Baitang 3Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isa sa mga assignatura na isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon na linangin at paunlarin ang pagkakataong etikal ng bawat Pilipinong mag-aaral. Ito ay nakabatay sa Pilosopiyang Personalismo at sa Etika ng Kabutihang Asal. Lubhang mahalaga at kailangan ang asignaturang ito upang turuan at hubugin ang mga mag-aaral sa pagpapasya at pagkilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nagsisilbi itong gabay sa payapa at maunlad nilang pamumuhay.