ARALIN SA IKAANIM NA LINGGO
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang Tungkunglin ng Tao sa Lipunan
Paksa: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ang mag-aaral ng paglalahat tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa sa sarili, kapwa/pamilya, at lipunan gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyonal.
PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO (MELC)
7.3 Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao.
7.4 Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikalbokasyonal.