Aside from the Habi ANIMersary (6th year!) celebration, November is extra special for us because we are also celebrating National Children’s Month. In this episode, we come together to wrap up a 5-month long design project for families, homes and young children. We talk about how our childhoods and life experiences have inspired the way we design for families and homes. Kayo, ano’ng hugot nyio? Tara, kuwentuhan tayo!
[Habi Hour Intro]
CELINA: Hello, nandito na naman tayo sa isang episode ng Habi Hour. Muli, magpapakilala muna ang mga nandito sa episode na’’to. Una, ako si Celina, isang Learning Experience Designer at isang preschool teacher. Papasa ko naman sa isang kakilala na ninyo, si JPaul.
JPAUL: Hello, magandang araw sa ating lahat. Ako si JPaul, isa rin akong Learning Experience Designer at isang traveler. Kasama rin natin ngayon si Lacey.
LACEY: Hi! Ako si Lacey! Isa rin akong Learning Experience Designer at mahilig akong kumain! At nandito rin si Mitzi.
MITZI: Hello! Ako naman si Mitzi, isang Learning Experience Designer at isang komikera.
CELINA: Alright, so tulad nga ng narinig niyo, ang nandito nga sa episode natin ay ako- si Celina, si JPaul, si Lacey at si Mitzi. Kami ay mga Learning Experience Designers mula sa Habi Education Lab.
Ngayon, kaya medyo marami rami tayo sa episode na ‘to, apat ang nandtio, kasi kami ay magkakasama sa isang proyekto na kakatapos lang. Sa Habi kasi, mayroong practice na kapag nagtapos ang isang project, talagang umuupo kami para magreflect or magnilay nilay tungkol dun sa mga nangyari sa project. Naisip lang namin na, “Uy, magkuwentuhan tayo. More than ‘yung ginagawa nating usual closing, magkuwentuhan tayo! ” And we want to share our stories with you also! So, inimbitahan ko sila para sa episode na ito.
Ang check in natin ngayon ay ano ang isang laro o laruan na bumubuo ng kwento ng childhood mo? Any game or any toy that tells us a story of your childhood.
LACEY: Sige, may naisip na ako. Ito talaga yung parang tumatak sa childhood ko kasi kasabay ko ring lumaki ang aking mga kapatid. So tatlo kaming babae at tig-isa isa kaming merong Polly Pocket, Sa Polly Pocket na iyon, nakakapaginteract kami, nakakapag-create ng scenarios dahil iba- ibang bagay yung mga Polly Pocket namin.
MITZI: Ako, una kong naisipa talaga- sketchbook. Hindi siya talaga ‘yung typical na laruan mo pero mahilig talaga ako magdrawing nung bata. At parang iyon lagi ang hinahanap ko kapag pumupunta kaming National. Bumibili ako ng mga coloring materials tsaka sketchbook kasi gusto ko talagang magdibuho. Hanggang ngayon, nasa akin parin ang paglilikha.
CELINA: JPaul, uunahan kita.
JPAUL: Sige, go.
CELINA: Kasi napansin ko, lagi akong last na nagchecheck- in kapag ako nagho-host.
JPAUL: Sige, para maiba naman!
CELINA: Akin naman is a game. Ang tawag sa kanya ay “Chick Chick Eri Toink”. Malamang hindi familiar, di ba?
LACEY: Ano yun?
CELINA: I would think hindi familiar because exactly ganun ‘yung childhood ko. We did a lot of imbento na games. So kung nakikinig yung pinsan ko ngayon- shout out! Joke lang! Chick Chick Eri Toink is a game he invented. Andun kami sa garden ng Lolo namin tapos humahakbang kami mula sa isang bato papunta sa isa pang bato nang nakapikit. Wow! Dangerous! Kapag lumampas yung paa mo dun sa bato, kumbaga parang yung sa news paper dance kapag lumabas yung paa mo, out ka na. Kasi di ba nakapikit ka nga dapat na hahakbang. Chick chick! Tapos sasagot yung tumitingin ng mga paa, “Eri Toink!”. Sasagot siya kung pasok siya. My childhood, very [inaudible] siya.
LACEY: Ganun pala ‘yon!
CELINA: Ikaw, JPaul?
JPAUL: Nung bata kasi ako, mahilig akong mangalikot. So mahilig ako sa mga laro o laruan na meron akong binubuo o ginagalaw. Halimbawa ‘yung paglalaro ng Lego o pagbubuo ng saranggola. Saranggola namin dati, hindi namin binibili, as in kukuha kaming dyaryo at mga walis tingting. Pero ‘yung pinaka- highlight siguro sa’kin, andami ko sigurong mga maliliit na kotse o robot. Kinalas ko kapag medyo sira na sila kasi gusto ko makita kung ano ang loob. Saan nakakabit ang battery? Anong itsura ng machine o engine nito? Ah okay, katulad lang pala ng isa pang robot na binuksan ko, iba lang yung nakakabit na gears. Ang gagawin ko, bubuoin ko ulit pero ibang itsura na siya. May isang time, kinabit ko siya sa braso ko, kunwari robot ako. Feeling ko ang cool ko nung bata, para akong cyborg. Nagbabike ako sa’min, may suot ako na cyborg na motor.
CELINA: Nice! Sa mga check-in natin anlakas ng message of feeling of creative as children. Nakakatuwa naman. Maraming salamat sa mga check in natin. Tulad ng dati, hindi nalalayo sa magiging usapin natin today ‘yung pagkukuwentuhan natin today.
CELINA: Bilang context, kanina kinuwento ko sa inyo na ang grupo naming ito, kaming apat, kakasara lang ng isang project kung saan ang users or the people we were designing for are actually families and homes. Kapag sinabi nating families, this involved parents, caregivers and very young children. Andun tayo sa mga hanggang three years old, ganun kabata.
Gusto kong tanungin ang grupo natin ngayon- ano ba ‘yung background natin kahit individually when it comes to designing for a similar group, whether it’s family, parents, homes and young children.
LACEY: Sa’kin, when designing for children,from my previous job as a public and private school teacher, yung mga lesson plan. Ang handle ko nuon mga primary grades, not necessarily 0 to 3 pero young children like grades 1 to 4.
MITZI: Ako, when I was in college, I used to be a part of illustrating for textbooks pero hindi for early childhood, for gradeschool. Then after college, I was able to illustrate storybook for kids naman, ‘yun ‘yung mas bata, for early ages naman.
CELINA: Uunahan kita. Yung background ko, alam niyo rin ‘to, early childhood. Yung inaral ko- undergrad, masters. I was an early childhood teacher prior to joining Habi. Sa pagtuturo sa kolehiyo, iyon din ang tinuturo ko- early childhood. Ikaw JPaul, this is it. It’s your turn.
JPAUL: Wala ako masyadong experience with very young children pero yung masasabi ko kong similar sa ginawa nating project ay yung engagement ko with parents. Dati kasi akong nagturo ng NSTP sa isang university. At syempre dahil dadalhin namin sa komunidad yung mga studyante namin, kailangan kong mag-orient ng mga parents na, “Mga nanay, mga tatay, ganito po, may mga dadating pong mga studyante, ganito po ang kailangan nating gawin. ” Paano pumunta sa community at bigyan sila ng briefer sa pagpunta ng mga estudyante, pero syempre formal ‘yun. Kailangan mo paring intranslate into something na (1) natural sa’kin bilang NSTP formator at (2) ano ang swak sa konteksto nila.
CELINA: Ang galing, parang iba-iba talaga tayo ng mga pinagmulan. Iba- iba ang background natin. I guess si Lacey at ako na ang mas similar ang background na school context in terms of working with children and their families. Mitzi did a lot of illustrator roles in college pa lang. Si JPaul naman, mas sa parents - side naman in his previous NSTP work.
CELINA: Relating or comparing all our experiences, how different was that experience of designing for families, homes and children now from previous work that you’ve done?
MITZI: Dito sa team natin, iba iba talaga ang skills and strengths na ating binigay for the project. We have unique set of skills. Nakakatuwa na makita mo talaga as a whole yung ginawa natin. For example, ako nag-illustrate ako. Tas kayo, nina Lacey, JPaul, you wrote modules. Seeing them together and knowing the goal is for caregivers, children, ‘yun ‘yung nakakatuwa isipin.
CELINA: What I get from that is from before you illustrate and that’s your part of the work, pero now mas holistic.
MITZI: Yes mas holistic, mas nakikita mo na yung effort. Joining ideas together, different skills and contexts, experiences. Making something uniquely different, I would say.
LACEY: Ako naman, ang nakita kong difference sa mga ginagawa kong lesson plan with this is yung intentionality niya. Ang gagamit talaga ay parents and caregivers na nasa mga certain barangay na maaaring walang access sa mga iba- ibang references. Ang nakakatuwa sa experience na ito, dahil isa tayong grupo, mabusisi yung proseso ng pagbasa, pagsulat at pag-edit ng nilalaman ng module at illustrator para talaga swak sa ating users ang material. Gusto natin kapag tayo ay nagdedesign, may puso talaga. ‘Yun yung naramdaman ko dito. Matindi yung intentionality ng design for our target users.
JPAUL: Ako, susundan ko yung sinabi ni Lacey tungkol sa pagiging intentional. Ang pinaggagalingan ko medyo matagal na rin kasi akong nagdesign or nakipagusap sa parents and children. Kumbaga yung experience ko nitong huling 2 o 3 taon, puro teachers, formal setting, minsan may konting corporate. Iba yung approach sa kanila. Parang mayroon kang alam na dahil teachers sila, ito ang skill set nila. Kapag sinabi ko ito, mayroon kaming common language. Pero kapag families, una baka hindi ako familiar kung ano yung common language na tinutukoy. Kapag sinabi ko ba ito, pareho ba kami ng intindi Pag-aalaga ng bata- pakainin mo lang, alaga na. ‘Yung iba may onting yakap, may onying lambing. Pangalawa usally kapag teachers galing sa isang school, medyo ieexpect mo na magkakapareho sila ng alam, same level. Pero ito parents, andami kasi e. Ako bilang tatay, karamihan ng knowledge ko, from experience din. Nakuha ko siya from different places, sources. Feeling ko yung parents na pinagdedesign-an ganun din. Baka itong practice na ito narinig niya sa nanay niya, sa magulang niya, sa kapitbahay, pero magkaiba sila. Kailangan ng onting intentionality, yung sinasabi kanina ni Lacey. Pagkatapos nila dumaan sa dinesign natin, nasa same level, narating natin yung gusto nating maachieve.
CELINA: Yung narinig ko na intentionality, I guess, it’s very linked with what Mitzi said earlier also about how this is extremely collaborative. Admittedly, among the four of us, si JPaul ang pamilyado sa’tin, ang tatay. There were really times, even as an early childhood practitioner, I would have that impostor syndrome na parang di naman ako nanay o pamilyado. And I medyo preaching ba, how to parent , how to [inaudible] your child. There were days na talagang I would feel so bad about it. Parang wag ko na lang gawin, i don't deserve it. I guess na-kocombat ko ito with that whole idea of our design being collaborative. I may not be a parent yet, pero that’s the value of having a team. More than just our team of four, we really go outside when we design. We talked to parents, we asked our users. Our designs being collaborative, hindi rin siya tayu- tayo bilang learning experience designers. In reality, nakikiambag yung mga users natin when we design for them.
CELINA: That particular project was a five- month project. It covered so many different topics also. Meron ba kayong favorite o napusuang paksa dun sa mga nasulat or na-illustrate natin?
JPAUL: Naalala ko andami.
MITZI: Madami talaga.
LACEY: Favorite ko talaga yung mga activities na sinuggest at sinulat natin para sa mga iba’t ibang edad ng mga bata. Favorite dahil tiny ko yung activities. Nung binasa ko siya, tirny ko rin. Natuwa din ako. Nung bata kaya ako, ginawa ko ba to, baka hindi naman sa’kin to tinuro. Ang saya lang.
CELINA: Activities, games. Kakaiba e.
LACEY: May mga kanta pa nga eh.
CELINA: Some classic songs, yung Itsy Bitsy Spider, alam natin ngayon na may Filipino version, maliliit na gagamba. I didn't know that when I was younger. Kayo, JPaul? Mitzi? What were your favorite topics?
MITZI: yung taking care of one’s self as a caregiver, parent. I didn’t know na it’s also part of designing for families and homes. You really got to take care of yourself, hindi lang puro bata. Essential ang ating health kasi it will also influence how we nurture and raise our kids.
CELINA: Yang usaping self care na ’yan, in a previous episode, Strong Start naman, kung saan pinag-uusapan natin duon ang teacher wellbeing, naalala ko isa ‘yun sa mga sinabi ni Raqs na for teachers “you teach who you are”. Kung sino ka, iyon ang binibigay mo. With what you just shared about the importance of self care for parents, also. It’s kind of the same thing, na ibibigay lang natin sa mga bata, anak, kung ano yung meron tayo at sino tayo. I agree with you there, for me din. The fact that we started with that topic, taking care of yourself, bago puro palabas. That’s one of my favorite parts also. How about you, JPaul?
JPAUL: Ako naman, palabas yung favorite ko. Naglagay kasi tayo ng gender fair language and gender neutral themes. May isang part tayo na kapag ang anak niyong lalaki ay gusto maglaro ng chinese garter o jackstone, hayaan niyo lang. Kung yung anak niyong babae gusto magkotse-kotsehan at magdungis sa labas, hayaan niyo lang. Feeling ko very relevant yun ngayon lalo na sa context ng Pilipinas kasi maraming parents na oy panlalaki yan, oy babae ka ba bakit ganyan yung nilalaro mo? Tingin ko parang di naman nakakatulong talaga sa mga bata. Nung sinusulat natin at nirereview yung bahaging iyon, medyo naalala ko may dalawa akong kapatid na babae, mas bata sa’kin. Sa bahay, mas maraming laruang pambabae, kumbaga. May mga times na nakikipaglaro ako sa kanila. Manimanika din, paper doll na ginugupit tas bibihisan sila. Maswerte ako yung mga magulang ko bukas naman dun. Pero growing up naalala ko, marami akong na- encounter na parents na hindi ganun kabukas. The mere fact na meron tayong ganung klaseng messaging at ang target nating babasa nun ay mga parents sa medyo far- flung areas, para sa’kin powerful.
CELINA: Super agree. This particular design project that we did, I would describe it as very progressive. Pagdating dun sa mga mindsets, messages. As one of the content writers, gumagawa ka ng mga scripts sa sinasabi ang mga salitang iyon na kadalasan nagkakaron tayo ng konsepto na kunwari- ang mga batang lalaki ay mas malillikot kesa sa mga batang babae. I would catch myself also na I grew up believing these things also, as a child. Yun yung medyo gusto kong tanungin sa inyo ngayon. Kasi some of those progressive messages and mindset, aside from JPaul mentioned about gender fairness, the idea of positive discipline, inclusive practices.
CELINA: How would you compare that to how you were brought up? Growing up, what your parents would say, what your parents believed in, compared to this. Itong messages na kinukwento natin through our designs.
MITZI: When i was working on the materials, illustrating them, subconsciously, hindi ko talaga sinasadya, for example in activities like cooking or cleaning, I would draw female characters. Na-point out na male caregivers can also do the cleaning and cooking. Growing up we have this notion na mothers are the ones who are able to take care of their child. It’s not always the case. Gumising sa’kin itong design project design na ito. Oo nga naman, we are not in a binary world right now. Everything can be shared. Gender equality is sobrang open na rin ngayon and we are still continuing to fight for it.
CELINA: We are witnesses to that. Yung mga unang draft natin, tas makita mo yung final -wow!
LACEY: Nagluluto narin si tatay, ganun na sa illustration.
CELINA: Or naglalaro si lolo at baby.
LACEY: More on dun sa thinking na ang paglalaro ay mapupulutan din ng aral. Naaalala ko nung bata ako, sobrang hiwalay yung paglalaro sa pag-aaral. Parang di ko narinig, siguro sa positive discipline ito, yung nanay ko nuon o yung yaya ko na may matutunan tayo sa paglalaro nito. Para sa kanila, naglalaro lang talaga ako. Nung gradeschool ako, meron kasi akong tutor, pag tutor time yun yung time na nagaaral ako. Kapag naglalaro ako, nagbabike around sa village kasama mga kababata ko, syempre wala naman nagsasabi sakin na nahahasa na pala ang pakikipagusap, conversations. I-encourage na may social skills si batang Lacey. Siguro walang ganung messaging. Ngayong nagawa nating ang proyektong ito, m as malakas kumbaga ang mensahe na iyon na lahat ng bagay o activities ay kapupulutan ng aral kahit conversation yan with a playmate or simpleng laro. Kulang nung panahon ko ng mga ganung mensahe. Yun ang napansin ko.
CELINA: The concept of play na it’s not separate from learning. The design we did, talagang it was promoting play. Play as the occupation or job of children and it’s their right also. JPaul, ikaw?
JPAUL: Nag-agree din ako dun, kasi naalala ko dati, puro ka laro. Mag-aral ka na lang or review. Parang naconscious na ako nung bata na may natutunan ako sa pagvivideo games ko. Yung kaibahan nung sa pagpapalaki, ito feeling ko maraming magulang tsaka baka maraming dating bata na makaka-relate dito, patungkol nga sa positive discipline, kasi talagang common yung corporal punishment dati. Kapag may ginawa kang mali o naglikot ka. Ako di ako nakatakas sa mga lumilipad na tsinelas, palu- palo, sinturon. Dito nga sa ginawa nating project sinasabi natin na ang bata, nakakausap siya, nakakaintindi. Pwede naman natin silang kausapin at ipaunawa kung ano ang ginawa nilang mali. Kung hindi man nila maintindihan kung ano ang ginawa nilang mali, kaya nating ipaunawa kung ano ang gusto nating gawin nila, ano ang expected behavior. At hindi natin kailangan pagresult sa pananakit hindi lang physical pero yung pagsigaw, pagthreaten, paninindak. Although growing up medyo nakakarelate din ako, lalo na nung mga teenager na ako na baka madali kasi para sa kanila. Baka nung lumalaki sila, wala silang ibang model, walang nagsabi sa kanila na pwedeng kausapin mo lang yung anak mo. Acceptable kasi yung kumare ko, namamalo rin. Pero ngayon, nagbabago na rin, same with gender, how we look at play. Nagbabago decades na rin e. Masaya.
CELINA: Madaming memes dyan e, batang 80s o 90s ka, kung alam mo kung alin dito ang pinakamasakit. May objects sa picture- ruler, tsinelas, hanger, sinturon, pero minsan may patpat e, stick level. Kapag nakikita ko iyon, tawang- tawa lang din ako kasi hindi ako nalalayo sa’yo, JPaul, sa experience na yan na nahataw na rin ako ng tsinelas. Alam ko na yan as a child, minsan nautakan ko narin naglalagay ako ng kutson kapag alam mong may paparating ng palo. Right now natatawa ako e. I remember how we talked about the negative effects. When we talked to parents right now bakit parin sila namamalo or why they use corporal punishment, a lot of them actually say na kasi ganyan kami pinalaki. Or ginagawa rin ito ni person. With that argument na kasi okay naman ako. Dati pinapalo “din ako ng magulang ko tas lumaki naman akong okay. In reality, in our design, we talked about that, andami niyang manifestation sa emotional at social development ng isang bata. These things really manifest later on in adulthood. Makikita mo how there can be mistrust, mababang self esteem, kawalan ng self confidence, poor social skills. All these things in adulthood, dun sila nagsho-show.
Sobrang fresh, sabihin natin a few days ago lang, an adult in the family, meron akong pamangkin na mag1 year old pa lang siya, di pa siya nagsasalita, nagti-teeth siya ngayon, so kinakain niya lahat ng bagay. Meron siyang libro na kapag binasa mo, lumalabas yung kulay. Narealize namin ng mama niya, ng kapatid ko na hindi naman iyon ang intention na kagatin yung buong libro para magkakulay. Syempre panligo yung libro na yun. Para makapagbasa basa siya, kunwari habang naliligo yung bata. Tas nagcomment yung adult sa family namin na bakit kailangan ng libro, hindi naman siya marunong magbasa, wala pa ngang 1, di pa nagsasalita yung bata, di naman nakakaintindi ‘yun. Imagine nasa kasagsagan tayo ng pagsusulat tapos narinig ko yun. Is this a moment to bring out [inaudible]. Nagkaron ako to acknowledge na marami naman talagang bagay na hindi mo talaga siya mauunlearn nang biglaan. Unti unti, even with introducing these mindset, messages na a lot more progressive than what we’re used to. Di siya kayang biglain. I'm just lucky to find myself in those teachable moments with my own family. Now na ang konteksto ko ay hindi lang ako basta preschool teacher, I'm also a tita, we have a baby in the family. Having to write these modules and content was a gift talaga.
CELINA: Alam ko na tayong lahat, it seems like marami tayong natutunan dito, not just design skills but also knowledge, new concepts or updated information about parents, families, homes or child rearing in general. Magkakaroon tayo ng onting game ngayon- trivia time! Alam niyo ba na…
JPAUL: Alam niyo ba na mahalagang alagaan ng caregiver o magulang ang kanyang sarili? Take care of yourself first before you take care of others.
MITZI: Alam niyo na na kahit yung simpleng pagyakap mo lang sa iyong anak ay isang ehersisyo o paglalaro rin? Kung paano nyo alagaan din ang sarili niyo at inyong anak.
LACEY: Alam niyo ba na kahit less than one year old pa lang ang inyong anak ay pwede niyo na siyang paglaruin? At hindi naman kailangan gumamit ng mga bagay na nabibili agad sa mga department store. As in kahit yung mga ulap lang, pagtingin sa kalikasan o kaya yung simpleng paghaplos sa kanyang daliri ay isang form na ng paglalaro.
JPAUL: Alam niyo ba na hindi kailangang maging magastos ang pagkakaron ng laruan? Mga kaldero sa bahay pwedeng gawing tambol. Mga malinis na tela pwedeng laruin ng bata. Basta malinis at walang matutulis. Rattle o shaker, mga bato lang yan sa loob ng bote na gamit na. Di kailangan gumastos, kailangan lang maging creative.
CELINA: Alam niyo ba na ang mga usaping pag-aalaga sa bata ay hindi lang natin dapat binababa sa mga magulang. Ang narealize ko dito sa design na ito na it’s for families. Lalo na sa Filipino families, it’s a very common practice na may extended families living with us at home. It’s not enough to just talk to the parents of the child. Talagang pati yung other caregivers- ate, kuya, lolo, lola, tito, tita, o kapitbahay. Talagang it’s about educating the entire family, not just moms or parents.
LACEY: Alam niyo ba na kasali sa pagbibigay pagmamahal at pagaalaga sa mga bata ang pagbibigay ng sapat na pagkain? Bilang mahilig din akong kumain as in, kailangan pinapalano din ang pagkain para sa kanila para swak ang nutrition.
MITZI: Alam niyo ba na matalino din ang mga bata? kahiit 0 to 3, 0 to 6. Wag niyong maliitin ang kanilang pagiging musmos. Mayroon silang likas na kakayahan para maging bukas sa mga experiences.
JPAUL: Actually yung mga musmos na bata, may angkin silang talino. Kanina nabanggit ni Celina na nagturo siya ng bata, 1 year old at bilang may background sa ECCD. Paano nakatulong yung background mo dito sa project?
CELINA: In my undergrad in UP, talagang very progressive yung orientation. Dun ako nag-aral at nagpractice maging teacher. Coincidentally, dun din ako nag-aral as a child. I really grew up with those mindsets na play is what children should be doing. Sa totoo lang, when we started designing for this project, which was extremely progressive, it had these messages of gender fairness, positive discipline, it honestly came naturally to me. If you remember, when we were asked to design that entire collection of play activities that they can do at home, I would say na 95% of that came from my head. Naisip ko lang talaga sila na okay how would I want a child to play- ito, ganito. Even with that extra challenge na wala tayong gagamitin halos na materials, we try to do it in the most natural way possible, walang laruan na bibilhin, it really came naturally to me. Kasi sobrang advocate din ako nitong play- based learning.
JPAUL: Anong ibig sabihin nun, Celina? Nung nagtuturo ka, ginamit mo yung mga laro at activities na ginagawa mo before para sa project? Or parang naging inspiration lang sila para sa mga activities and play na nilagay mo dito sa project natin?
CELINA: Parang combination siya. Some of those, I’ve done with my own students pero kasi di ba yung context nga nito sa bahay siya ginagawa. Yung sa dati sa’kin, it was in the school context. I gues,s naging inspiration yung mga dating pinaggagawa ko sa mga estudyante ko. But now having to transform that into how would these happen at home, how do I communicate it to a parent nang hindi niya naisip na bakit teacher ba ako ng anak ko? Which is also true. Pero how do you communicate it in the most non-intimidating way.
The second part din nun, honestly, there were things that I did as a young teacher na I’m not proud of. Parang nakakatakot yung sinabi kong yun. Kailangan ko ata klaruhin. Perfect example, merong binibigay na ready lesson sometimes sa’min. One of the lessons, this was a class of 5 or 6 years old ito, we were teaching gender- girls, boys, one of the activities asked of us was to do a venn diagram. Here are pictures of toys, which one are for girls, which ones are for boys and which ones can be played by both. Imagine the activity was to classify these things. I did it nang wala lang. Pinagawa ko siya sa kids ko, back then how many years ago. But now, as we were doing this design and we are talking about gender fairness and how toys are not gendered, nagki-cringe talaga ako. I was one of these poople na nagpopromote ng paglalgay ng gender bias sa mga toys at sa paglalaro. Itong work natin na ito, this actually became a venue for me to correct my own mistakes also and misconceptions as an early childhood professional. It’s a continuous journey. Yung pagiging progresibo, hindi mo lang siya sasabihin. You live it, it just comes out naturally. This design work was a space to do that-to think more progressively and encourage others to do the same.
I was gonna ask you, JPaul, if ako early childhood background yung hugot ko, you are the sole tatay or pamilyado dito sa group, how was that for you? How did it help you in designing? Being a dad.
JPAUL: Marami ako actually naka-relate- ito yung mga nababasa ko dati sa internet nung nagreresearch ako bago ako maging tatay. Yung pedia ng anak ko, ito rin yung binabanggit sa amin, but more on sa health, hindi sa play. Nakatulong yun na I think I know a little bit more about it. Pero sa pagiging tatay specifically, nakarelate ako dun sa worries, kasi inaanticipate natin na although alam naman natin na baka puro nanay o babaeng caregivers lang ang umattend dito, hindi natin maiiwasan na meron talagang mga tatay, kuya o tito na magiging participant ng dinesign natin, at iyon ang isang task natin- paano natin [inaudible] na inclusive tayo, na hindi sila mahihiya. Nagreflect din ako, ako bilang tatay dati, ano yung mga bagay na medyo nagaalangan ako. Medyo progressive naman ako dati pero kaya medyo kaialangan magdig deeper. Ano yung meron akong slight discomfort dati. Kunwari karga ko yung anak ko, or yung baby ko in public. Or ako lang yung pupunta sa clinic mag-isa kasi yung asawa ko hindi available. Paano iko-communicate na alam niyo, okay lang. Alam niyo, maganda yang ganyang practice at hindi yan dapat ikahiya. Yung nakatulong din sakin ay yung encouraging other dads to do the same or kapag may ibang tatay na alam mo, hindi ka nagiisa. Kami, ginagawa rin yan. Hindi ka alone. Baka outlier ako? Supported ako ng ibang mga tatay din. Kapag nagpapacheck up, nakita ko sa waiting room na marami ring tatay lang, or tatay and nanay.
CELINA: Lace, I remember among us, you were one of those who had more experience in the field, in terms of getting to talk to service providers, themselves, and getting to meet some parents when our design was being tested a few months ago. You actually saw some of the users and their babies. How was that? How did that [inaudible]
LACEY: Sobrang nakita ko yung engagement nila in relation with the activities na nakalagay sa ating design. Talagang maganda na ang ginagawa nila, kasama ang mga anak nila, as in demo talaga with the parents, ang maganda dito may initial feedback kasi from the caregivers and the parents na “nagagawa na ng anak ko!”. Right there and then may trial talaga tapos naeexpress nila na ah pwede nga pala na ganito lang kasimple ang paglalaro sa bata, walang kailangan masyadong kagamitan na mamahalin. Nakapagusap naman ako with a daycare center teacher, dun ko nakita kung paano nga natin ginawa na mas accessible at mas understandable para sa kanila. Bilang day care center teacher, andami pala nilang ginagawa. Syempre di lang naman puro pagpeprepare ng lesson. Sila parin ang gumagawa ng feeding, yung mga iba pang stuff para sa center nila. Bumabalik tayo sa intentionality, paano magiging mas magaan para sa kanila ang pagbabasa ng mga materials na nabuo, para maexecute nila nang mas madali pero at the same time may laman at may puso para dun sa mga magulang at mga bata.
CELINA: Kanina binahagi ko yung sa’kin was about my early childhood background and how from being a teacher, how that kind of helped with this design. JPaul showed the lens of being a tatay and empathizing with fathers in terms of maybe misconceptions and also anxieties when it comes to child rearing. Lacey talked to us about how seeing the users, talking to whether parents, families, child, development workers, how that actually influenced the way she was designing. Now I want to zoom in on Mitzi’s illustrator self sa design work natin. When we are talking about learning experience design, we know that a lot of the learning experiences that we design these days are literal na experience. It happens once then we hope na sana nakuha nila as much as they could have gotten in that one time experience. But this particular design is a little different because it is in a form of a material, very concrete. We know na we design this to be passed on from one community to another. For you as a designer in that sense, how different or what made this material development project special?
MITZI: Siguro ang pinaghuhugutan ko ngayon ay ang illustrator- komikera side ko kasi sa totoo lang, sobrang anlaking bagay sa learning ng isang tao, lalo na sa mga bata, angi illustration,s visual stories. And yun ang tinry kong gawin at ibahagi sa design sa project na ito. Iba yung sa workshop and how you share through facilitating. Iba rin ang paglilika using drawings, visuals, modules etc. For me, mas magkakaron ng full circle yung experience na ito kasi may tangible thing, may nahahawakan ka, concrete example ka of what proper raising a kids look like or how these topics of taking care of your child looks like. Parang may baon yung parents and caregivers when we create these kinds of tools. Definitely, visual illustrations and proper designing, layouting these materials really enhance these experiences for them. That’s why I am really proud of my work, as well as the team in accomplishing this feat. Nakakaproud lang talaga.
JPAUL: Nakaka-proud.
LACEY: Dahil magagaling tayo.
ALL: Magagaling tayo!
CELINA: Na-realize natin, bukod sa magaling tayo, honestly, magagaling kasi yung mga bata, magagaling yung mga magulang, mga pamilya. If you give them the chance to learn what we learned. Everyone is really good and can really help out in bringing up good children.
At this point, maraming salamat, guys. I feel different actually, that was a closed project, five months- we were in it. I was happy to journey, what a journey it has been. Maraming salamat, thank you for sharing also your stories in this episode about designing for families and homes.
CELINA: At this point we're gonna do a check out. Tulad kanina nagcheck in tayo. Ang check out naman natin ngayon ay fill in the blank. Thinking about how that entire conversation made us realize how progressive, sobrang pasulong ang mga kaisipan, mga mensahe na nabuo dito sa pagdidisenyo natin ng project na ito, and we were designing it for Filipino families. If we do more of this kind of design, we can see Filipino families that are ______.
MITZI: Filipino families that are well-rounded.
LACEY: Filipino families that are empowered.
JPAUL: Filipino families that are loving and caring.
CELINA: Filipino families that are learning.
[Habi Hour Outro]