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA PAGGAWA
1. Pangangailangan ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng Global Standard.
2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan.
3. Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
4. Dahil sa mura at mababa ang pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN 2015) sa paggawa ng mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig.
Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan na lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino. Bunga ng tumataas na pangangailangan para sa global standard na paggawa (tunghayan ang Talahanayan 1) na naaangkop sa mga kasanayan para sa ika- 21 siglo.
Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na pamumuhay.
Matutunghayan sa Pigura 1 ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa.
Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa K to 12 ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang kasanayan ng mga mag-aaral para sa ika-21 siglo na maging globally competitive batay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic Education, Technological- Vocational Education at Higher Education (DepEd, 2012).
Ano ang una niyong naiisip sa mga larawang ito?
▸ Lubusang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
▸ Kakulangan para sa mgapatubig.
▸ Suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda lalo na kapag may mga nananalasang
sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa.
▸ Pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs.
▸ Patuloy na pagliit ng lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan.
▸ Imposisyon ng IMF-WB bilang isa sa mga kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa.
▸ Pagbubukas ng pamilihan ng bansa.
▸ Import liberalizations.
▸ tax incentives sa mga TNCs.
▸ deregularisasyon sa mga polisiya ng estado.
▸ at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo.
MGA INDUSTRIYANG NAAPEKTUHAN
Konstruksiyon
Telecommunikasyon
Beverages
Mining
Enerhiya
▸ mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino.
▸ malayang patakaran ng mga mamumuhunan.
▸ samu't saring suliranin tulad ng over-worked.
▸ mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO.
▸ Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small Medium Enterpirses (SMES).
EMPLOYED PERSONS BY SECTOR, SUBSECTOR, AND HOURS WORKED, PHILIPPINES JANUARY 2018 AND JANUARY 2019 (IN PERCENT)
Pinagkunan: https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-survey/title/ Employment%20Situation%20in%20January%202019
SUBCONTRACTING SCHEME
Ang subcontracting scheme ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
DALAWANG UMIIRAL NA ANYO NG SUBCONTRACTING
LABOR-ONLY CONTRACTING
▸ Ang subcontractor ay walang sapat na puhunan para gawin ang trabaho o serbisyo kaya ang pinipiling manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
JOB-CONTRACTING
▸ Ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor.
Gawain 4. Halina’t tuklasin, trabaho sa atin!
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Ibigay ang trabahong kabilang sa sektor ng Agrikultura, Industriya at Serbisyo na matatagpuan sa inyong lugar. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang natuklasan mo sa mga trabahong matatagpuan sa iyong komunidad?
2. Sa anong sektor mas maraming manggagawa? Bakit kaya mas maraming manggagawa ang nabibilang sa sektor na ito? Patunayan.
3. Pumili ng isang trabaho. Anong suliranin sa paggawa ang kinakaharap ng mga manggagawa nito? Ano ang maaaring dahilan ng mga suliranin sa paggawa?
Unemployment
● Ito ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho.
● Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho.
Underemployment
● Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.
Talahanayan 3. Total Population 15 Years Old and Over and Rates of Labor Force Participation, Employment, Unemployment and Underemployment, by Region: July 2019 (In Percent)
Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng manggagawa upang maging katanggap-tanggap sila gayundin sa mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase entrepreneurship, small business, project contract, business outsourcing, business networking sa mga ahente ng seguro, real estate, buy and sell ng mga sapatos na may tatak, damit, food supplements, organic products, load sa cell phone, at iba’t iba pang produktong surplus at iniluwas mula sa mga kapitalistang bansa.
Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.
Mga Karapatan ng mga Manggagawa
(Ayon sa International Labor Organization (ILO)
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid, mayroong nakatakdang edad at mga kalagayan pang-empleo para sa mga kabataan.
5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong trabaho.
Mga Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan ng mga Manggagawang Pilipino
1. Batas ng Pangulo Blg. 442 - Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa
2. Commonwealth Act Blg. 444 - Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa
3. Batas Republika Blg. 1933 - Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa
4. Batas Republika Blg. 679 – Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave
5. Batas Republika Blg. 1052 – Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sapagkatanggal ng mga manggagawa
6. Batas Republika Blg. 1131 – Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang
7. Batas Republika Blg. 772 – Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho
Gawain 5. Larawan-Suri
Panuto: Batay sa larawang makikita sa ibaba, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
1. Ano ang mensahe ng larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang mga dahilan ng suliraning ito sa paggawa?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pagsugpo ang inilalarawang suliranin sa paggawa?
4. Paano ka makatutulong sa pag-angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa?
PANGKAT 1
LIDER
Kenji Eleazar Nepomuceno
TEKNIKAL
Bridgette Dianne De Torres
Fyah Bern Estrellones
Danica Czaira Gaudan
TAGA-ULAT
(Lahat ng Miyembro)
Cyna Jahlem Aberia
Angeline Bulaybulay
Keisha Faye Orantes
John Lexter Abion
Mark Angelo Biñas
Marc Benson Catimbang
Ralph Vincent Constantinopla
Erick Vinasoy Forto
Dranrev Gale Samson