Download new SMEA Template
Hindi kinakailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan para sa enrollment ngayong taon. Upang patuloy na mapairal ang Social Distancing at ang health standard na rekomendasyon ng DOH at IATF, ipatutupad ng Kagarawan ang Remote Enrollment.
Para sa mga Grade 1-12 na mag-aaral: Ang mga magulang ng mga papasok na Grade 1 to 12 learners ay tatawagan ng kanilang adviser mula sa nagdaang taon para sa 'remote' enrollment. Gayunpaman, maaari ring ang magulang o taga-pangalaga ang tatawag o kokontak sa adviser, sa pamamagitan ng mga numerong nilaan ng paaralan para sa enrollment procedures.
Para sa mga papasok ng kindergarten: Maaaring makipag-ugnayan ang magulang ng mga papasok ng kindergarten sa kanilang napiling paaralan para sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga nilaang numero o bumisita sa website ng paaralan para sa kanilang enrollment procedures.
Para sa mga lilipat na mag-aaral: Maaaring direktang makipag-ugnayan ang magulang ng lilipat na mag-aaral sa eskwelahang nais lipatan gamit ang mga contact details ng paaralang lilipatan.
Para sa mga Balik-Aral enrollees: Tulad ng mga transferees, maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga Balik-Aral enrollees sa eskwelahang napiling lipatan. Ang lilipatang eskwelahan ay ang siyang magtatala ng kanilang impormasyon at datos.
Para sa mga ALS enrollees: Maaaring mag-enroll ang mga mag-aaral sa ilalim ng ALS program sa pamamagitan ng pakikipagugnayan online o pisikal sa paaralan o sa mga barangay na mayroong Community Learning Centers (CLCs). ALS Form 2 (Annex B) ang gagamitin dito batay sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaari itong ma-access online at mayroon ding mga printed na kopya