WELCOME TO MALAKING POOK NATIONAL HIGH SCHOOL
ESP LEARNING HUB
WELCOME TO MALAKING POOK NATIONAL HIGH SCHOOL
ESP LEARNING HUB
Good day everyone! Welcome to MPNHS EsP Learning Capsule. This learning hub will help you to learn and know more about meaningful and engaging activities conducted in school related to Edukasyon sa Pagpapakatao. You can also access various learning materials and resources here.
We are happy to see you and we hope that these learning experiences will help you on your journey to discover your strengths and talents, strengthening them, and becoming the best version of yourself! Enjoy browsing and Happy Learning!
EsPMATIC
FOUR CORE VALUES
LOVE
FAITH
FREEDOM
JUSTICE
CURRICULUM GUIDE, MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES AND BUDGET OF WORK
Ang Good Manners and Right Conduct at Values Education (GMRC at VE) ay isang pangunahing asignatura (core subject) sa Programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ayon sa Republic Act No. 11476, ang GMRC and Values Education Act. Ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) o Kabutihang Asalat Wastong Pag-uugali ay tumutukoy sa tiyak at partikular na tinatanggap na mga batayang panlipunang pagpapahalaga, etiketa, at/ o tamang paraan ng pag-uugali na nagpapahayag ng paggalang sa mga taong nakakasalamuha. Samantalang ang Values Education (VE) o Edukasyon sa Pagpapahalaga ay tumutukoy sa proseso na nagbibigay ng pag-internalisa ng mga pagpapahalaga sa mga kabataan na naglalayong matuto ang mga mag-aaral ng mga etikal na saligan ng mga prinsipyo, kasama ang kakayahang kumilos batay sa mga prinsipyong ito, at ang napatibay na disposisyon na gawin ito. Ituturo ang GMRC sa mga mag-aaral sa Baitang 1 hanggang 6 bilang pangunahing asignatura at integrated din ito sa Kindergarten. Ang Values Education naman ay ituturo sa mga mag-aaral sa Baitang 7 hanggang 10 bilang pangunahing asignatura rin, samantalang integrated sa mga baitang na ito ang pagtuturo ng GMRC. Ang time allotment ay kapareho/magkatulad ng ibang pangunahing asignatura (Section 4, RA 11476).
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.
Ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Bureau of Curriculum Development ay bumuo ng talaan ng mga pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELCs). Binuo ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga guro at mag-aaral kaugnay ng mga hamong dala ng COVID19. Gamit ang MELCs, inaasahan na makatutulong ito sa anumang mode of instructional delivery na gagamitin ng guro upang punan ang pinaikling panahon ng pag-aaral at limitadong interaksyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
Ang Badyet ng mga Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay ginawa upang mabigyan ang mga guro ng madaling paraan ng pagsasakatuparan ng pamantayang pagkatuto at mapagaan ang sistema ng pagtuturo na hango sa gabay pangkurikulum. Ito ay balangkas ng mga aralin hango sa pinaunlad na programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga mag-aaral. Kasabay nito ang pagsasaalang-alang sa tunguhin na ang mga mag-aaral ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.
EsPMATIC COMMERCIAL BANNER
ESP TEACHING FORCE
EPS 1- EsP
School Head/Principal III
EsPMATIC Website Developer/TIII
EsP and Values Coordinator/ Esp 7 and 10 Teacher/TII
EsP 8 Teacher/ TIII
EsP 9 Teacher /TIII