DepED News and Updates
BASAHIN: Department of Education, unti-unting ibabalik ang bakasyon sa buwan ng Abril at Mayo, isasaayos ang mga aktibidad ng Taon-Panuruan 2023-2024.
Ayon sa DepEd Order No. 03, s. 2024, inilipat ng DepEd ang pagtatapos ng Taon-Panuruan 2023-2024 sa Mayo 31,2024 at ang bakasyon ay magsisimula sa ika-1 araw ng Hunyo 2024 hanggang ika-26 ng Hulyo 2024. Ito ay upang maiwasan ang pagkagambala ng mga araw ng klase dulot ng iba't-ibang hindi inaasahan na pagkakataon. Dahil dito, ang ikaapat na kuwarter na pagsusulit ay isasagawa sa Mayo 16-17, 2024 upang maisagawa ang EOSY rites mula Mayo 29-31, 2024.
Ang Taon-Panuruan 2024-2025 ay magsisimula sa ika-29 ng Hulyo 2024 at magtatapos sa ika-16 ng Mayo 2025.
Source: https://www.deped.gov.ph/2024/02/20/deped-to-gradually-shift-back-to-april-may-break-adjusts-sy-2023-2024-activities/
#DepEdPhilippines #DepEdTayo #HandangIsip #HandaBukas #SulongEdukalidad
BASAHIN: Pagpapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon sa Catch-up Fridays.
Ang Catch-Up Fridays ay isang paraan ng DepEd upang mas mapagtibay ang kalidad ng edukasyon partikular sa pagbabasa pag-unawa sa binasa. Ito ay binubuo ng NRP (National Reading Program), Values Education, Peace Education at Health. Ayon sa Deped Memo 001 s. 2024, ang pagtatag ng Catch-Up Fridays ay magsisimula sa ika-12 ng Enero 2024 at ipagpapatuloy tuwing araw ng Biyernes sa paaralang elementarya at sekondarya ng buong Pilipinas.
#DepEdPhilippines #DepEdTayo #HandangIsip #HandaBukas #SulongEdukalidad
SDO-QC News and Updates
DR. CARLEEN S. SEDILLA, CESO V
MABUHAY! Superintendent Dr. Carleen S. Sedilla, the new superintendent of SDO Quezon City.
PBHS Update