Ang edukasyon ay isang kayamanan. Karapatan ng bawat batana maipagkaloob sa kanila ng bawat magulang kung kayat isang biyaya ng Diyos ang nayon ng Zamora nanagkaroon ng paaralan.
Noong 1960, ang nayon ng Zamora ay nagkaroon ng dalawang (2) silid-aralan na binubuo ng may apat na baitang, dalawang guro ang nagtuturo tinatawag itong “ Multi-grade Classes”.
Ang lupang kinatatayuan ng dalawang silid-aralan ay hindi pagmamay-ari ng pamahalaan. Pagmamay-ari ito ni Atty. Teopilo Abejo.
Taong 1960, sa buwan ng Hunyo unang nagsimula ang klase. Sina Gng. Marciana Inot, Gng. Flordeliza Antonio, Gng. Rubio at Gng. Macarasig ang mga guro. Kauna-unahang naging PTA president si G. Donato Villaflores, dating pinangasiwaan ito ni G. Casa Punong Guro ng Meycauayan West Central School, Gng. Bartolome bilang Tagamasid Pampurok.
Ang pagkakatatag ng paaralang ito ay nasakapanahunan ni Kapitan Prudencio Talusig bilang Punong Barangay at Celso Legaspi tubong Liputan bilang isanga lkalde ng Meycauayan.
Sa paglipas ng panahon, nadagdagan ng tatlong (3) silid-aralan na tinatawag naman itong Marcos Type. Naging kumpleto na ang silid-aralan para sa apat na Baitang (Baitang 1-Baitang 4).
Noong 1988, hiniling ng Tagamasid Pampurok na isara na ang paaralan sapagkat kaunti lamang ang mga mag-aaral. Sa tulong ni Gng. Estela Manalese bilang pangulo ng PTA, lumapit siya kay G. Roberto Alcaraz isang Market Master at G. Remegio Morte kawani ng munisipyo na huwag isara ang paaralan sa halip namigay sila ng mga school supplies, pinapakain nila ang mga bata ng almusal.
Taong 2009, nagkaroon na ng baitang Lima (5) bilang katugunan at katuparan sa ipinasang resolusyon ng barangay sa Kagawaran ng Edukasyon na makumpleto na ang elementarya ng Zamora. Noong 2007, si Bb. Chona Natividad ang guro ng ika-limang baitang. Si Gng. Janet Ignacio ang Tagamasid Pampurok.
Nakalipas ang ilang taon, 2012 nagkaroon na ng baitang 6 kung kaya nahiwalay na sa Meycauayan West Central School. Una itong pinamunuan ni G. Christeo L. Ibanez na inihatid noong Setyembre 4, 2012 bilang Gurong Namamahala. Si Dr. Aurea F. Lajom ang Tagamasid Pampurok.
Higit na dumami ang mga mag-aaral kung kayat tulong-tulong ang mga guro, PTA officers, Barangay officials, na magkaroon ulit ng matibay at maayos na gusali.
Taong 2015, na itayo ang two (2) storey na gusali na may anim (6) nasiid-aralan, biyaya ito na bigay ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Meycauayan. Pinasinayaan ito noong Marso 18, 2016.