Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumamit ng talinghaga o di-karaniwang salita upang bigyan diin ang saloobin ng naghahayag. Gumagamit din ito ng mga di-literal na pananalita upang maging mabisa ang ibig sabihin ng pahayag.
Ang matalinghagang wika ay wika na gumagamit ng tayutay. Tinatawag din ang tayutay bilang patalinghagang pahayag.
MGA HALIMBAWA:
Bigla na lamang siyang nawala tulad ng isang ninja.
Tila isang anghel ang kanyang mukha.
MGA HALIMBAWA:
Isang halimaw ang nag-abuso sa iyo.
Tigre kung magalit ang lalaking iyon.
MGA HALIMBAWA:
Nilamon ng daluyong ang mga kabahayan.
Kumakaway ang mga dahon sa akin tuwing umaga.
MGA HALIMBAWA:
Kumukulo ang dugo niya sa batang iyon.
Aabutin ko ang buwan at langit mapunta ka lang sa akin.
MGA HALIMBAWA:
O Pag-ibig, ikaw sana ang makapiling sa tuwina.
Mahabaging langit tulungan mo ako sa aking suliranin.