Values Education 7
Values Education 7
IKALAWANG KWARTER
Task 1
Ipamalas ang maingat na paghuhusga sa pamamagitan ng pagkilos nang mapanagutan ayon sa mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya. Isagawa ang mga kilos na ito sa tahanan, paaralan at pamayanan.
Task 2
Ipamalas ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagkilos nang may pagmamahal sa pamilya. Magsagawa ng angkop na kilos nagpapakita ng pagtupad sa mga tungkulin ng pamilyang kinabibilangan. Gumawa ng talaan ng tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya. Magkaroon ng malayang talakayan sa klase upang maibahagi ang kasagutan ng mga mag-aaral.
Task 3
Ipakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pag-unawa, pagrespeto at pagkalinga sa pamilya.
Task 4
Isabuhay ang pagiging madasalin sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal kasama ang pamilya.
Task 5
Isabuhay ang maingat na paghuhusga sa pamamagitan ng paglalaan ng pagkakataon upang makapagbasa, makapagbahagi at makapagnilay ang bawat miyembro ng pamilya ng mga aral mula sa Banal na Kasulatan. Sa gawaing ito mahuhubog ang konsensya tungo sa maingat na paghuhusga upang makagawa ng mabuting pagpapasya at matuwid na pagkilos ang mag-aaral sa tulong at gabay ng pananampalataya ng pamilya.
Task 6
Isabuhay ang pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga angkop na pamamaraan ng pagtugon ng pamilya sa pagbabago ng klima. Magsagawa ng sama-samang paglilinis ng tahanan at kapaligiran sa labas ng bahay.
Task 7
Bumuo ng simpleng proyektong pampamayanan na tumutugon sa kaayusan at kalinisan, kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng pamayanan.
Mga Grade 7 Batang Batangueno
Bisitahin ang MPNHS Retrospect Batang Batangueno Facebook Group Page. Mag join na at ipost ang inyong patunay na kayo ay tumugon sa ating RBB Task/Challenge.
Kaya tara na! Dahil ang Batang Batangueno Nagningning at Nagliliwanag ang mabuting puso!
#MPNHS SHINES!
Mga Batang Batangueno Mula sa Baitang 7!!!
Nais naming marining ang inyong komento at suhestiyon para sa ikakaganda ng proyektong ito!
Mag log in or Iclick ang EsP Matic Suggestion Dashboard Padlet!
Maraming Salamat!