FILIPINO 7
ASYNCHRONOUS ALTERNATIVE LEARNING PLATFORM (PROJECT ALPA-G)
IKAAPAT NA MARKAHAN
ASYNCHRONOUS ALTERNATIVE LEARNING PLATFORM (PROJECT ALPA-G)
IKAAPAT NA MARKAHAN
I. Panimula (Mungkahing Oras: 15 minuto)
Ngayong ikaapat na markahan, pag-aaralan natin ang akdang Ibong Adarna. Ngunit upang mas maunawaan natin
ang akda, aalamin muna natin ang kasaysayan sa likod ng pagkakalikha nito.
Alam Ko Ba Ito?
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang katapat ng pangungusap kung alam mo na ang kasagutan sa nakasaad na tanong, smiley face (😃 ) naman kung may kaunti kang nalalaman tungkol dito, at tandang pananong (?) kung hindi pa alam ang kasagutan.
1.Saan nagmula ang akdang Ibong Adarna? _______________________________
2.Kailan at paano ito nakarating sa Pilipinas?________________________________
3.Bakit ito ipinalaganap sa ating bansa?____________________________________
4.Bakit ito tinangkilik ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol?____________________________________
5.Anong uri ito ng akdang pampanitikan? Ano-ano ang mga katangian nito?___________________________________
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Panuto: Basahin at unawain ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
(A)
Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa tulang romansa. Ito ay isang uring tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang mga maharlikang tao ang nagsisiganap. Ang tagpuan ay karaniwang sa isang kaharian sa Europa. Nagsimulang lumaganap ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media o Middle Ages at sinasabing nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mehiko noong ika-17 dantaon. Subalit noong 18 dantaon, lamang ito kinilala sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala ng imprenta at pagkatuto ng ating mga ninuno ng alpabetong Romano.
Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Bagamat hindi naitala kung sino ang nagsalin nito sa Wikang Filipino ay masasalamin dito ang pagiging malikhain ng manunulat. Patula ang paraan ng pagsasalaysay na dati nang ginagamit ng ating mga ninuno sa panitikang saling bibig.
Dalawa ang anyo ng tulang romansa- ang awit at korido. Ang salitang korido ay mula sa corrido ng Mehiko na hango naman sa Espanyol na occurido na nangangahulugang nangyari. Ang Ibong Adarna bilang isang korido ay nagtataglay ng sumusunod na katangian.
Ayon kay Trinidad H. Pardo de Tavera, ito ay kuwentong nasa berso ukol sa makasaysayang pangyayari, minali (falsified) at maguni-guni (fanciful); trahedyang pag-ibig, puno ng kahanga-hangang insidente, sinamahan ng banal at kagila-gilalas na pangyayari at kamahinawaring madyik.
Ang korido ay maaaring nakapasok sa Pilipinas noong 1600 sa pamamagitan nina Miguel Lopez de Legaspi. Naging tanyag ito noong ika- 19 siglo hanggang ika-20 siglo. Sa pagpasok ng modernong babasahin, humina ang katanyagan nito. Naobserbahan ang pagtanyag muli ng awit at korido sa huling bahagi ng siglo, na maaaring isang gawaing iskolar o bilang bahagi ng pagsusumikap ng mamamayan na matuklasan ang kanilang sarili bilang bansa.
a. May walong pantig sa bawat taludtod.
b. Inilalarawan ang mga tauhang may kapangyarihan o kakayahang gumawa ng mga kababalaghan.
c. Inilalarawan ang kagila-gilals na pakikipaglaban ng mga tauhan alang-alang sap ag-ibig.
d. Ang mga pakikipagsapalaran ay malayong mangyari sa totoong buhay.
Sanggunian: Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe, Roselyn Salum et.al
Katangian ng isang korido
• Mayroon itong walong (8) pantig sa bawat taludtod
• Isinulat upang basahin at hindi upang awitin.
• Binibigkas na may tiyempong mabilis o allegro dahil maiikli ang mga taludtod.
• Ang mga tauhan dito ay may kapangyarihan o kakayahang gumawa ng mga kababalaghan o supernatural.
• Inilalarawan ang mga kagila-gilalas na pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan alang-alang sa pag-ibig.
• Nagtataglay ng aral sa buhay at butil ng karunungan.
• Higit sa lahat, ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay hindi maaaring mangyari sa totoong buhay.
Mga Halimbawa ng Korido Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florenio ni Ananias Zorilla.
Sanggunian: Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe, Roselyn Salum et. Al https://www.slideshare.net/cli4d/ang-korido
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
(B)
Ang kuwento ng Ibong Adarna ay isinulat bilang isang korido na mayroong walong pantig ang bawat taludtod. Ang mga korido ay isinusulat noon bilang panalanging iniaalay sa Birheng Maria.
Hindi matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng akdang ito na naging malaking bahagi ng panitikan ng Pilipinas. Ngunit sinasabing nagmula ang korido sa bansang Mexico.
Ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
Kahit hindi isinulat ng isang Pilipino, niyakap ito ng marami dahil naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng kuwento nito, kabilang ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa magandang ugnayan ng bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak. Kabilang din sa aral na makukuha sa korido ay ang pananampalataya.
May haka-haka na ang manunulat na si Huseng Sisiw o Jose dela Cruz daw ang maaaring nagsulat o nagsalin nito ngunit walang makapagpatunay. Ang orihinal na bersiyong nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056 na saknong at ang kabuuan ng aklat ay mayroong 48 na pahina. Dahil sa mga aral na makukuha sa korido ay ginawa itong kabahagi ng pag-aaral ng mga kabataan at isa sa mga akdang pampanitikang tinatalakay sa haiskul.
Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-ibong-adarna-buod
Sagutan ang takdang gawain, pindutin ang link na ito
👉https://docs.google.com/forms/d/1xwRQYxKk1ajMsnkyrkrxkGYG-3D7Pc5XV30G1Dhd43w/edit?usp=sharing
upang makapagsagot sa takdang gawain.
I. Panimula (Mungkahing Oras: 20 minuto)
Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan. Tukuyin kung anong suliraning panlipunan ang nakapaloob dito at magmungkahi ng nararapat na solusyon.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Buod Kabanata 9: Ang Mahiwagang Katotohanan (Saknong 226 – 256)
Agad na gumaling ang mga sugat sa palad ni Don Juan matapos itong pahiran ng gamot ng ermitanyo. Muling namangha si Don Juan sa hiwagang ipinamalas nito.
Nagbilin ang ermitanyo sa tatlong prinsipe na nawa’y makarating sila ng payapa alang-alang sa kanilang amang hari. Nagbilin din ito na huwag sanang paglililo ang manahan sa kanilang mga puso.
Sa kanilang pag-uwi ay nauunang naglalakad si Don Juan dala-dala ang hawla. Habang nasa likod naman nito ang dalawa pa niyang kapatid. Palihim na kinakausap ni Don Pedro si Don Diego.
Dahil sa sobrang inggit nito kay Don Juan, binalak ni Don Pedro na patayin ang kaniyang bunsong kapatid ngunit ito ay tinutulan ni Don Diego.
Sa halip na patayin ay napagkasunduan ng dalawa na bugbugin na lang si Don Juan. Sa kagubatan na ito aabutan ng kamatayan at madadala pa nila ang Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya.
Hindi nanlaban si Don Juan kahit pa siya ay pinagtutulungan na bugbugin ng dalawa niyang kapatid. Iniwan ng magkapatid si Don Juan na nakagulapay sa gitna ng kagubatan. Tumakas sila tangay ang Ibong Adarna.
https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/#Kabanata-9
Buod Kabanata 13: Ang Pagbabalik ni Don Juan (Saknong 340 – 403)
Sa wakas ay nakabalik na muli si Don Juan sa kaharian ng Berbanya. Namutla ang mukha nina Don Pedro at Don Diego nang nakita nila ang bunsong kapatid.
Unang pinuntahan ng prinsipe ang nakaratay na ama at lumuhod ito sa harap ng hari. Umawit na rin ang Ibong Adarna at inilahad nito ang buong katotohanan.
Habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ay isinasalaysay ng ibon ang mga paghihirap ni Don Juan hanggang sa pagtataksil ng dalawa niyang kapatid. Sa ikapitong awit ng ibon ay biglang nakatayo ang hari at nawala ang bakas ng karamdaman sa kaniya.
Sa labis na galak ng hari ay niyakap nito ang bunsong si Don Juan pati ang ibon. Iniutos naman ni Don Fernando sa mga kagawad ng palasyo na ipatapon ang mga taksil niyang anak bilang parusa.
Nahabag naman si Don Juan sa kaniyang mga kapatid kaya lumuhod ito sa hari at inihingi ng tawad ang mga kapatid. Lumambot ang puso ng hari dahil sa ginawa ni Don Juan kung kaya’t nagbago ang isip nito.
Ngunit binalaan nito ang dalawang prinsipe na sa susunod na magtaksil ito ay kamatayan ang magiging kaparusahan sa mga ito.
Masayang niyakap ni Don Juan ang dalawa niyang kapatid. Bumalik ang kasiyahan ng palasyo dahil sa paggaling ng hari.
https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/#Kabanata-13
Panuorin o basahing mabuti ang kuwento mula sa bidyong mula sa youtube.
Kuwento ni Pilo
Isang gabi, ginabi na si Pilo sa pag-uwi at siya’y lasing. Iniabot niya ang sweldo sa kanyang asawang si Elsa. Ang
sweldo ni Pilo ay dapat 1, 200 piso ngunit 1,000 lang ang natanggap ni Elsa. Hindi yaon ang unang pangyayari. Tatlong
sunud – sunod na buwan na itong ginagawa ni Pilo. Nang gabing yaon, nag – away ang mag-asawa. Dahil sa di
makontrol ang kaniyang sarili, sinaktan ni Pilo si Elsa.
Lubhang nagdamdam si Elsa sa ginawa ni Pilo sa kaniya. Kinabukasan, nang pumasok na si Pilo, nag –alsa –
balutan si Elsa. Kasama ang dalawang anak, umuwi siya sa kaniyang ina.
Sa pag –iisa, walang ibang iniisip si Pilo kundi ang kanyang asawa at mga anak. Napagtanto niyang siya ang
may kasalanan, naisip niya na sana’y sinabi niya sa kanyang asawa ang kalagayan ng kanilang kumpanya. Dapat
sinabi niya sa asawa na mawawalan siya ng trabaho matapos ang anim na buwan.
Siguro, maiintindihan naman kung bakit lasing siya ng gabing yaon. Siguro, hindi sila nag –away.
Sagutan ang takdang gawain, pindutin ang link na ito
👉https://forms.gle/PwurPKdeokisaLRW8
D. Pagpapaunlad
Basahin ang buod ng ilang bahagi ng akdang Ibong Adarna.
Ang Nakakaakit na si Prinsesa Juana
Patuloy pa rin sa pagbaba si Don Juan hanggang sa marating niya ang pinakamalalim na bahagi ng balon. Namangha siya dahil isang magandang hardin ang kaniyang nasaksihan.Ito ang natatagong paraiso sa Armenya. Puno ng halaman at bulaklak sa paligid. Nagiging makulay at masamyo ang amoy ng kapaligiran dahil sa mga ito.
Nakita ni Don Juan ang palasyo na yari sa ginto at pilak dahilan kung bakit ito nangingislap. Nasilayan din niya ang isang dalaga na diyosa sa kagandahan. Siya ay si Donya Juana.
Di makapaniwala ang dalaga na narating ni Don Juan ang lugar na iyon. Lumuhod si Don Juan upang nagpakilala bilang prinsipe ng Armenya. Humingi din ito ng paumanhin dahil sa mapangahas na pagpunta sa lugar na iyon.
Sumamo si Don Juan na tanggapin ng dalaga ang kaniyang pag-ibig. Hindi naman ito nasawi dahil inibig din siya ng dalaga.
Nagbabala si Donya Juana kay Don Juan na ang nagbabantay sa hardin ay isang malupit na higante.
Nakipaglaban ang prinsipe gamit ang kaniyang matalas na espada hanggang sa matalo ang higante. Ayaw umalis ni Donya Juana sa lugar na iyon hanggang di niya kasama ang bunsong kapatid na si Prinsesa Leonora.
Ang Prinsesang Mas Kaibig-ibig
Pinuntahan ni don Juan si Prinsesa Leonora. Nabigla si ito nang makita si Don Juan. Nabighani naman ang prinsipe sa prinsesa dahil sa labis nitong kagandahan.
Minamadaling paalisin ng prinsesa si Don Juan dahil hindi magtatagal ay maaari nang dumating ang serpyente.
Nagmakaawa si Don Juan kay Prinsesa Leonora na siya ay kupkupin sapagkat tunay na nabihag niya ang puso ng prinsipe.
Nawala na sa isip ni Don Juan na nag-iintay sa labas ng palasyo si Donya Juana. Dahil matatamis na pananalita ni Don Juan ay lumambot ang puso ni Prinsesa Leonora at pinapanhik ito sa loob ng palasyo.
Nangako ng tapat na pag-ibig si Don Juan sa prinsesa bagama’t may pangamba ang prinsesa na pagtataksilan ito.
Ang Panibagong Panlilinlang
Nang umalis ay naiwan ni Prinsesa Leonora ang singsing na diyamante na pinamana pa ng kaniyang ina. Tanging ang kanyang lobo lamang ang naisama.
Dahil sa ginawang pagtataksil ng kapatid ay nahimatay si Prinsesa Leonora. Nagkaroon muli ng malay ang prinsesa habang nasa bisig ni Don Pedro. Ipinangako ni Don Pedro na gagawin niyang reyna ng Berbanya si Prinsesa Leonora.
Pinakawalan ng prinsesa ang alagang lobo at inutusang iligtas si Don Juan. Umuwi si Don Pedro at Don Diego kasama ang dalawang prinsesa. Sinabi ni Don Pedro na hindi nila natagpuan si Don Juan sa halip ay iniligtas nila ang dalawang prinsesa sa kamay ng higante at ng serpyente.
Iniutos ng hari na maikasal agad ang apat ngunit tumanggi si Prinsesa Leonora sa hari at nakiusap na ipakasal ito pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may panata.
Ang Panangis ni Prinsesa Leonora
Sa tuwing nalalaman niyang hindi si Don Juan ang dumadalaw sa kanya kundi si Don Pedro ay hindi nito pinagbubuksan ng pinto. Ang pangalan pa rin ni Don Juan ang laging sambit ng prinsesa.
Nagbanta naman si Don Pedro na may mangyayaring masama kung siya ay mabibigo sa pag-ibig niya kay Prinsesa Leonora. Hiniling ni Don Pedro sa prinsesa na limutin na nito si Don Juan dahil ito ay hindi na muling magbabalik sapagkat patay na.
Gayunpaman, tanging si Don Juan lang ang nasa puso’t-isip ng dalaga. Sa kabila ng tatlong taong pag-iintay at pagtitiis ay hindi nito magawang pakasalan si Don Pedro.
https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/ Philippine Drama o P-Drama
Philippine Drama, o P-DRAMA
• Ang Philippine Drama, o P-DRAMA mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay maaaring i-uri sa iba’t ibang anyo at genre.
• Ito ay napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay totoo.
•Nagmula ito sa dalawang salita na “tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”, at “serye”, salitang Tagalog para sa “series” at “drama” para naman sa drama.
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Teleserye)
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Damdamin
1. Mga pangungusap na padamdam- Nagsasaad ng matinding damdamin o emosyon, may bantas na tandang padamdam.
2. Maikling sambitla- Nagsasaad ng matinding damdamin o emosyon, isa o dalawang pantig.
3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o saloobin ng isang tao
4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan
Basahin ang buod ng bahagi ng Teleseyeng ” Ikaw ay Akin ” ng Net 25. Maaari ding mapanood ang piling bahagi nito.
Ikaw ay Akin
Ang pagkawala ni Benedict ay isang malaking palaisipan sa kanilang lahat.
Kagagawan ito ni Stephan na kapatid ni Adonis, ang karibal ni Benedict sa pag-ibig ni Althea. Ginawa niya ito upang hindi matuloy ang nalalapit na kasal ng dalawa, nang sa gayon ay sa kapatid niya mapakasal si Althea. Subalit nabigo ang mga tauhan ni Stephan na maisakatuparan ang masamang plano.
Natagpuan ni Maya sa ilog ang walang-malay na katawan ni Benedict. Kinupkos siya ng pamilya ni Maya.
Natuklasan ni Stephan ang kapalpakan ng kaniyang mga tauhan kung kaya’t pinuntahan niya ang bahay nina Maya upang tapusin ang buhay ni Benedict. Subalit nang matuklasan niyang wala itong maalala o nagkaroon ng amnesia, ay hindi muna itinuloy ang balak.
Mahigpit na binilinan ni Stephan ang pamilya ni Maya na itago si Benedict at kapag may naalala na ay sabihin sa kaniya. Nagbanta rin ito na may mangyayaring masama kapag hindi nakumbinsi ng ama ni Maya ang mga kasamahang magsasaka na ibenta sa kaniya ang kanilang mga lupang sakahan sa murang halaga.
Patuloy na umasa si Althea na buhay pa si Benedict subalit gumuho ang pag-asang iyon nang makatanggap sila ng balita tungkol sa natagpuang bangkay na ayon sa mga awtoridad ay si Benedict. Pinaslang daw ng mga drug addict at sinunog ang mukha kung kaya’t hindi na makilala.
Sa paniniwalang patay na nga si Benedict at dahil na rin sa labis na pagmamahal sa kaniyang pamilya, napilitang magdesisyon si Althea na pakasal kay Adonis maisalba lamang ang kanilang negosyo at buong kabuhayan. Ito ay dahil sa panggigipit ni Stephan sa kaniyang Ate Odette na kasosyo sa kanilang negosyo.
Sa kabilang dako, gumawa ng paraan si Maya upang mapilitan ang kaniyang mga magulang na ipakasal siya kay Benedict na tinawag niyang Romeo. Walang nagawa ang binata kundi ang amayon sa nangyari subalit alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang nararamdaman para kay Maya. Patuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa marami niyang tanong.
Bahagi ng preparasyon sa nalalapit na kasal nina Althea at Adonis, nagtungo sa Barangay Concepcion kung saan matatagpuan ang pinakamasarap na tupi. Nagkataon na ang gumagawa noon ay ang pamilya ni Maya. Muli ngang nagtagpo ang landas nina Althea at Benedict subalit hindi siya nito nakikilala.
Upang maunawaan ang hiwaga ng mga pangyayari at matulungang magbalik ang alaala ni Benedict, nagturo si Althea bilang isang guro sa ALS sa Barangay Concepcion. Gaya ng inaasahan, naging estudyante niya si Benedict.
Nang minsang magtungo siya sa bahay nina Maya, nakita niya ang tutubing yari sa lata na ginawa ni Benedict at di
sinasadyang nahiwa siya nito. Habang ginagamot ni Benedict ang sugat ni Althea, buong pagmamalaking ipinagyabang ni Maya kay Althea ang nalalapit nilang pagpapakasal at ipinakita pa ang bigay daw sa kaniyang singsing ni Benedict. Nakita ni Althea ang nakaukit na pangalan niya sa ilalim ng singsing. Ito ang nawawalang singsing para sa kaniya.
I. Panimula
Panuto: Basahin ang isang maikling salaysay at sagutan ang mga tanong kaugnay dito.
Ang Magkapatid
Sina Jun at Elisa ay magkapatid, kapwa mag-aaral sa elementarya. Si Jun ay nasa Ikaanim na Baitan samantalang si Elisa naman ay Ikatlong Baitang. Simple lamang ang buhay na kanilang tinatamasa ngunit sa murang edad ay bakas sa kanila na kuntento na ang mga ito sa nakakayanan ng kanilang mga magulang. Mabait, masipag at maalaga si Jun samantalang likas ang kakulitan ni Elisa gayunpaman ay di ito suliranin ng kanyang kapatid bagkus ay lagi nitong inaalagaan. Makikita na pinalalaki sila ng kanilang magulang na may kabutihan at kababaang loob. Kung kayat sa bawat araw na kanilang pagpasok sa paaralan sinusuklian nila ang kabutihan at kasipagan ng kanilang magulang sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagmamahal nila sa isa’t isa bilang magkapatid. Kaya naman madami silang kaibigan dahil sa kanilang ipinapamalas na magandang katangian.
1. Anong damdamin ang namamayani sa binasa mong salaysay?
________________________________________________________________________________________________________
2. Anong bahagi ng salaysay ang iyong nagustuhan at bakit?
________________________________________________________________________________________________________
3. Bilang kapatid o kaibigan, ano ang iyong karanasan na maiuugnay mo sa karanasan ng magkapatid sa salaysay?
________________________________________________________________________________________________________
4. Sa nakaraang aralin sa Ibong Adarna, may hindi magandang naging karanasan naman si Don Juan sa kaniyang mga kapatid, gaya ng pagtataksil sa kaniya ng tatlong beses. Una ay nang bugbugin siya at agawin ang Ibong adarna at ikalawa ay nang pakawalan niya ang ibong Adarna at palabasin na siya ang may sala at pangatlong, nang ihulog siya sa balon at agawin si Prinsesa Leanora. May karanasan ka rin ba na nakakahawig nito? Palawigin ang sagot.
________________________________________________________________________________________________________
D. Pagpapaunlad
Basahin ang buod ng karugtong na bahagi ng akdang Ibong Adarna.
Ang Lobong Engkantada
Duguan at halos lasog-lasog ang mga buto ni Don Juan nang datnan ng mahiwagang lobong alaga ni Prinsesa Leonora. Ipinahid ng lobo ang tubig na mula sa Ilog Joradan sa buong katawan ng prinsipe at muling nanumbalik ang lakas nito at napawi ang mga sugat. Pagkatapos kunin ang singsing ni Leonora ay tinulungan ng lobo si Don Juan na makaahon mula sa ilalim ng balon. Pagkatapos ay tuluyan na itong nagpaalam sa prinsipe.
Ang Muling Pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan
Mula sa pamamahinga sa isang puno, nagising si Don Juan dahil sa awit ng Ibong Adarna. Laking tuwa ng prinsipe nang makita niya ang ibon. Binilinan ng Ibong Adarna na maglakbay si Don Juan upang hanapin ang napakalayo ngunit magandang reyno sapagkat naroon si Donya Maria Blanca na walang kaparis ang ganda na anak ni Haring Salermo.
Ang Reyno Delos Cristales
Sa tulong ng tatlong ermitanyo at sa pamamagitan ng Higanteng agila ay narating ni Don Juan ang Reyno Delos Cristales. Itinago niya ang damit ni Donya Maria Blanca habang ito ay naliligo. Humingi ng tawad ang prínsipe sa prinsesa. Nawala naman ang galit nito nang makita ang maamong mukha ni Don Juan at inibig niya ang prínsipe.
Ang Pitong Pagsubok ni Haring Salermo
Upang hindi talaban ng sumpa ni Haring Salermo, binilinan ni Donya Maria si Don Juan ng mga dapat at hindi dapat gawin. Siya rin ang gumawa ng lahat ng pitong pagsubok ng amang hari para kay Don Juan.
Ang Pagtakas sa Reyno Delos Cristales
Pagkatapos ng pitong pagsubok ay pinapili na ni Haring Salermo si Don Juan ng mapapangasawa mula sa tatlong anak na prinsesa. Hindi nahirapan si Don Juan sa pagpili dahil sa hintuturo ni Donya Maria. Nagpasyang magtanan ang magkasintahan nang matuklasan ng prinsesa ang balak ng kaniyang ama na ipadala si Don Juan sa Inglatera upang paibigin sa kaniyang tiya at doon makasal. Hinabol sila na ama ngunit wala itong nagawa kaya isinumpa na lamang nito ang anak.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino ang sumulat ng akda. Ito ang dahilan kung bakit maraming kritiko ang nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino. Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng maraming kritiko na umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapaghalaga ng mga Pilipino tulad ng :
Ø Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal,
Ø Mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya,
Ø Mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang,
Ø Paggalang sa nakatatanda,
Ø Pagtulong sa nangangailangan
Ø Pagtanaw ng utang na loob
Ø Mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
Ø Pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at marami pang iba.
Itinuturing na ang IBONG ADARNA ay panitikang pantakas. Noong 1949, sa pamamagitan ng matiyaga at masusing pag-aaral ni MARCELO P. GARCIA ng iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang mga sukat at tugma ng bawat saknong.
Mga Tauhan ng Ibon Adarna
IBONG ADARNA- Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig nito
HARING FERNANDO- Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
REYNA VALERIANA- Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro at Don Diego
DON PEDRO- Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
DON DIEGO- Pangalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong magpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
DON JUAN- Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor
DONYA MARIA BLANCA -Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.
HARING SALERMO- Siya ang hari ng Reyno de los Cristales at ama ni Donya Maria.na nagbigay ng matinding pagsubok kay Don Juan.
DONYA LEONORA- Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan
DONYA JUANA- Siya ay isa sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na kapatid ni Donya Leonora
MEDIKO-Siya ang tanging nakatalossa sakit ni Don Frnando.Ipinayo niyang hanapin ang Ibong Adarna sapagkat ang awit nito ang tanging lunas sa kanyang karamdaman.
UNANG ERMITANYO- Matandang ketongin na nilimusan ni Don Juan ng pagkain.Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna.
IKALAWANG ERMITANYO- Siya ang nagturo kay Don Juan kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna sa Bundok Tabor.
IKATLONG ERMITANYO- Siya ang nagpagaling kay Don Juan noong siya ay sugatan dahil sa pambubugbog ng kanyang mga kapatid
IKAAPAT NA ERMITANYO- Naawa at nagbigay ng pagkain kay Don Juan habang naglalakbay patungo sa Reyno de los Cristales
IKALIMANG ERMITANYO- Nakilala ni Don Juansa kanyang paglalakbay sa Reyno de los Cristales. Siya ay may alagang olikornyong sinakyan ni Don Juan upang makilala ang ikaanim na ermitanyo
IKAANIM NA ERMITANYO- May alagang agila na naghatid kay Don Juan sa Reyno de los Cristales.
ARSOBISPO- Siya ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
NEGRITO AT NEGRITA- Maliit na taong nasa loob ng prasko. Inutusan silang magtanghal ni Donya Maria upang mapanumbalik sa alaalani Don Juan ang pag-ibig nito sa Donya.
LOBO- Alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng Armenya
HIGANTE- Ang may bihag kay Donya Juana
SERPYENTE- Malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora
OLIKORNYO- Naghatid kay Don Juan sa Ikaanim na Ermitanyo na magiging daan upang matagpuan niya ang Reyno de los Cristales
AGILA- Higanteng ibong nagturo at naghatid kay Don Juan sa Reyno de los Cristales
I
BUOD NG IBONG ADARNA
May isang kaharian na ang pangalan ay Berbanya na pinamumunuan ng isang hari na nagngangalang Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na susunod na hari ng Berbanya.
Nang nagkaroon ng di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit. Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato. Sumunod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato. Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay pangit na at malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si Haring Fernando. Iminungkahi ng adarna na gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil.
Pinabantay ng hari ang adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang balon at tinangka nila itong lusungin tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Donya Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesang Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Donya Leonora. Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya siya ay nagdasal. Binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang singsing na pamana sa kanya ng kanyang ina. Pinatid ni Don Pedro si Don Juan. Nang magkamalay si Donya Maria, nangako si Don Pedro na gagawin siyang reyna. Pinasundan niya si Don Juan sa lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di Makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora. Sa halip, sina Don Diego’t Donya Juana ang ipinakasal.
Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-hordan sa tulong ng lobo. Kinalimutan ni Don Juan si Donya Leonora sa halip siya’y naglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Donya Maria Blanka. Inabot ng 3 taon si Don Juan sa paghahanap sa de los Cristal. May matandang nagbigay sa kanya ng tubig at pagkain. Iginiit ni Don Pedro kay Leonora ang kanyang pag-ibig subalit si Don Juan lang ang nasa puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong de los Cristal. Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni Donya Maria habang ito’y naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay Donya Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria ka Don Juan. Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan dahil ito ay nagalak sa kanyang pagsagot. Ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahika upang maisagawa ang pagsubok. At dahil doon, palihim na natuwa si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari. Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ang pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Nagapi naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria.
Nang mapili ni Don Juan si Maria, ipatatapon dapat ng hari si Don Juan sa Inglatera ngunit nagtanan ang dalawang magkasintahan. Sinumpa ng hari si Maria at saka namatay ang hari. Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian. Ipinagtapat ni Leonora ang tunay na ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan. Hiniling niya sa hari na magpaksal sila ni Don Juan. Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Donya Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan gamit ang dalawang ita. Tatlong beses pinalo ng negrita ang negrito ngunit si Don Juan ang nasasaktan sa mga palong ito. Ngunit wala pa ring maalala si Don Juan. Babasagin na sana ni Maria ang prasko nang maalala siya ni Don Juan. Ipinagtapat ni Donya Maria ang totoong nangyari kaya nagalit ang hari sa dalawng prinsipe. Isinalaysay ni Donya Maria ang mga nangyari sa kanila ni Don Juan. Nagpakasal sina Donya Maria at Don Juan, bumalik sa Reyno de los Cristal at namuno. Si Leonora naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan. Sina Don Pedro at Donya Leonora ang naging bagong reyno at reyna ng kaharian ng Berbanya.