ARALIN SA IKAWALONG LINGGO
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang Papel ng Lipunan sa Tao
Paksa: Lipunang Sibil (Civil Society), Media at Simbahan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa Lipunang Sibil (Civil Society), Media at Simbahan.
Pamantayan sa Pagganap: Natataya ng mag-aaral ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pagunlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) o ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang sustainable society).
PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO (MELC)
4.3. Nahihinuha na :
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likaskayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.
b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya.
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa
4.4.
a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pangekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable)
b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan
POWERPOINT PRESENTATION