Ang homecare services ay isang espesyal na serbisyo na nagbibigay ng pangangalaga o personal care sa mga senior citizen sa kanilang sariling mga tahanan. Ang serbisyong ito ay naglalayon na mapanatiling mabuti ang kanilang mga kalusugan at kaligayahan sa kanilang mga komportableng tahanan. Ang kadalasan na serbisyong makikita rito ay ang pangangalaga sa kalusugan, pagsubaysubay at pagpapainom ng kanilang mga gamot, at mga personal na pangangalaga tulad ng pagpaligo, pagpapalit ng damit, at pagbibigay ng pagkain.
Ang Raintree Care ay isang organisasyon para sa mga seniors sa Pilipinas na nagbibigay ng propesyonal at maayos na serbisyo. Pinagsama nito ang mataas na pamantayan ng pangangalaga mula sa Alemanya at ang likas na malasakit at pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Nag-aalok ito ng Assisted Living, Skilled Nursing, Rehabilitation Services, at Memory Care na nagbibigay-daan sa mga residente na manatili sa iisang lugar habang nagbabago ang kanilang mga pangangailangan.
Sa RainTree Care, inuuna ang personal at maingat na pangangalaga habang iginagalang ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Layunin nitong magbigay ng kapanatagan sa mga pamilya, kahit malayo sila, sa pamamagitan ng isang tahanan na puno ng pagmamahal at malasakit para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Organizations
I. Assisted Living
Ang Assisted Living services ng Raintree ay nag-aalok ng suportadong kapaligiran para sa mga nangangailangan ng
tulong sa pang-araw-araw na gawain tulad ng pagligo,
pagbibihis, at pag-inom ng gamot, habang hinikayat ang
kanilang pagiging malaya hangga't maaari.
II. Memory Care
Ang Memory Care ng Raintree ay nagbibigay ng espesyal na pangangalaga para sa mga may Alzheimer’s, dementia, o iba pang kundisyong may kaugnayan sa alaala. Kasama rito ang mga nakaplanong aktibidad, ligtas na kapaligiran, at espesyal na sinanay na staff upang mapabuti ang kalidad ng buhay at kaligtasan.
III. Skilled Nursing
Ang Skilled Nursing Services ng Raintree ay nagbibigay ng 24/7 na medikal na pangangalaga para sa mga may masalimuot na pangangailangang pangkalusugan. Ang mga serbisyo ay ginagawa ng mga lisensyadong nars at maaaring kabilang ang pagbigay ng gamot, pangangalaga sa sugat, PEG care, at iba pa.
IV. Rehabilitation Services
Ang Rehabilitation services ng Raintree ay nag-aalok ng mga therapy tulad ng physical at occupational therapy na layuning matulungan ang mga indibidwal na maibalik o mapabuti ang kanilang pagkilos, lakas, at kalayaan matapos ang stroke, pinsala, o operasyon.
Bahay Doña Rosario:
918 Dao Acacia St., Doña Rosario Heights Sucat, Muntinlupa, Philippines 1770
Oasis Aged Care Village:
2710 Lopez Court Roxas Blvd Pasay City
info@raintreecare.com
Landline: +63 2 8801- 0527
Phone: +63 917 751 – 5151
Ang Life Care Independent at Assisted Living ay nag-aalok ng ligtas, maaliwalas, at maasikasong kapaligiran, inaalagaan ng bihasa at mapagmalasakit na propesyonal. Layunin nito ang mataas na kalidad ng buhay at kapayapaan ng isip para sa mga residente at kanilang pamilya.
Organizations
I. Assisted Living Lifestyle
Ang Life Care Assisted Living Program ay para sa mga nakatatandang nais mapanatili ang kalayaan ngunit kailangan ng suporta sa pang-araw-araw na gawain. Nag-aalok ito ng fully-furnished na pribadong silid, masustansyang pagkain, tulong mula sa mapagmalasakit na caregivers, at mga nakaka-engganyong aktibidad. Ang personalized care plans ay iniangkop para sa kaginhawaan at kalusugan ng bawat residente.
II. Special Services
Ang aming mga programa ay naglalayong magbigay ng maasikasong pangangalaga para sa bawat yugto ng buhay, mula sa pamamahala ng chronic na sakit, Memory Care para sa mga may Alzheimer’s o dementia, hanggang sa post-hospital recovery at rehabilitation. Nag-aalok din kami ng end-of-life care, respite care para sa mga tagapag-alaga, at in-home care para sa mga nais manatili sa kanilang tahanan.
III. Concierge Services
Sa Life Care, higit pa sa pangkaraniwang pangangalaga ang ibinibigay namin upang matiyak ang kabuuang kaginhawaan ng mga residente. Kasama sa aming mga serbisyo ang pag-aalaga sa logistics, companionship sa mga outings at aktibidad, at pagtugon sa mga personal na pangangailangan at kagustuhan ng bawat residente para sa mas komportable at kasiya-siyang karanasan.
IV. Independent Living
Malapit na sa Cebu City at Morong, Rizal, ang Life Care Independent Living Communities na magbibigay ng isang mainit at welcoming na kapaligiran para sa mga residente upang magtagumpay sa kanilang kalayaan. Magkakaroon sila ng pribadong apartment, pagkakataon sa makulay na social na koneksyon, at pakiramdam ng seguridad na may suporta kapag kinakailangan. Ang aming programa ay nakatuon sa pagpapalakas ng komunidad, pag-aalok ng mga aktibidad, at pagtulong sa pang-araw-araw na gawain upang mapanatili ang kalayaan ng bawat residente.
Contact Details
Number: +63 917 717 7500 / +63 908 883 8655
Website: https://lifecare.ph/
Ang Saint Pio Home for the Elderly ay isang tahanan na may mga bihasang, maasikaso, at mapagmahal na staff na nag-aalaga sa mga nakatatanda, lalo na sa mga senior citizens. Nagbibigay ito ng mataas na kalidad na pangangalaga, iba't ibang aktibidad, at isang ligtas na kapaligiran para sa kaginhawaan at kasiyahan ng mga residente.
Organizations
I. Life Care
Ang Life Care Assisted Living Program ng Saint Pio ay nag-aalok ng pangangalaga para sa mga nakatatandang nais panatilihin ang kanilang kalayaan ngunit nangangailangan ng tulong sa mga pang-araw-araw na gawain. Kasama rito ang fully-furnished na pribadong silid, masustansyang pagkain, suporta mula sa mga maasikasong caregivers, at mga aktibidad na nagpapalakas ng kanilang kalusugan at kasiyahan. Ang mga personalized care plans ay iniangkop upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng bawat residente para sa kanilang kaginhawaan at kalusugan.
II. Daily Activities
Ang Saint Pio ay naniniwala na mahalaga ang mga araw-araw na aktibidad upang mapanatili ang kalusugan, kagalakan, at mental na kasiyahan ng mga residente. Nag-aalok sila ng iba't ibang aktibidad na layuning magbigay saya, magpatalas ng isipan, at maghikayat ng social interaction, habang tinitiyak na ang bawat residente ay komportable at suportado. Mula sa mga simpleng ehersisyo, malikhaing gawain, laro, hanggang sa mga grupong lakad, ang bawat araw ay pagkakataon para sa mga nakatatanda na maging aktibo at masaya. Ang mga mapagmalasakit na staff ay laging handang magbigay ng tulong at gabay.
Contact Details:
Email: saintpiohomefortheelderly.16@yahoo.com
Number: 0995 406 6768
Website: https://www.facebook.com/saintpio.home/
Ang Home Health Care (HHC) ay isang serbisyo na gumagamit ng kaalaman at kasanayan ng isang multidisciplinary team ng mga doktor, nars, physical therapists, nutritionists/dieticians, medical technologists, at mga sinanay na caregiver. Nakatuon ito sa pagbibigay ng mga wellness program at serbisyo sa mga nakatatanda at mga taong may kapansanan sa kanilang mga tahanan.
Organizations
I. Clinic management
Nagbibigay ang Home Health Care ng mga serbisyo sa mga corporate clients tulad ng on-site corporate o occupational health clinics at manpower provision para sa iba't ibang industriya tulad ng manufacturing, BPO, pharmaceutical, at iba pa. Sila ay may DOLE DO 174 Series of 2017 na lisensyado (NCR QCFO DO 174-2022-02-0015 valid hanggang Disyembre 14, 2025), ISO 9001:2015 at PHI-accredited.
Kabilang sa mga serbisyong inaalok ng Home Health Care ang mga healthcare professionals tulad ng Nurse, Physician, Dentist, Psychologist, Nutritionist, Safety Officers, Customer Care Officers, at Liaison Officers. Nagbibigay din sila ng wellness, health at safety management, DOLE reports generation, custom-built electronic medical record app, mga gamot, medical supplies, at vaccination thru HHC Pharmacy. Kasama rin sa kanilang serbisyo ang quarterly wellness webinars, maintenance at calibration ng clinic equipment, waste management, ambulance service, at PEME, APE.
II. Nursing homes
A. Shared Room w/ Fan
Ang pagkakaroon ng kasamang roommate (ng parehong kasarian) ay nakakatulong para mapanatiling alerto, aktibo, at engaged ang iyong mahal sa buhay. Ang aming mga tahanan ay matatagpuan sa tahimik na mga lugar. Mayroon kaming regular na mga aktibidad ng grupo. Ang mga caregivers ay on-duty 24/7, at ang head nurse ay gumagawa ng araw-araw na rounds.
B. Private Room w/ Aircon
Kung mas pinahahalagahan ang privacy, maaaring magkaroon ng sariling silid ang iyong mahal sa buhay na may sariling banyo. Maaari pa rin silang makipag-interact sa mga housemates sa common area o tumanggap ng mga bisita. Ang mga caregivers ay on-duty 24/7, at ang head nurse ay gumagawa ng araw-araw na rounds.
C. Hospice Care Service
Kapag kinakailangan ang end-of-life care, tutulong kami upang mabigyan ang iyong mahal sa buhay ng pinakamataas na antas ng comfort, upang mapanatili ang kanilang dignidad at grasya.
III. House Calls
Ang Home Health Care ay nag-aalok ng mga serbisyong pang-medikal sa bahay upang matugunan ang mga agarang pangangailangan. Ang aming mga nurse ay maaaring magsagawa ng mga medical procedures tulad ng Nasogastric tube (NGT) insertion, Urinary Catheter Insertion, Intravenous (IV) insertion, at Injections, na may halagang PHP3,500 bawat pagbisita. Para sa mga physical therapy needs, maaaring magpadala ng lisensyadong therapist sa inyong bahay, na may session na nagkakahalaga ng PHP1,500 bawat oras. Nag-aalok din kami ng house call consults mula sa mga doktor, kabilang ang mga espesyalista sa geriatrics, pediatrics, ob-gyn, at iba pa, para sa mga non-emergency cases, na tumatagal ng 45 minuto hanggang isang oras.
Contact Details
Link: https://homehealthcare.com.ph/
Globe: 0927 059 1468
Smart: 0922 833 8994
info@homehealthcareph.com