Ang Quezon ay isang kaakit-akit na munisipalidad sa hilagang bahagi ng Palawan, na kilala sa nakakamanghang natural na kagandahan at makulay na lokal na kultura. Matatagpuan sa kahabaan ng Sulu Sea, nag-aalok ito ng tahimik na pagtakas na may mga malinis na beach, malinaw na kristal na tubig, at luntiang tropikal na landscape. Ang munisipalidad ay bahagi ng mas malaking lalawigan ng Palawan, na kilala sa mayamang biodiversity at natural na kababalaghan nito.
Mga Tanawin
1. Nasirik Island
Ang Nasirik Island ay isang maliit na isla ngunit isarin ito sa lugar na pinupuntahan ng mga turista o dayuhan na pumupunta sa ating bansa. Kilala rin ito sa kaniyang mala crystal clear water, pino at puting buhangin, at higit sa lahat ay kilala ito bilang isang tahimik na lugar. Wala pang malalaking resort o komersyal na establisimyento, kaya't ang isla ay nananatiling tahimik at hindi matao, isang ideal na lugar para magrelaks at mag-enjoy sa likas na kagandahan ng kalikasan.
2. Culion Island
Ang culion Island ay isang historical na isla sa pilipinas na matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Palawan. Ito ay mayaman sa kasaysayan dahil isa ito sa kilala bilang isang dating leper colony noong panahon ng mga kastila at mga amerikano. Sa kabila ng madilim at historikal na nakaraan nitong isla na ito ay isa na rin siya sa maituturing na isang maaliwalas at magandang destinasyon para sa mga dayuhang nais maglibot sa bansa natin.
Ang culion ay mayroong pino at puting mga buhangin sa dalampasigan, mala crystal clear na katubigan sa isla, at kagubatang punong puno ng magagandang tanawin. Bagamat tahimik at hindi pa ganap na komersyal, ang Culion Island ay nagsisilbing isang halimbawa ng kagandahan at kasaysayan ng Palawan, at isa itong magandang destinasyon para sa mga naghahanap ng kakaibang karanasan.
3. Taboon Cave
Ito rin ay isa sa makasaysayang pook na itinuturing bilang isa sa mga pinakamahalagang arkeolohiya na site sa bansa. Ito ay kilala bilang "Cradle of Philippine Civilization" dahil dito matatagpuan ang ilan sa mga pinakamatandang labi ng mga tao sa bansa. Pati na rin ang mga sinaunang kagamitan at mga bakas ng pamumuhay mula pa noong Paleolithic period.
Ito ay isang complex cave system na matatagpuan sa tabing dagat, na may limang pangunahing kweba, at bukod sa kahalagahan nito sa kasaysayan ng tao, ang Tabon Cave ay isang magandang destinasyon para sa mga nature lovers at mga mahilig sa hiking.
Mga Gawain
Snorkeling at Diving
Makikita ang mga magagandang coral reefs at iba't ibang marine life na perpekto para sa snorkeling at diving. Ang mga destinasyon na tulad ng Calauit Safari Park at Punta Bunga Beach ay may malinaw na tubig at mayaman sa marine biodiversity. Maaari ka rito makakita ng iba’t ibang klaseng isda.
Trekking at Hiking
Ang bawat trek ay may kasamang magagandang tanawin ng kalikasan, mula sa mga bundok hanggang sa karagatang nakapalibot. Ang mga bundok at kagubatan ng Palawan ay mayaman sa likas na kagandahan, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga trekker at hiker na maranasan ang tahimik at malinis na kalikasan.
Ang tamang panahon para bumisita
Panahon ng Tagtuyot
Enero hanggang abril ang pinakamagandang panahon upang bisitahin ang magagandang lugar sa quezon, palawan kung nais mong masulit ang mga outdoors activities at magandang panahon sa isang taon.
Panahon ng Tag-ulan
Ngunit kung ikaw naman ay mas komportable sa malamig na klima, maaari ka ring bumisita sa tag-ulan basta’t maghanda lamang sa mga pagbabago ng panahon at kondisyon ng dagat.
Mga Lugar na Tuluyan sa Quezon
Charme del mare farm beach resort
Ito ay isang tahimik na lugar na matatagpuan sa San Vicente, Palawan. Kilala ito sa mga magagandang tanawin ng dagat at likas na kagandahan ng kalikasan, na nagsisilbing isang perpektong destinasyon para sa mga naghahanap ng pahinga at kalikasan sa Palawan.
Contact Information
Kung ikaw ay natuwa at nais na pumunta sa Quezon, Palawan maaari kang tumawag sa numerong ito:
Contact #: 0962 202 1103
Maaari ka ring tumawag sa lugar na kung saan puwede kang manatili sapagkat wala kang matutuluyan:
Rosanna Pension Contact #: 0920 605 4631
Golden Monkey Cottages Contact #: 0926 741 1529