FAITHBOOK PH
Kainang Pamilya Mahalaga Day www.facebook.com/DepEdTayoMBNHS301123Β
Ngayong araw, ika-22 ng Setyembre 2025, ipinagdiriwang ng buong bansa ang π²ππππππ π·ππππππ π΄πππππππ π«ππ, isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-apat na Lunes ng Setyembre, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 326, serye ng 2012.
Ito ay bahagi rin ng pagsisimula sa obserbasyon at selebrasyon ng π΅πππππππ ππππππππ ππππππ πΎπππ, kung saan kinikilala ang mahalagang papel ng pamilya bilang pundasyon ng isang matatag, maayos, at maunlad na lipunan.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang lahat ng mga BatangueΓ±o na sama-samang kumain kapiling ang pamilya upang bigyang-daan ang pagbuo ng mas malalim na ugnayan, maayos na pagkakaunawaan, at wagas na pagmamahalan bilang isang nagkakaisang pamilya.
Sa gitna ng abalang pamumuhay, ang simpleng pagsasalo sa hapag at paglalaan ng oras para kumain nang sabay-sabay ay magsisilbing sandigan ng mas matibay na samahan at isang simpleng hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas masaya at matatag na tahanan.
π΄πππππππππ π¨πππ ππ π²ππππππ π·ππππππ π΄πππππππ!Β