Tagong Peligro: Fasting, potensyal na maging sanhi ng Cancer
September 22, 2024
Zhuzane Magnifico
Tagong Peligro: Fasting, potensyal na maging sanhi ng Cancer
September 22, 2024
Zhuzane Magnifico
Photo | Revitalize Metabolic Health
Sa kasalukuyan, kinikilala ang pag-aayuno o “fasting” bilang normal na gawain para sa mga nagoobserba ng kanilang “proper diet’ o pagbabawas ng timbang. Gayunpaman, mula sa inilabas na pag-aaral ng Massachusetts Institute of Technology (MIT) nitong Setyembre 12, ang nasabing gawain ay maaaring magdulot ng pamumuo ng sakit na cancer.
Ayon sa John Hopkins University School of Medicine, kayroong dalang benepisyo ang fasting gaya na lamang ng pagkontrol ng blood pressure, pagbaba ng timbang, at pagbaba ng tyansang makakuha ng sakit. Ito ay sa pamamagitan ng pag-regenerate o muling pagbuo ng enerhiya.
Subalit batay sa nagdaang pag-aaral ng ilang mananaliksik sa MIT gamit ang daga, natuklasan na pinababagal din ng fasting ang regenerative capabilities ng stem cells sa ating bituka na siyang ginagamit ng ating katawan upang ayusin ang ating mga nasugatang bahagi. Sa kabilang banda, muli itong bibilis sa oras na muling kumain ang organismo matapos ang kaniyang fasting.
Kaugnay nito, ang labis na pagbilis ng regeneration process matapos ang fasting ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng mutasyon ng cancerous cells na kadalasang nauuwi sa intestinal tumor o cancer.
Sinasabi naman sa pag-aaral ng Pfizer na ang sakit na ito ay unti-unting naninira ng organs at umuubos ng mga parte nito. Pinababagal din nito ang paghilom sa katawan o humaharang sa maayos na paggana ng immune system.
“Having more stem cell activity is good for regeneration, but too much of a good thing over time can have less favorable consequences,” pahayag ni Omer Yilmaz, isang propesor sa MIT na nakapokus sa cancer research. Siya rin ang senior author ng nasabing pananaliksik.
Sa patuloy nilang pag-aaral, nadiskubre rin na ang mga cancer-cause na genome ay may malaking potensyal na magkaroon ng Precancerous Polyp o colon na kalaunan ay nagiging cancer kapag hindi naagapan.
Gayunpaman, nilinaw ni Yilmaz na sa kabila ng mga pag-aaral na ito ay dapat pag-aralan pang maigi ang sitwasyon ukol dito bago tumalon sa konklusyon na ito ay may similar na epekto sa mga tao.
“I want to emphasize that this was all done in mice using very well-defined cancer mutations. In humans, it’s going to be a much more complex state,” paliwanag niya.