San Vicente National High School - 316402 in Partnership with the Local Government Unit of Panabo City
Be a blessing...start caring...
Our Community Honesty Store for a Cause, SVNHS Cares: A blessing to others is now ready to serve you.
In this trying time, join and help us to raise funds to support our identified SVNHS students who are now in difficult circumstances. Let this simple project inspires us even in our own little way by extending and sharing a bit of our blessings. Be one of us as we spread kindness, transcend a message of hope and be a blessing to others amidst pandemic.
Thank you very much for our donors/sponsors. God bless you more for your generosity.
We are now ready to accept your donations in kinds. Just visit our store located at Ground floor, Panabo City hall building, Panabo City, Davao del Norte or you may visit to our San Vicente National High School website. For more information, just read the details below or contact these #09121838050 Nap Lopez Dawal Jr. - Project W.A.T.C.H. School Coordinator and #09153484298 Franz Mars- Brigada Eskwela School Coordinator.
Nasa 56 na kaguruan sa pangunguna ng gurong namamahala, Gng. Arlen A. Jumamoy kasama ang mga mag-aaral na opisyales ng Supreme Student Government (SSG) na pinangunahan ng kanilang pangulo, Paula H. Arriesgado na tumungo sa bukana ng barangay J.P. Laurel, Panabo City para magpunla ng mga mangroves, May 20, 2021.
Tinatayang nasa 560 miyapi (mangrove specie) wildings ang naitamin ng grupo na pinangasiwaan ng mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na sina G. Mario Pana at G. Recson Engalgado at sa pamumuno ng kanilang Department Head na si Engr. Felix Senajon. Samantala, sinigurado ng mga nag-organisa ng nasabing gawain na sina G. Benjie Solarte, SSG Adviser at G. Napoleon L. Dawal, Jr., SVNHS WATCH coordinator ang pangkalusugang kaligtasan ng bawat lumahok sa pamamagitan ng pagpapatupad sa mga nakatakdang IATF health safety protocols.
“Magpadayon tang mamahimong mapinanggaon sa atong kinaiyahan kay kini ang nagasustinir sa atong kinabuhi.” Ito ang hamon ni G. Pana sa mga nakilahok sa mangrove planting upang paalalahan ang bawat isa na huwag kaligtaang alagaan ang inang kalikasan na siyang bumubuhay sa sangkatauhan.
Inihayag din ni G. Solarte na layon ng gawaing ito na aksyunan ang panawagan lalong-lalo na para sa mga kabataan na mga tagapangalaga ng kalikasan para sa magandang kinabukasan. Naisakatuparan ng aktibidad na ito ang programa ng SSG ng SVNHS ang kanilang programa na “Kilos Kabataan para sa kalikasan: Mangrove planting activity.” Sa karagdagan, napaigting din ng kaguruan at lalong-lalo na ng SVNHS “We Advocate Time Consciousness and Honesty” o WATCH koordineytor na si G. Dawal ang pagbibigay ng agarang aksyon upang masolusyunan ang mga suliraning pangkapaligiran maging sa gitna ng pandemya.
Mahigit kumulang isang kilometro din ang nilakad na damuhan at putikan ng mga sumali sa mangrove planting. “Okay lang sa akin mapagod, sulit naman ang karanasan at gusto ko rin ang mga ganitong gawain, “pahayag ni Gng. Emeli P. Infiesto, Junior High School Academic Head.
Matapos ang isa at kalahating taon na pamamalagi sa Japan ni Ian Reggy B. Paring, guro ng Mataas na Paaralang Pambansa ng San Vicente, sinalubong siya ng kanyang mga kasamahan nitong Abril 19, 2021.
Matatandaang ipinagbunyi ng SVNHS nang makapasok si Paring bilang iskolar ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology (Monbukagakusho:MEXT) na kung saan sagot ng gobyerno ng Japan ang lahat ng gastusin na may kasama pang kaukulang alawans sa kanyang pag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad doon. September 23, 2019 nagsimula si Paring sa kanyang pagsusunog ng kilay sa nasabing bansa kasama ang iba pang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Inabot pa siya ng lockdown doon dahil sa pandemya na kung saan hindi naman daw naging suliranin ang pagkatuto habang pansamantalang nananatili sa kanilang dormitory dahil sa napaka-organisado na sistema ng kanilang edukasyon at makabagong teknolohiya na mayroon ang Japan.
Bilang pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya, lalong-lalo na sa Department of Education, hangad ni Paring na maibahagi ang kanyang mga natutunan maging ang kanyang mga karanasan na tiyak na makatutulong sa ating ahensya upang mas lalo pang mapahusay ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa larangan ng siyensya at pananaliksik. Bukod sa mga pang-akademikong kaalaman, nais din niyang ilahad ang nasaksihang mga epektibong gawain, kultura at pamamaraan sa sistema ng edukasyon sa Japan na maari nating pamarisan dito sa Pilipinas.
“Sa mga kapwa ko guro na nagnanais na madagdagan pa ang kanilang kaalaman at karanasan, makatutulong kung inyong lalawakan pa ang pag-iisip sa mga posibilidad na kayoý mahasa hindi lamang sa ating mga sariling bakuran, kundi maging sa iba pang parte ng ating daigdig. Subukang mag-aplay sa mga scholarships at manatiling nakapokus sa inyong mga mithiin. Kapag nandiyan ka na, gawin ang lahat na makakaya at tiyak na ipagkaloob saýo ng Diyos ang hangarin ng iyong puso.” Ito ang mensahe ni Paring upang himukin ang kanyang kapwa kaguruan na tahakin ang mga makabagong hamon sa larangan ng pagtuturo.
There is no fee in planting a tree. Let us make a move, plant more mangroves.
SVNHS SSG officers participated in PCSHS SSG's initiation of mangrove tree planting at Mangrove Area, J.P.Laurel, Panabo City, April 8, 2021. 300 seedlings of Miyapi specie mangrove were successfully planted with a heart . "Kilos Kabataan para sa Kalikasan"
April 9, 2021, Araw ng Kagitingan
"Do not ask what your country can do for you but rather ask what you can do to your country" John F. Kennedy
Isang simpleng pagpupugay sa kagitingan ng ating mga Bayani na nagbuwis buhay upang makamtan ang minimithing adhikain.
Sanib puwersa ang mga guro sa iba't ibang Departamento ng Mataas na paaralan ng San Vicente na pinangunahan ng mga Subject Koordineytor (Araling Panlipunan-Gng. Lilibeth Pereyra, ESP-Wene Cen Gng. Wenecen R. Caluban, English-@Ruby Rubs Gng. Ruby C. Montajes at Filipino-Gng. Sherly Pascua-Roluna) sa maikling handog na aming ibinahagi. Pagbasa ng Kuwento sa Filipino- G. Ronald Escuadro (Story Reader) at English - Elsie Inigo (Story Reader), libreng pamamahagi ng mga story books at meryenda. Galak at tuwa ang aming nasaksihan habang pinanood ang mga kabataan.
Lubos ang aming pasasalamat dahil ang adhikaing ito ay isang kolaborasyon ng Konseho ng Brgy. San Vicente, Panabo City na pinangunahan ng aming mahal na Kapitan Hon. Liza Dagalla Bucala . Gayundin. ang aming pasasalamat sa Purok Leaders Association Federated President G. Rene Boy Mayonoc at sa Purok Leader ng Purok 5 G. Roseller Bocayong at ang mga Unit Leaders nito sa koordinasyon na ibinahagi sa amin . Kami din ay nagpapasalamat sa mga kabataan na dumalo at ang kanilang mga magulang.
Nagpapasalamat din kami sa aming Punong Guro na si Gng. Arlen A. Jumamoy sa walang humpay na pagsuporta.
Official Photographer: Jeiter Arguelles