May mga di mabilang na pinagpala ng Panginoon at ang lupain natin ang isa sa mga ito.
Bago pa natawag na Nabaccayan, iba’t-ibang tao na ang nanirahan dito. May mga Ibanag, Ilokano at Ita. Sa mga panahong iyon, marami pa ang ligaw na hayop, isda sa mga sapa at ilog. Wala pang naitatag na eskwelahan sa panahong iyon. Subalit ang mga mamamayan ay kontento na sa mga produktong tulad ng palay, mais, tabako, mga gulay at prutas. Ang karaniwang problema ay kung saan ibenta ang mga produkto. Ngunit sa dami ng mga alagaing hayop tulad ng kalabaw, kabayo at baka ito na rin ang nagsilbing tagahakot ng mga paninda sa iba’t- ibang lugar. Gayun paman may malakas na sama ng panahon ang dumapo rito at ang lugar ay nalubog sa tubig baha. Maraming punong kahoy, kawayan, ligaw na hayop at marami pang iba ang naglutangan at ito’y natipon sa lugar, at pagkatapos ng unos, ang mga naninirahan na grupo ng Ibanag, ay nagsilabas sa kanilang tirahan.
Pinuntahan nila ang lugar. Ang lider ng grupo ay pinangalanan DELARAGA sumigaw ito ng Ibanag na wika nafacaru na ibaccay, na ang kahulugan ay maraming nagkalat na bagay sa lugar.Ang lider ay panay ang pagsisigaw ng nafacaru na ibaccay nang ito’y marinig ng mga Ilokano na ang lugar parating daanan ng bagyo at ang mga bagay naaanod mula sa itaas ay naiipon. Dahil ang mga Ilokano ang unang nanirahan sa lugar pinangalanan nila ang lugar na Nabaccayan na mula sa salitang naibaccay. Hindi nagtagal ang lider ng mga Ibanag na Delaraga ay umalis sa lugar.
Ngayon ang unang nanirahan ay mga pamilyang Cudal, Belmonte, Llanto, Gammuac, Villanueva at Valdez na silang naglinis sa kanilang sakahan mula sa masukal na lupang agrikultural.
Di nagtagal, nagsidatingan ang mga mangangalakal na intsik na si Tonga Lim. Siya ay isa sa mga tauhan ng La Villa De Manila Inc., na pinatatakbo ng yumaong Felipe Say. Siya’y nagtayo ng negosyo dito sa Nabaccayan. Siya’y namimili ng mga troso, yantok, tabako, palay, mais at halos lahat ng produkto ng mga residente. Dinadala ang mga produkto sa pamamagitan ng Balsa o dili kaya’y hila ng kalabaw at ang mga troso ay pinalulutang na lang sa ilog kapag ito’y umapaw papunta sa bayan ng Aparri.
Ilang taon ang lumipas, dumating ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga sundalong hapon ay dumating. Ang mga nakatira rito ay lumipat sa kabila ng Ilog Cagayan. Makaraan ang ilang buwan sa tulong at gabay ng panginoon, ang mga sundalong Amerikano ay dumating. Ang mga mamamayan ay nanumbalik ang saya dahil sumuko ang bansang Hapon.
Sa paglipas ng panahon ang mga mamamayan ay nagsibalikan at ipinagpatuloy ang mga Gawain sa bukid kahit marami sa mga ito ang napinsala pati ang mga alagaing hayop ay hindi pinatawad naging ulam ng mga hapones. Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig, dumating na naman ang kalamidad tag-gutom, mahabang panahon na walang ulam at maraming tao ang nagutom at namatay. Sa paglipas ng panahon nalampasan naman nila ang sakuna.
Nag-reorganisa ang pamunuan ng Barangay. Ang dating Ramon Cudal ang Teniente Del Barrio.
Sa kanyang natatanging panunungkulan bilang Teniente Del Barrio, ang barangay Nabaccayan ay nabigyan ng pamilihang permanente at araw ng palengke sa tulong ni Delfin Liban bilang Mayor sa panahong iyon.
Tulad ng ibang barangay ang paninirahan ay may umalis at dumating tulad ng mga Intsik. Ang mga opisyales noon ay may ginawa sa abot ng kakayahan para sa pang-ekonomiko at pagpapaunlad.
Sa kasalukuyan, Barangay Nabaccayan ay isa sa mga limampung Barangay ng Gattaran at tinaguriang pangalawang sentro ekonomiko ng bayan. Humigit kumulang labing limang kilometro mula sa sentro ng Gattaran, bumuo ng pitong purok na may kabuuang sukat na 426.33 ektarya kasama ang natitirang masukat na gubat. Ito’y nararating ng mga pampasaherong dyip, tricycles, buses at iba pa. Ang mga kalsada patungo sa mga purok ay mabato pa rin.
Ang daan patungo sa Poblacion ay nakongreto na mula sa CDF ng pamilya Enrile sa kanilang pamamahala sa Kongreso, katuwang si Honorable Ramon C. Nolasco bilang Alkalde ng Bayang Gattaran.
Ang Barangay Nabaccayan ay may eskwelahang Elementarya, Pampublikong Pamilihan. Mga gusaling pangangalakal at gilingan ng palay. Mayroon na ring Barangay Pangkalusugan at nangangasiwang Rural Health Midwife. Ang mga tao rito ay mga magsasaka bilang pangunahing pangangailangan ng kita halos lahat ay gumagamit ng wikang Iloko na karamihan ay Katoliko. Isa sa mga maipagmamalaki ay ang gusaling sambahan ( San Isidro Labrador Parish ) na ipinatayo ng namayapang Kura Paroko Rev. Cesar Tagal.
Sa taong 1994 Barangay Election nanalong Punong Barangay si Punong Barangay Isaac C. Mateo Jr. nagkaroon ng kalamidad at maraming pampublikong gusali ang nasira ditto at nasubok ang kakayahang mamuno. Dahil walang Barangay Hall sa panahong iyon siya’y nakipag-usap sa pamilya ni dating Isabelo Cudal at nakumbinsi na magbigay ng lote para sa Barangay Hall, Solar Dryer, na itatayo sa iisang lugar. Naisakatuparan lahat ito sa taong 1997 sa ponding dalawampung bahagnan (20%) Economic Development Fund para sa tatlong taon.
Ang Barangay Hall ay nagamit na Barangay Health Stations sa mahigit kumulang na isang taon dahil ang lumang Health Center ay nagiba ng Bagyong “Taning” sa taong 1990.
Kasama rin ang lumang pamilihan na pinunduhan ng PACO. Sa pamumuno ni Punong Barangay Isaac C. Mateo Jr. kasama ang iba pang opisyales ng barangay sila’y nalipag-usap na naman kay G. Isabelo Cudal at pamilya nito upang ibahagi ulit ang isang lote upang pagtayuan ng Barangay Health Station sa halagang 15,000.00 para sa 150sq. meters. Ang mga opisyales ay ibinigay mismo ang kanilang cash gift para lamang dito. Dito naitayo ang Barangay Health Station na pinondohan ng 20% Economic Development Fund para sa susunod na dalawang taon.
Sa 1997 Barangay Election, Punong Barangay Isaac C. Mateo Jr. ay nahalal muli at walang katunggali dahil sa mahusay na pamumuno at panghuli sa tatlong sunod na termino. Siya’y nakipag-usap na naman para sa isang lote na pagtatayuan ng Barangay Gymnasium sa pamilya nina Sebastiana Cudal Timple,Rodrigo Cudal at Hilario Cudal Sr. Ang kagalang-galang na Patrick Antonio, dating mambabatas sa unang distrito ng Cagayan ay nagbigay ng halagang 500.000.00 mula sa kanyang CDF, bilang pang-unang pondo para sa pagtatayo ng Barangay Gymnasium. Upang makompleto ang Gynasium ang konseho ay humingi ng tulong pinasiyal kay Hon. Governor Florencio Vargas, Hon. Mayor Ramon C. Nolasco at 20% EDF ng Barangay kasama ang SK Fund ay nagamit narin sa proyekto. Bagong Slaughter House ay naitayo rin sa administrasyon, tulong pinansiyal mula kay Hon. Vice Governor, Oscar Pagulayan at Hon. Mayor Ramon C. Nolasco kasama ang 20% EDF ng barangay.
Sa panahon ng pamumuno ni Punong Barangay Isaac C. Mateo Jr.,nakatanggap ng maraming parangal. Ilan sa mga ito ang Sentrong Sigla Award, dahil sa serbisyong ibinibigay ng Barangay Health Station sa gabay ng Midwife at Barangay Health Workers sa kabila ng katiting na sahod o insentibo. Ang barangay na ito ay tumanggap din ng Hall of Fame, Most Outstanding GMAC sa buong Pilipinas dahil sa hindi matawarang serbisyo ng mga barangay personnel sa mga kabaranggay. Sumunod ang Sandugo Award sapagkat ang barangay ang natatanging barangay ng Gattaran na may bloodbank kung saan nakakakolekta ng dugo mula sa mga voluntary blood donors dalawang beses sa isang taon.
Ang Paaralan ng Elementarya ng Nabaccayan ay dito rin naitatag ang Distrito ng Gattaran Sentral sa ilalim ng pamunuan ni Punong Barangay Isaac C. Mateo Jr., at nagawarang ‘Brigada Eskwela Hall of Fame “. Dito rin sa Barangay Nabaccayan matatagpuan ang “Most Outstanding Barangay Tanod” sa buong lalawigan ng Cagayan.
Sa kasalukuyan, Nabaccayan ang napiling “pilot barangay” para sa pamahalaan at Non-Government Projects at mga programa na pwedeng gayahin sa ibang barangays. Dito rin isinasagawa bilang sentrong sanayan ng iba’t ibang samahan at pribadong grupo.