MGA ALITUNTUNIN NG PAARALAN

Taong Panuruan 2021-2022

1. Ang mga mag-aaral, guro, magulang at kawani ay nararapat na alam ang mga batas at alituntunin ng paaralan.

2. Para sa lahat ng mga papasok sa loob ng paaralan:

a. Isuoat ang facemask/face shield sa pagpasok sa paaralan dahil sa pagpapatupad ng No Facemask, No entry rule.

b. Sa pagpasok sa tarangkahan ng paaralan, dapat at tumapak o isawsaw ang suot na sapatos/tsinelas sa footbath upang mahugasan o ma-disinfect ito.

c. Hayaang makuhananng temperature ng guwardiya gamit ang thermal scanner ang sinumang papasok upang maitala sa logbook.

d. Mag-alcohol o maghugas ng kamay sa pinakamalapit na pasilidad.

e. Palagiaang i-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan.

f. Ang mga panauhin ay dapat magtala ng pangalan at contact number sa logbook ng guwardiya upang mapanatili ang contract tracing.

g. Panatilihin ang Social/Physical Distancing.

3. Para sa mga mag-aaral:

a. Dapat igalang ng bawat mag-aaral ang mga tauhan ng paaralan gaya ng mga guro, punong-guro, tagamasid pampurok, janitor, canteen helper at maging kapwa mag-aaral.

b. Sa panahon ng face to face na klase, ang mga mag-aaral ay dapat nasa loob ng paaralan sa ganap na ika-7:00 ng umaga bago magsimula ang pang-umagang Gawain.

c. Nararapat na isagawa ng taimtim at maayos ang pag-awit ng Lupang Hinirang, Panalangin, Panunumpa ng Katapatan at iba pang Gawain sa Flag Ceremony. Ang lahat ay dapat huminto sa paglakad at tumindig nang maayos sa lugar na kanilang kinatatayuan lalo na kapag inaawit ang Lupang Hinirang.

d. Sa oras na makapasok na ng paaralan, ang mga mag-aaral ay hindi na maaring lumabas maliban sa hindi inaasahang kadahilanan.

e. Ang mga mag-aaral ay dapat nasa silid-aralan sa oras ng klase.

f. Ang mga mag-aaral ay inaasahang maging tahimik kahit na sa labas ng silid-aralannlalo na kung ang iba ay nagkaklase na.

g. Sa oras ng recess kailangang nakapila nang maayos at tahimik patungo sa kantina at pabalik sa silid-aralan kasama ng kanilang guro. Ang mga basura ng pinagkainan ay dapat itapon sa tamang basurahan.

h. Manatili sa loob ng silid-aralan pagkatapos kumain sa recess.

i. Hindi pinahihingtulutan ang paglalaro sa silid-aralano sa loob ng paaralan, maliban kung may pahintulot ng guro.

j. Ang mga mag-aaral na lumiban sa klase ay kailangang magpakita ng liham na may lagda ng magulang na nagsasaad ng dahilan ng pagliban at mga araw ng pagliban. Ito ay kanyang ipababasa at palalagdaan sa kanyang guro.

k. Ang mga mag-aaral ay dapat gumawa ng mga pang-araw-araw na gawaing itinakda ng guro, making nang mabuti sa guro, at magpasa ng proyekto sa itinakdang panahon .

l. Ang paninira at pagdudumi ng mga gamit ng paaralan gaya ng pagsulat sa pader ay mahigpit na ipinagbabawal.

m. Ingatan ang mga aklat upang magamit pa nanag maayos sa susunod na pasukan. Iwasan ang pagsusulat, pagtutupi ng mga pahina at pagdudumi sa mga ito.

n. Maging maingat sa mga sariling kagamitan. Ang pgdadala ng mga mahahalagang gamit gaya ng sobrang salapi, alahas, camera, cellphone, at iba pa ay mahigpit na ipinagbabawal upang maiwasan ang pagkawala o pagkasira ng mga ito.

o. Sa oras ng pagpasok, ang mga mag-aaral ay hanggang sa gate lamang ihahatid.

p. Sa oras ng uwian, ang mga mag-aaral ay dapat nakapila nang maayos at tahimik patungo at paglabas ng gate ng paaralan.

q. Dapat panatilihin ng mga mag-aaral ang kalinisan, kaayusan, kagandahan at katahimikan sa loob at labas ng silid-aralan may guro man o wala.

Ang mga magulang o guardian ng mga mag-aaral lalo na sa Kindergarten ay pinahihintulutan lamang manatili o magbantay sa loob ng paaralan sa unang lingo lamang ng unang buwan ng pasukan.

Ang mga susundo sa mga mag-aaral ay kinakailangang maghintay lamang sa gate ng paaralan upang maiwasan ang pagkagambala ng klase.

BERNARDITA F. BAUTISTA

Punong Guro I