Values Education 7
Values Education 7
UNANG KWARTER
Task 1
Ipakita ang maingat na paghuhusga na gamit ang tunguhin ng isip at kilos-loob.
(Comic Strip)
Task 2
Ipakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagpapahahalaga sa dignidad ng bawag isa.
(Larawan ng Paggalang)
Task 3
Isabuhay ang pagiging matatag sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga pagsubok na kanilang naranasan at napagtagumpayang nalampasan sa tulong ng Panginoon, pamilya, at mga kaibigan.
(Pagsulat ng Sanaysay)
Task 4
Isabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing higit na makapagpapalalim ng mabuting ugnayan sa Panginoon batay sa relihiyong kinabibilangan
(Larawan)
Task 5
Isabuhay ang pagiging mabuting katiwala (good stewarship) sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsasabuhay ng pagtitipid at pag-iimpok.
(Kampanyang Panlipunan / Social Awareness Campaign)
Task 6
Isabuhay ang pagiging handa sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa mga wastong paraan ng pagtugon sa panahon ng kalamidad at pagsasabuhay ng mga ito.
(Emergency Kit) )
Task 7
Ipamalas ang pagiging mapanagutan sa pamamagitan ng pakikilahok nang maayos at may pag-unawa sa mga disaster drills ng paaralan.Pag-usapan at magplano rin kasama ang pamilya sa pagbuo ng Emergency Plan upang matiyak na alam ng bawat miyembro ang kanilang gagawin sa oras ng sakuna.
Mga Grade 7 Batang Batangueno
Bisitahin ang MPNHS Retrospect Batang Batangueno Facebook Group Page. Mag join na at ipost ang inyong patunay na kayo ay tumugon sa ating RBB Task/Challenge.
Kaya tara na! Dahil ang Batang Batangueno Nagningning at Nagliliwanag ang mabuting puso!
#MPNHS SHINES!
Mga Batang Batangueno Mula sa Baitang 7!!!
Nais naming marining ang inyong komento at suhestiyon para sa ikakaganda ng proyektong ito!
Mag log in or Iclick ang EsP Matic Suggestion Dashboard Padlet!
Maraming Salamat!