Ilang kuha mula sa matagumpay na pagdiriwang ng Nagkakaisang Bansa 2022 (UNITED NATIONS 2022) ng mga paaralan sa SDO-San Juan City, ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa at ang pagtutulungan ng mga bansang kasapi. 

Sa kabila ng pandemic na nararanasan, hindi matatawaran ang suporta at paggabay ng lahat ng  mga guro at magulang. Patunay lamang na walang pandemiya ang makahahadlang upang maisakatuparan ang anomang magandang kaganapan para sa pagkatuto ng bawat mag-aaral. 

Nagkaroon ng parada  ng mga iba't ibang kasuotan at pagpapakita ng mga magagandang tanawin at kultura ng mga bansang kasapi sa ASEAN sa pamamagitan ng Wall of Nations na ipinagmalaki ng Paaaralang Elementarya ng Pedro Cruz, nasukat din ang galing at talino ng mga mag-aaral sa kasaysayan sa idinaos na Quiz Bee. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga SDO Personnel, at iba pang mga stakeholders ng mga paaralan. 

photo credit- Cha Ombac | Facebook                 O.D.C

Masaya ang naging Mini Lakbay-Aral 2022 ng Salapan Elementary School sa Museo El Deposito at Museo ng Katipunan noong Oktobre 19, 2022, dinaluhan ito ng mga batang nasa ika- anim na baitang sa pangunguna ng kanilang guro sa Araling Panlipunan na si Gng. Elizabeth P. Cariño. Layunin ng programang ito na maipakita at maipagmalaki ang mga Museo na makikita sa Lungsod. Madagdagan ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa mga mahahalagang impormasyon mula sa mga historians. Ang pagbisita  sa mga museo dito sa Lungsod  ng San Juan ay LIBRE lamang at bukas mula Martes hanggang Linggo.   

                               

photo credit- SALAPAN ELEMENTARY SCHOOL | Facebook                             O.D.C

"We are not makers of history, we are made by history"                                                                                     Martin Luther King Jr.