PAPURI AT PASASALAMAT SA MGA PINOY NA NAGTATRABAHO SA IBANG PASUGUAN SA VIENNA SA IDINAOS NA ALMUSAL NG PASUGUAN NG PILIPINAS
PAPURI AT PASASALAMAT SA MGA PINOY NA NAGTATRABAHO SA IBANG PASUGUAN SA VIENNA SA IDINAOS NA ALMUSAL NG PASUGUAN NG PILIPINAS
FILIPINOS WORKING IN FOREIGN DIPLOMATIC MISSIONS RECOGNIZED IN EMBASSY-HOSTED BREAKFAST
Ika-17 ng Agosto 2025, Vienna - Inulanan ng papuri at pasasalamat ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga pasuguan ng ibang bansa sa Vienna sa isang pagtitipon sa tirahan ng Sugo ng Pilipinas. Ito ang ikalawang taon na idinaos ang almusal bilang pagkilala sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga dayuhang diplomatikong misyon.
Pinuri ng Pasuguan ng Pilipinas ang kagalingan at propesyonalismo ng mga Pilipino na ipinagpupugay ng mga pinuno ng iba’t-ibang pasuguan kung saan sila nagtatrabaho.
Ayon kay Emb. Evangelina A. Bernas, ang kanilang natatanging serbisyo, kalinangan, at integridad ang dahilan ng mabangong reputasyon ng mga Pilipino sa komunidad ng mga diplomatiko sa Vienna.
Ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pasasalamat sa pagkakataong magsama-sama at magbahagi ng karanasan sa kapwa nilang nasa parehong larangan.
17 August 2025, Vienna - The Philippine Embassy in Vienna lauded the world-class service and professionalism of Filipinos working in foreign diplomatic missions and households during a breakfast held at the Philippine Ambassador’s residence.
Filipinos have become indispensable members of diplomatic missions and households in Vienna, ensuring the seamless functioning of residences and chanceries.
Ambassador Evangelina A. Bernas said that their exceptional service, creativity, and integrity have raised the reputation of Filipinos in the diplomatic community in Vienna.
This is the second year the Philippine Embassy in Vienna hosted such a breakfast to honor Filipinos working in diplomatic missions. The Filipinos expressed appreciation for the opportunity to get together and exchange experiences with fellow countrymen who are in the same line of work.