"Research is formalized curiosity. It is poking and prying with a purpose.
- Zora Neale Hurston
"Research is formalized curiosity. It is poking and prying with a purpose.
- Zora Neale Hurston
Paggamit ng Video Clips sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan ng Pilipinas sa mga Mag-aaral sa Baitang 9
Hosanna O. Jacobe
🏫 Butuan City School of Arts and Trades
ABSTRAK
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay upang mapabuti ang pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino 9, partikular na sa Panitikan ng Pilipinas para sa ikatlong kwarter ng taong panunuruan 2021-2022 sa pamamagitan ng paggamit ng video clip. Kaya, ang mananaliksik ay bumuo ng isang interbensyon gamit ang video clip upang alamin ang kabisaan nito sa pagtuturo sa Panitikan ng Pilipinas sa Filipino 9 Hinangad ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:(1) Ano ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa Baitang 9 sa panitikan ng Pilipinas bago at pagkatapos gumamit ng mga video clips? (2) Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng bago at pagkatapos ng paggamit ng video clip sa pagtuturo ng Panitikan ng Pilipinas sa Filipino 9? Sa pag-aaral na ito, deskriptiv sampling teknik ang ginamit sa pagpili ng mga kalahok. Ang mga pagsusulit na ginamit bilang batayan sa pagkuha ng datos ay idinaan sa pag-validate ng Punong Kagawaran sa Departamento ng Araling Panlipunan at isang Master Teacher sa Filipino Department sa Butuan City School of Arts and Trades gamit ang pamantayan o evaluation scale na may numerical rating at descriptive rating sa limang-puntos na saklaw. Bukod dito, ang pretest at posttest ay ibinigay sa mga mag-aaral sa seksiyon SPJ dahil sila ang nasa online na klase. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpakita na ang paggamit video clip ay natagpuang epektibo dahil nagkaroon ng pagtaas sa mga puntos ng mga mag-aaral pagkatapos ng paggamit ng video clip. Nagkaroon din ng makabuluhang pagkakaiba sa istatistika sa pagitan ng dalawang pagtatasa. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay nagmumungkahi na ang paggamit ng video clip bilang interbensyon ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na kagamitang-panturo sa panitikan ng asignaturang Filipino nang matulungan ito na mapataas ang kanilang kasanayan sa gawaing pagganap sa Filipino 9.
Keywords: Video Clips, Panitikan