August 15, 2023
ANG PAGBUBUKAS NG BRIGADA ESKWELA 2023 SA MATAAS NA PAARALAN NG STA. BARBARA

“Bayanihan para sa Matatag na Paaralan!”

Maraming salamat po sa mga mag-aaral, magulang, at panauhing nakiisa sa masayang parada at makabuluhang programa para sa unang araw ng ating Brigada Eskwela.

#DepEdTayoSBHS

#SBHSBrigadaEskwela

October 22, 2022

Pinasasalamatan ang mga tao sa likod ng matagumpay na ZUMBA FOR A CAUSE ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara, Punongguro, Ulong Guro/OIC, mga guro at ang Samahan ng mga Magulang at Kaguruan ng paaralan:

Pangulo: Gng. Rosalina A. Arceo

Pangalawang Pangulo: Gng. Ester C. Pascual

Kalihim: Bb. Marilen D. Pascual

Ingat-Yaman: Gng. Shine R. Eballar

Tagasuri: Gng. Ida C. Adriano

PIO: Gng. Evelyn C. Roaring

Miyembro ng Lupon mula sa Baitang Pito:

Gng. Liezel Jane T. Mancia

Gng. Marietta Urbano

Gng. Jannet S. Almero

Gng. Nicca D. Tomas

Miyembro ng Lupon mula sa Baitang 8:

Gng. Marites B. Victorino

Gng. Ludy Ann M. Diocares

Gng. Mylene R. Sales

Gng. Armelyn C. Republica

Makaaasa ang lahat sa patuloy na pagpapatibay ng samahan ng PTA sa pagsasakatuparan ng hangarin nitong mas mapaunlad ang Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara.

#DepEdTayoSBHS

#SBHSZumbaforaCause

September 9, 2022

Matagumpay na naisagawa ng Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara ang eleksyon ng Supreme Student Government (SSG) School Year 2022-2023 ngayon araw, ika-9 ng Setyembre sa ganap na ika-10 ng umaga sa school ground ng paaralan.

Binilang ang mga boto sa ganap na ika-2 ng hapon sa harap ng mga mag-aaral at buong pamunuan ng paaralan upang ang lahat ay makasaksi sa malinis at tapat na eleksyon sa pangunguna ni Bb. Lariza Limon, SBHS SSG Adviser.

Inaasahan ng lahat na ang makakakuha ng posisyon bilang SSG Officers ay buong pusong tutupad sa kanilang gampanin at tungkulin bilang mga pinuno at magsisilbing boses ng bawat mag-aaral sa lalo pa nilang ikauunlad sa paaralan.

#DepEdTayoSBHS

September 8, 2022
Nakiisa ang Mataas na Paaralan ng Sta. Barbara sa 3rd National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na pinangunahan ng mga guro ngayong ika-8 ng Setyembre taong kasalukuyan sa ganap na ika-9 ng umaga.

Sa pagtunog ng alarma ay makikita sa mga larawan na isinagawa ng mga mag-aaral ang Basic Earthquake Drill na Duck, Cover, and Hold.

Bago magtapos ang nasabing drill ay nagsagawa ng maikli ngunit makabuluhang oryentasyon ang OIC ng paaralan na si Gng. Divina B. Santos, Ulong Guro III hinggil sa kahalagahan ng pagsasagawa ng Earthquake Drill at ilang mga paalala upang patuloy na maging alerto, handa at ligtas ang lahat sa anumang banta at sakuna.