Ito ang LCV na aming pinakagustong iparinig sa inyo dahil ang isa sa mga mahalagang bagay para makisama sa kapwa ay ang pagiging mahabagin. Ang dahilan dyan ay simple dahil doon mo maipapakita ang iyong respeto sa ibang kultura. Nararapat na tayo ay mahabagin at nagpapakita ng damdamin sa kapwa upang makuha rin ang kanilang pagrespeto sa’tin. “Respetuhin mo ang iba, kung gusto mo ng respeto mula sa kanila.”
Ang mga tao sa ating mundo ngayon ay kadalasang mapanghusga ng mga bagay na ginagawa ng mga taga-ibang lugar—hindi dapat ganito. Ang LLIM na aming pinili ay ang ugali na dapat nating ginagawa. Dapat lang na intindihin muna natin ang iba sa kanilang mga katangian at alamin natin ang kanilang mga paniniwala. Ito ay para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Dapat alam natin kung paano umintindi, lalo na’t ayan ang magiging susi sa pag-intindi rin ng kapwa sa atin.