ARALIN SA IKAWALONG LINGGO
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang Tungkunglin ng Tao sa Lipunan
Paksa: Pakikilahok at Bolunterismo
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pagunlad ng mamamayan at lipunan.
Pamantayan sa Pagganap: Nakalalahok ang mag-aaral ng isang proyekto o gawain para sa baranggay o mga sektor na may partikular na pangangailangan (hal., mga batang may kapansanan o mga matatandang walang kumakalinga)
PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO (MELC)
8.3. Napatutunayan na:
a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan
8.4. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may partikular na pangangailangan Hal. mga batang may kapansanan o mga matatandang walang kumakalinga