Paul Rodolp V. Abello - 10 - St. Cornelius
Paul Rodolp V. Abello - 10 - St. Cornelius
Una sa aking pinakabest na nagawa dito sa aking outputs sa AP ay itong output na ito. Napili ko ito dahil lubos akong namangha sa king mga edit at sa aking nagawang mga script para sa aking gaganaping video. Ito rin ang aking napili dahil ako ay proud na nailahad ko ang aking sa loobin patungkol sa lindol na nagbigay ilaw sa aking mga kakilala upang malaman rin nila ang kapahamakang dulot nito sa atin, sa totoo lang tuwang tuwa ako noong matapos ko itong outpjut na ito sapagkat alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang aking makakaya. Ito ay isa lamang sa aking mga best at talagang may igaganda pa ito, alam ko yon sa aking sarili. Ayon lamang po para sa explanation para sa aking unang output dito sa best section.
Ang aking challenging task naman para sa Ap first quarter ay itong pangkatang gawain na ito. Maraming dahilan kung bakit at isa na diyan ay ang di ko pagkakakilala sa aking mga kaklase, tutal ito ay ang aming unangn markahan kaya hindi kami lubusang magkakilala pa nito. Pangalawa naman ay dahil unang marakahan nga, kami ay nabigla agad sa output na ito kaya't nagmadali kaming magisip ng mga plano para sa aming gagawin proyekto para sa pangkatang gawain na ito. Lubos naman akong natuwa sa aking mga kagrupo lalo na't akong ang lider ng pangkat na ito, lubos ko silang kinokomenda sa kanilang ginawa dahil kahit pa man ay nahirapan kami dito. nagawa parin naming magawa sa kinalabasan nito. Ayon lang po salamat.
Hindi na ako magtataka kung bakit ito ang aking nilagay para sa best output ko dito dahil sa totoo lang isa ito sa pinakamagandang tula na may rhyme na nagawa ko at sobrang proud ako doon, sa totoo lang hindi ko talaga inaasahan na magkaroon ng masmagandang output dito sa totoo nga lang maspangit pa siguro ang dapat kinalabasan pero dahil pabago bago ang aking isip nagawa ko pa itong mapalitan at mas nakagawa ng masa magandang version ng tula. Natuwa rin ako saking pag eedit ng video lalo na sa may audio na part kaya ito talaga ang aking mapipili para sa 2nd Quarter output as best dito sa AP. Lubos talagang nakakatuwa magkaroon ng ganitong output, yun lang po salamat.
Itong pangalwa naman sa challengin task dito sa ap na nasa 2nd quarter ay lubos ko itong napagbigyan ng oras dahil nga sobrang hirap akong makaisip kung ano ang ilalagay ko dito, magiilang oras na din akong malaisip ng tunay kung mga gagamitn na salita sapagkat una sa lahat napakaramingchoices at pipili ka lamang ng tatlong pinka makakatulong rito, nachallenge talaga ang aking utak sa output na ito dahil nalilito na ako kung ano ba talaga ang tatlong pinakaimportante dito sa activity na ito. Sa kabila ng lahat ng paghihirap na iyon nagawa ko parin namang matapos itong maayos at may additional pa na design na tunay ngang nakakaakit. Ako naman ay naproud sa aking sarili sa out put na ito dahil sa kabila ng lahat ng paghihirap ay may bunga talagang maganda. Salamat.
Kapag sa usapang best work dito sa aking 3rd grading una ko talagang naisip itong 3rd QTIPT namin na pinaglaanan ko talaga ng oras ng mga panahong iyon, naenjoy ko naman ang aktibidad na ito ngunit maikukunsidira ko din itong mahirap. Best output ito dahil para sa akin naging maganda ang performance ko rito at nabigyan ko ito ng isang maayos na output na para sakin makokomenda ko ito. Naging masaya nga naman ang aking karanasan rito at isa narin iyon sa dahilan kung bakita napili ko iyon as best works ngunit napaisip lang ako na kaya ko naman iyon mas pagandahin baket hindi ko pa nagawan ng paraan upang mabigyan iyon pero sa kabila ng lahat na iyon nakuntento naman ako at nasiyahan narin sa aking nagawa. Ayon lamang po salamat.
Ito output na ito ay isa sa aking pinaka di malilimutang output sa AP ngayong schoolyear, sapagkat memorado ko na itong design na aking nagawa, sa tuwing nakikita ko itong output na ito ay bumbalik ang aking alala sa mga panaahong iyon. Bakit ko nga ba ito nailagay sa challenging? Una kasi sa lahat ay mahirap magdesisyon na agad sa buhay lalo na kapag maaga pa dahil maaari pa itong magbago. Alam ko namang assignment lang ito at maituturing opinyon lamang ngunit nahirapn parin akong magisip sapagkat ang nararamdaman ko sa totoong buhay ay di talaga sang ayon sa inilalagay ko, dahil sa totoo lang hindi pa talaga kongkreto ang aking plano para aking future na trabaho. Kung maaari lamang sagutin sa dalawang box na iyon ay "bahala na kung ano mangayari" at ayon talaga ang aking sasagutin overall naman ayon lang naman ang dahian kung baket sa challenging dahil ang mismong aktibidad naman na ito ay di gaanong kahirapn lalo na sa iba kong mga kaklase. Maraming salamat.
Ang pangkatang gawain na ito ay isa sa pinakabest nagawa ko para sa schoolyear na ito dahil nabigayn ko ng pagkakataon na mailahad ang aking posisyon o ang posisyon ng aking pamilya ngayon sa aking mga kaklase. Minsan ko lang rin namang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng kaisipan para sa aking mga magulang kaya't iyan, natuwa lamang ako sa aking nagawa dahil kahit papaano tila baga nabigyan ko ito ng nararamat na kahulugan kahit pa man may pressure ng mga ibang kaklase sapagkat nakikita rin nila ang aking ginagawa. Naturing ko din ito na best dahil sa pamamagitan ng output o aktibidad na ito ay nagkaroon ako ng oras para mabigyang pansin ang hirap na dinanas ng aking mga magulang at galing rin ito sa mismong aking kaisipan, laking pasasalamat ko na rin ito dahil nabigyan ako ng kaisipang tumulong pa lalo, lalo na't ang mga nasula ko sa activity ay puro sila lamang at narealise ko wala akong masyadong nagawa para sa kanila. Ayon lamang po para sa aking pinakahuling output para sa best na section. Maraming salamat!
Sa mga challenging task wala na akong iba pang makita kaya ito nalang ang aking ilalagay, pero sa totoo lang nahirapan din ako dito ng lubusan dahil hindi sa aking mga kagrupo bagkus sa pagiisip ng pwedeng mailagay diyan na maayos na kasabihan. Ang mismong activity naman ay di gaanon mahirap ang aking pagiisip talaga ang nagkulang kaya't hirap na hirap ako sa puntong mga iyon. Pero nagawa ko parin namang magkaroon ng magandang output sa activity na ito at nasiyahan parin naman ako. Tinanggap ko nalang kahit alam ko naman sa sarili ko na kaya ko pang masgandahan iyon wala lang talaga ako sa tamang pagiisp noon kaya nahirapan ako, nabigla rin kasi kami dahil biglaan din ito sinabi sa aminsa loob ng aming klase. Uulitin ko kahit pa man sa kabila ng lahat na iyon ay nagawa parin talaga namin ng solution at nabibigayn namin ito ng magandang output. Ayon lamang po para sa pinakahuling out para sa challenging na section, Salamat ng marami!
Sa school year na ito, muling nabuksan ang aking isipan sa makabagong henerasyon ng pagbabago, nasilayan ko na ang bawat isang taong aking nadadaanan ay tiyak na mayroong dadalhing matututunan. Sa loob ng school year na ito marami akong naranasan na Ups and downs dahil hindi naman laging masaya ang buhay, minsan nagsusumikap tayo para lang maging masaya. Mahirap ang buhay ngayon at alam nating lahat, pero we still manage to advance in to something new, bagay na hindi pa nagagawa dati, proud talaga ako kasi I got a chance to experience ODL kahit alam ko deep inside me na ito ay mahirap lalo na't sa mabagal na signal dito sa ating bansa. Minsan ako ay nabigong maging matagumpay, ngunit lahat naman tayo ay makakaranas nito, at ang mga kabiguan ay dapat at palaging isang aral, hangga't inuulit mo ang parehong lumang proseso ay tiyak na mauulit at mauulit muli ang iyong paghihirap, ganyan ang aking mga natutunan sa aking mga nagdaang taon, paulit-ulit na napagtanto ang lahat ng iyon at sigurado akong bumubuti. Sa mga akademya, tiyak na may natutunan tayo hindi lamang sa klase ng AP na ito kundi sa lahat, at ipinagmamalaki kong matagumpay ako sa lahat ng ito. Sa lahat ng mga aktibidad ay nakatitiyak na may natutunan ako, tulad ng iba't ibang uri ng mga Video, tula o kahit na mga debate. Sa lahat ng iyon, ang maibibigay kong score sa akin ay 7/10 kasi una sa lahat kung panguunahan mo ang iyong sarili at itinataas mo lamang ang iyong sarili ay tiyak na hindi kana uunlad rito, masmabuti ng bigyan mo ang iyong sarili na kababaan dahil magsisilbi mo tong inspirasyon para sa yong susunod na mga gawain. Ang school year 2021 - 2022 ay tiyak na isang magandang kahulugan ng "There is always something better, If we tried something newer". Umaasa sa isang mas magandang araw, salamat sa lahat ng tumulong sa akin na mapabuti itong taong ito.
PARA KAY MS. DIVINAGRACIA
Magandang araw Ms. Nais ko lamang pong magbigay ng pasasalamat sa inyo sa daan ng mensaheng ito, una sa lahat marami pong salamat sa inyong sakripisyo para sa amin, kahit mahirap po talaga itong ODL ay hindi nyo parin po kaming tinalikuran at ipinagpatuloy mo parin ang iyong pagsisikap para lamang sa aming ikabubuti, maraming salamat rin po sa pagiging pangalawang magulang namin at salamat sa inyong effort na magbigay sa aming ng mga slides upang maipakita mo lamang ang iyong mga gawain ng mas malinaw para sa amin, lubos namin itong pinasasalamatan dahil malaki na itong effort na iyong nagawa, tunay na ipinapakita mo sa amin na hindi hadlang itong pandemya para hindi naman matupad ang aming pangarap, ikaw ang aming nagsisilbing daan para sa aming ikabubuti at kayong mga guro ang humulma kung ano man ang aming kinatatayuan ngayon, nakakalungkot na isipin na ito ay isa na sa pinaka huling output na aking ibibigau sayo. Hanggang sa muli ms! at maraming salamat uli, mag ingat po kayo palagi at gayundin sa inyong pamilya.