Batang GES, Batang Wagi!
Ni Ericka Miranda
Ipinakita ng mga batang manunulat mula sa Paaralang Elementarya ng Goodwill ang talento at angking husay sa larangan ng pagguhit at pagsulat matapos mag-uwi ng mga parangal sa nagdaang District V Schools Press Conference na naganap sa Lagro Elementary School noong ika-2 at 3 ng Disyembre 2023.
Labis ang tuwa nang mapagtagumpayan at maiuwi ang parangal na sertipiko at medalyang bunga ng pagsisikap nina Louise Jhilean C. Decerez bilang 3rd Placer sa Feature Writing, Caspian Kiel G. Baluyot bilang 5th Placer kasama ni Kirsten Jairah G. Pascual bilang 7th Placer sa Editorial Cartooning, Miguel Jocas M. Marquez bilang 3rd Placer at Clarissa Joy D. Tolentino bilang 4th Placer sa Paglalarawang Tudling, Kayezel Nadine M. Labanan bilang 6th Placer sa Mobile Journalism at Clowie O. Sumooc bilang 7th Placer sa Pagsulat ng Pangulong Tudling.
Lumahok din sa nasabing patimpalak sina Margarette Ayesha Barrion sa Pagsulat ng Lathalain, Sarina Fiona Rey sa Editorial Writing, Mawi Fressa T. Galgana sa Photojournalism, Quesha Sapo-an sa News Writing, at ang inyong linkod, Ericka Miranda sa Pagsulat ng Balita.
Nakasama ng Paaralang Elementarya ng Goodwill ang humigit kumulang sa 20 paaralan na kinabibilangan ng iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan na matatagpuan sa ikalimang distrito ng Lungsod Quezon.
Magpapatuloy na ang tiyaga at pagpupursige ang mananaig sa puso ng bawat campus journalist ng Paaralang Elementarya ng Goodwill. Padayon!